CHAPTER 7

1K 14 4
                                    

Baby….




Hanggang ngayon, sariwa pa rin sa akin ang mga nangyari noong nakaraang linggo. Hindi ko kayang akalain na kilala ako ng isang lalaking alam kung galing sa mayaman na pamilya. Noong araw kasi na iyon agad rin siyang umalis. Hindi na ako nakapag tanong tanong dahil mukhang nag mamadali siya. Napapadalas na rin ang dalaw niya dito sa Celestre Coffee Shop. 





"Creamy Cheesecake for Ethan," sigaw ni Jeremiah. Dahilan ng pag angat ko ng tingin sa lalaking kukuha ng order.




"How are you Amber?" Tanong nito. Nakasuot siya ng uniporme. 




"O-okay lang…." 




"Smile," sambit niya kaya napangiti ako. 




"You're damn beautiful when you smile. I'll wait for you outside after your duty. We need to talk," sambit niya at umalis na. Napatingin ako Kay Jeremiah ng kalabitin ako nito.




"Kilala mo?" Tanong niya. 



Oo? Hindi? Hindi ko siya lubos pang kilala…



"Tawagan mo ako pag may ginawa sayo yan ha? Porke ba mayaman siya akala niya hindi ko siya uurungan," sambit pa ni Jeremiah bago umalis sa harap ko. 




Hindi ako makapag focus sa gagawin ko dahil sa mga katagang binitawan ni Ethan. I have a feeling, I've seen him before but I can't really remember where and when. Iba na ito, iba na na. Natapos ko ang duty ko kahit na nahihirapan ako kumilos dahil sa nangyari kanina. 




"Sabay ka sakin?" Tanong ni Jeremiah.




"Ah Hindi. May kakausapin kasi ako," sagot ko.



"Huh? May iba ka nang kaibigan maliban sakin?" Sambit niya.




"Ito si tampo. Bukas nalang tayo mag sabay, ingat ka pauwi mo!" Sambit ko bago lumabas ng Shop tiningnan ko ang paligid at nakita ko si Ethan nakasandal sa sasakyan. Sa kanya ba iyon sasakyan?






"You're here.  Come on, hop in." Sambit niya at pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan. Hindi ako pumasok. Hindi pa kasi ako nakasakay sa kotse gaya nito. 





"What?" Tanong niya. 




"Pwede naman tayong mag usap sa park kung saan mo ako nakita. Mag tricycle na lang ako kita na lang tayo don," sambit ko pero hindi ako nakatingin sa mga abo niyang mata.




"What? No. Sakay," ma awtoridad niyang sambit. Wala na akong nagawa kaya sumakay na lang ako. Umikot siya sa driver seat at nag seatbelt. Pinanood ko kung paano niya ginawa yun kaya nasuot ko ang akin.




Tahimik lang ako buong byahe. Ganito pala pakiramdam ng nakasakay ka sa kotse no? Tumitingin lang ako sa palagid hanggang sa tumigil ang sasakyan niya sa isang mataas na building. Anong gagawin namin dito? Wala akong pera. Lumabas siya sa kotse niya kaya lumabas din ako. Sumunod ako hanggang sa makarating kami sa baba ng building na ito.






"Anong gagawin natin dito?" Pabulong kong tanong habang siya busy nakikipag usap sa babae mukhang staff dito.




"We'll go to my room. Doon tayo mag uusap." Sagot niya at nag lakad na. 





Sumunod lang ako sa kanya hanggang sa papasok ng elevator may pinindot siya doon na number hanggang sa tumigil ang elevator at lumabas siya. Tumapat siya sa isang pintuan at gamit ang card ay nabuksan Ang pintuan. Pumasok kaya sumunod ako. Tinanggal ko ang sapatos ko dahil ang linis naman nito.  Nakita kong napatingin siya sa ginawa ko kaya binigyan niya ako ng tsinelas na pambahay. 





The warmth in his arms  Where stories live. Discover now