CHAPTER 6

958 15 0
                                    

Apat na buwan na ako dito sa Maynila.  Noong nakaraang buwan nakalabas na ng hospital si Valerie. Gustuhin ko man umuwi ngunit hindi pa pwede, dahil kailangan ng pang maintenance ni Val. Tinuloy niya ang pag aaral niya ng makalabas siya sa hospital. Kung uuwi man ako sa Cagayan de Oro ngayon hindi rin ako makakapag aral dahil hindi pa tapos ang semester noong nakaraan. Si Tita Susan naman ay panay ang kumusta sa akin.



Dito na muna ako sa maynila, mag iipon na muna ako ng pera para sa pag aaral ko kapag umuwi na ako. Next week pala kaarawan ko na. Ito ang unang kaarawan ko na malalayo kila Tita. Sa tuwing sasapit ang kaarawan ko hindi ko kailanman naranasan bilihan ng cake. Tuwing sasapit kasi ang kaarawan ko si Valerie lang ang nakakaalala. Siya ang kaisa isang bumabati sakin. Kaya ganito na lang ang gagawin ko para kay Valerie. Nagpaka ate siya sakin. 


"Happy Birthday, Amber!" Sigaw ni Jeremiah sakin.

"Huh?" 

"Birthday mo na next week nakita ko sa resume mo," sambit sabay akbay sakin. Pauwi na kami galing trabaho, pumasok rin kasi siya sa Celestre Coffee Shop na pinapasukan ko.


"Pakialamero ka!" Sigaw ko. 

"Ang gwapo ko naman palang pakialamero," palag niya. 



"Hindi ka pa uuwi sainyo?" Tanong niya. Naging kaibigan ko na si Jeremiah. Siya ang kauna unahang kaibigan ko sa Maynila. Ang bait niya sobra. Halos kuya ko na siya. 

"Hindi pwede," Sagot ko. 


Totoo naman. Hindi pwede dahil walang susuporta sa gamot ni Val. Hindi pwede dahil hindi rin naman ako makakapag aral kapag umuwi ako. Hindi pwede dahil sigurado ako kapag umuwi ako ay mag iiba na ang trato ni Tita sa akin. Kaya mas minabuti ko nalang na dito muna ako sa maynila. 


"Okay lang Amber, pag tumaas sagod natin papaheramin kita para naman makapag pahinga ka kahit isang araw lang…" sambit niya. 



"Ano ka ba! Wag nga, nagpapahinga naman ako," sagot ko sakanya.


"Pati ata Sunday hindi ka nagpapahinga eh, ano sama ka? Simba tayo this coming Sunday…" Aya niya pa sakin. 

Hindi naman kailangan oumunta pa sa simbahan para magdasal? Tuwing gabi at palagi akong nananalangin, kapag umaga naman palagi akong nagpapasalamat dahil nagising pa ako.

"Okay.." sagot ko na kita ngiti niya sakto naman ang pagpasok ng customer si Jeremiah ay pumunta sa stock room kumuha ng straw.




"Good Day! Ano pong order nila, sir?" sambit ko at hindi tinitingnan ang lalaki. Pero napaangat ang tingin ko dito ng maamoy ko ang pamilya na pabango. 




He's here again. The guy with the ash eyes. Napatingin ako sa likuran niya. Kasama niya ang babaeng lagi rin na tambay dito. Si Chantal. Napatingin ulit ako sa mga abo niyang mata na nakatingin sa akin kaya napa iwas ako ng tingin.

"One Creamy Cheesecake… and what's yours Chan?" Tanong niya sa babae.


"Strawberry Tea, babe…" sagot niya. 

Babe? Sila ba kaya panay tambay nila dito?


"Okay po… ano pa pong gusto niyo sir?" In-encode ko na ang order nila bago siya muling tingnan. 



"You," sagot niya na kadahilanan ng pag ulit kong tanong. 


"Po?" Tanong ko ulit. 

"Amber! Sabay tayo mag lunch mamaya-" hindi na natapos ang sasabihin ni Jeremiah ng makita na may customer na.


"That's all," sagot ng lalaki at umalis na sa counter. 



The warmth in his arms  Where stories live. Discover now