CHAPTER 5

981 17 1
                                    



"Bilisan mo Amber! Mas dadami pa mamaya ang customer! Dali na!" Sigaw sa akin ng manager. 


"Opo…" 

Isa akong service crew dito sa isang milk tea shop malapit sa isang pribadong paaralan sa maynila. Ito ang isa kong trabaho sa maynila. Sobrang nakakapagod dahil sobrang daming estudyanteng napupunta dito. Naka suot ako ng pantalon na gaking Kay Valerie at itim na polo shirt na pinatungan ng apron at nakapusod ang buhok.Inatupag ko na lang ang mga sunod sunod na order. 


"Creamy cheesecake po for Ethan!" Sigaw ko ng matapos ko ang huling order. Ilang minuto ang lumipas pero walang nag claim.


"Creamy Cheesecake po for Ethan!" Sigaw ko ulit. Sakto naman ang pag pasok ng isang magandang estudyanteng customer at nag order.


"Good afternoon po, ano pong order nila?" Masuyo kong tanong. 


"Strawberry Tea, Large. Dine in." Sagot nito at inilahad ng black card niya.

"Salamat po paki hintay na lang po," sambit ko at tinalikuran na siya sinilip ko ulit ang natitirang order nandoon parin.



"Creamy Cheesecake po for Ethan!" Sigaw ko ulit sabay kuha ng baso para simulan na ang kasabay na order. 

 Mula rito sa kinatatayuan ko. Amoy na amoy ang mint manly perfume niya. Familiar ang amoy na iyon, hindi ko matandaan saan ko naamoy. Inangat ko ang tingin ko sa lalaking nag claim ng order. He's wearing a Chinese Collar black shirt and white trouser pants and white clean shoes. Damn, ang gwapo naman nito. Nakakahiya tingnan. Mestiso at kitang kita sa lace ng ID niya na nag aaral siya sa sikat na paaralan. Tiningnan ko ang mukha niya at napaiwas ako ng tingin ng makita ko ang abo niyang mga mata na matalim ang tingin sa akin. 




"You seem curious about something. Anything on your mind you'd like to share about?" Malalim na boses niyang sambit.



"Po?" Naguguluhan kong sambit. 


"Nothing. It's nice to see you here, Amber…" Sagot niya at tinalikuran na ako. 




Bakas sa mukha ko ang pagtataka bago sinimulan ang isang order. Bakit parang kilala ko na ang lalaking iyon? Nakita ko na ba? Nakasama kona ba siya? Bakit ang komportable ko sa presensya niya? Saan ko siya nakita? Ang mga abo niyang mata ay parang natitigan ko na. Gusto ko siya tanungin. Gusto ko siya kausapin pero nakakahiya. Sa paraan palang ng pananamit at kutis nito, halatang mayaman. Sa dina rami ko ng nakasalamuhang mayayaman. Lahat sila ay pare pareho. Hangga't kaya ka maliitin, mas mamaliitin ka pa.




"Strawberry Tea po for Chantal!" Sigaw ko ng matapos ko na ang order. 



Ilang oras akong nakatayo. Wala pa kasi akong kasama dito sa trabaho na ito dahil halos ka bubukas lang. Mamayang gabi naman ay may trabaho ako sa isang resto. Nang matapos na ako sa duty ay umuwi muna ako sa apartment na inuupahan ko. Maliit lang iyon, sakto lang para sa akin. Ginamit ko ang perang binigay sa akin ni Tita noong hinatid niya ako sa sakayan. Ang ginagastos ko naman ngayon ay ang naipon ko noong tinulungan ko si Tita sa palengke noon. 


"Laban lang, Amber…" Hinawakan ko ang pisngi ko habang nakatingin sa salamin. Nag aayos na kasi ako para sa isa kong trabaho sakto naman ang pag tunog ng cellphone ko.


"Hello," sagot ko.

"Kumusta ka na dyan, Amber?" 


"Valerie?" Tanong ko ng ma mukhaan Ang tono ng boses.


The warmth in his arms  Where stories live. Discover now