CHAPTER 8

1K 19 4
                                    


Sa totoo lang hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Simula kasi umamin si Ethan, nagsimula na siyang puntahan ako araw araw sa trabaho man o apartment. Alam ko hindi dapat ako agad nagtitiwala pero bakit ganon? Bakit ang gaan ng loob ko sa kanya? Gusto ko mainis sa sarili ko dahil pinagkatiwalaan ko siya agad. 





"Ang lalim ng iniisip mo ha," Sambit ni Jeremiah. 





Wala masyadong tao sa Celestre Coffee Shop dahil walang pasok ang mga estudyante. 




"Hindi naman," sagot ko at inayos ang lagayan ng straw. 





"Napansin ko lang hindi ka ngumingiti simula noong nakaraang linggo," lumapit siya at obserbahan.





"May nararamdaman ka ba? May masakit ba sayo? May problema ba sa pamilya mo sa Cagayan?" Sunod sunod niyang tanong.






"Wala, may iniisip lang." Sagot ko at nakahinga na dahil lumayo siya sa akin.





"Ano naman? Pwede ka mag sabi sakin." 




"Kasi naman… si Et-" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng may pumasok dahilanan ng pag tingin namin doon ni Jeremiah. 




He's ash eyes directly looking at me and Jeremiah. Mabuti na lang hindi na ganun kalapit sa akin si Jeremiah. He's wearing a casual white tee shirt and denim pants with white shoes. Napaiwas ako ng tingin ng makita ko ang lace ng ID niya. Sasampalin ka kasi ng kahirapan. He's wearing an Ateneo De Manila University ID lace. Paano ka hindi nanliliit sa sarili mo diba? Ang taas niya sa buhay, samantalang ako? Ito crew sa coffee shop.





"Good day sir," sambit ni Jeremiah at lumapit sa akin.





"Smile na," bulong ni Jeremiah bago lumapit sa customer. 





"Good afternoon, sir. What's your order?" Nakangiting sambit ni Jeremiah sa kanya ngunit ang mga mata nito sa akin nakatuon. 




"One Creamy Cheesecake Shake and One Cookies and Cream Shake" sambit niya at doon palang nilingunan si Jeremiah. 






Tumingin siyang muli sa akin pero umiwas na ako at tumalikod na.






"Coming up sir!" 





"Can you tell, Amber, meet me there after you make my orders?" Tanong niya na kina tigil ko napatingin rin sa akin si Jeremiah na malalaki ang mata.





"I'm sorry sir, bawal po kami makipag usap during working hours." Mahinahon niyang sambit. 



Mula dito ay nakita kong umigting Ang panga niya at kinuha niya ang mamahalin niyang cellphone at mukhang may tatawagan. 





"Chantal, I'm here at your Coffee Shop. Your employee said they can't talk to the customers privately during working hours, is that true?" Sambit niya sa kausap niya. 




Chantal? Ang dalaga na lagi namamalagi dito? Siya ang may-ari? Teka, Natatandaan ko, Alvarez ang pangalan ng babae nag interview sa akin noon. Siya nga! Bakit hindi ko agad iyon napansin? Sobrang abala na ba ako?




"Yes of course, Ethan! But what the hell are you going to do to my employee?don't tell me, the pretty girl with the long black hair, named Amber ang gusto mong makausap?" Rinig kong sambit ng kausap niya. 





The warmth in his arms  Where stories live. Discover now