CHAPTER 1

1.6K 16 0
                                    

"Opo Tita Susan. Nandyan na po.." pagod kong saad habang buhay buhat ang isang timba ng boysen na puno ng tubig.



"Amber ang kupad mo talagang babae ka! Bilisan mo! Gusto ko na maligo!" Sigaw ni Tita Susan sakin.


Wala kasi kaming tubig nakiki igib lang kami sa ikatlong bahay diyan sa tabi namin. Hindi naman ako ang may kailangan ng tubig, pero ako ang nag iigib. Ayaw Kasi ni Tita Susan paigibin ng tubig sila Juliet at Valerie, kahit sa paghugas ng plato ay hindi niya magawa ng sabihan ang mga anak niya. Wala akong magulang dahil ang nanay ko ay namatay noong pinapanganak ako. Ang tatay ko naman ay iniwan si nanay noong nalaman niyang nagdadalang tao si nanay sakin. Si Tita Susan ang nag ampon sakin. Sila na lang ang pamilya ko.  

Nang makapasok sa banyo ay binuhos na iyon sa isang timba. Nang maibuhos ko iyon ay tiningnan ko si Tita. 

"Tita pwede po bang si Juliet na lang po muna ang mag hugas ng pinagkainan kanina? Tatapusin ko lang po ang performance task ko sa Fundamentals of Accounting-"  Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita siya.

"Ano na naman Amber! Pinayagan na nga kitang mag aral tapos tatamad tamarin ka dito sa gawaing bahay!" That cut me off. 

Tama siya pinayagan niya na nga akong mag aral. Tatamarin pa ba ako. Nakikitira lang naman ako dito. Sila nagpapakain. sakin.

"Ah, sige po Tita ako na po… una na po ako," sambit ko at tinalikuran na siya. 


Tama si Tita, Pinayagan niya akong mag aral kahit na ang totoo ay ayaw niya talaga dahil gusto niya tulungan ko siya sa palengke kung saan may pwesto siya. Malaki ang pasalamat ko kay tita dahil siya na ang nag alaga sa akin simula noong namatay si nanay.



Huminga ako ng maluwang at sinimulan na maghugas ng pinagkainan. Aabot pa naman mamaya ang Activity ko na iyon mamaya.  I'm currently 2nd year taking a Bachelor of Science in Business Administration major in Financial Management dito sa Cagayan de Oro, mabuti na lang at nakapasa ako sa entrance exam noon malaking tulong na iyon dahil libre na ang pag aaral ko tanging pagkain at baon na lang ang kailangan. 

Nang matapos na ako maghugas ng plato ay umupo na ako sa Sala at nilabas ang mga gamit na kailangan ko para sa activity na ito. Ngayon at wala akong pasok kaya kailangan ko gawin lahat ng mga activity na ito para mamayang gabi makapag advance reading ako para sa susunod na lesson. Ang daming sumusuko sa kurso kong kinuha dahil ang hirap daw ng mga subject, which is true. Kahit ako at nahihirapan pero hindi ko kailanman naisip na sumuko dahil ito na lang ang tanging paraan para makaahon ako sa hirap balang araw. Kailangan ko magsumikap para sa sarili ko, dahil hindi naman habang buhay nandyan sila tita at susuportahan ako.

"Ma!" Sigaw ni Juliet nag makauwi siya galing eskwelahan.

"Ma!" Sigaw niya muli at pumunta sa kusina, lumabas rin siya ng wala siyang makita.

"Hoy Amber! Nasan si mama?" Tanong niya. She's 3 years older than me. Ate niya si Valerie. 


"Nasa palengke," sagot ko at patuloy lang sa pagsusulat.


"Ano ba yan! Nakakainis naman! Aalis pa naman ako! Wala akong pera!" Inis na sambit niya atska pumunta sa kusina. Lumapit siya sa bag ni tita na nakasabit. Sa pagkakaalam ko doon may pera si tita. Mangungupit siya? Bakit hindi na lang siya manghingi? 

Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy nalang sa gagawin. Sa dalawang mag kakapatid si Juliet ang pinaka rebelde dahil siya ang bunso. Kahit si Tita ay walang magawa kapag si Juliet na ang nagsabi o may ginawa. Nakita kong umalis na ng bahay si Juliet. 

The warmth in his arms  Where stories live. Discover now