CHAPTER 27

634 6 0
                                    

"No…" bulong ko sa pagitan ng paghalik niya sa akin. 




Mali ito. Kailangan ko umalis. Hindi dapat ako naniniwala sa kanya. I need to save myself. Kailangan ko iligtas ang sarili ko para hindi na ako maliitin muli. Mapahiya. 




"Amber…" tawag niya sa pangalan ko at doon lang umangat ang tingin ko sa kanya. 





"No..." sabi ko at buong pwersa ko siyang tinulak.






"Putangina.." narinig kong mura niya.







Mabilis kong dinaanan ang bag ko at mabilis sanang lalabas sa pintuan ng condo niya ng kusa iyong nag lock. 




"Bakit…" sabi ko habang mahinang iyak ko. Kahit alam kong kahit anong gawin ko sa pagbubukas ng pintuan na ito hindi ito mabubuksan.





"Aren't you tired of running away from me?" Sabi niya habang papalapit sa akin. 




"Halos sa apat na taon ka ng tumatakbo palayo sa akin. Hindi ka 'pa ba napapagod, mahal ko?" Sambit niya muli at tumigil na sa likuran ko. 





"Amber…" Tawag niya sa akin at walang kahirap hirap na hinarap ako. 





"Putangina, hindi na kita hahayaang umalis." Sabi niya. 





"Please? Uuwi na ako," nakayuko kong sabi. 





"It's our home baby, nakauwi kana." Sabi niya. 





"No…" mahinang saad ko. 





"Why? Are you scared of me?" Tumango ako.



Gusto ko na umuwi. Hindi ko siya kayang harapin.




"Uuwi na ako….please…" sabi ko at umiiyak na. 






Niyakap niya ako. "I'm sorry…hindi ko gustong matakot ka sa akin, look at me, please, baby..." sabi niya at hinawakan ang baba ko para makatingin sa kanya. 





Ang mukha niya ay puno ng pag-aalala. Tila hindi niya alam ano ang gagawin niya ngayon ay umiiyak ako sa harapan niya. 





"Tahan na…hindi kita sasaktan. Hindi kita kayang saktan, kaya wag kana umiyak. I'm sorry." Sabi niya habang nakatingin sa akin. 





"G-gusto ko na u-umuwi." Sinisinok kong sabi. 


Ngumiti siya ng kay pait pait.



"Gusto mo talagang umalis?" Tanong niya habang nakatitig sa akin. Tumango ako bilang sagot.





"Lagi mo nalang ako iniiwan…" sabi niya at hinalikan ang noo ko. 





"Hahayaan kitang umuwi ngayon…but please…let my driver, drives you home...hmm?" Sabi niya kaya tumango ako. 







Umalis siya sa tapat ko at may tinawagan sa cellphone. Mukha siyang galit pero mukhang nag-aalala. Hinawakan ko ang kwintas na nasa bulsa ko at hinalikan iyon. Baby…





"Franko will be here in a minute. Hindi na ba talaga kita mapipigilan umalis?" Sabi niya mula sa couch at ako at nasa pintuan parin. 



"Aalis ako…" sabi ko.



"Okay…"  sabi niya at lumapit sa akin. 


"I'm sorry…" sabi niya at niyakap ako. 

The warmth in his arms  Where stories live. Discover now