CHAPTER 9

958 16 1
                                    


"Ethan!" 


"Hi baby," sambit ni Ethan ng makalabas ako ng apartment ko. Sinundo niya ako kinabukasan. Hindi ko alam paano ko siya haharapin lalo na't nalaman ko kung gaano siya kayaman na tao.


"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko habang nakatitig sa mga abo niyang mata.


"Susunduin kita baby," 


"Huh? Bakit?" Naguguluhan kong tanong. Nakita ko naman ang pag ngisi niya dahil sa reaction ko.


"Ang ganda mo," sambit niya dahilan ng pag iwas ko ng tingin.


"Let's go," aya niya. Bago ako pag buksan ng pintuan ng kotse niya kaya pumasok ako.



Hindi pa rin ako makapaniwala bakit ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya? Nasisiraan na ata ang puso ko dahil kanina pa ang bilis ng tibok! 


"Hey, why are you so quiet?" Nagaalala niyang saad habang nagmamaneho. 



"May iniisip lang," maikling sagot ko.


"Care to share?" Mahinahon niyang tanong. Tiningnan ko siya. Ang gwapo niya. Ang isang kamay niya ay gamit niya sa pagmamaneho at ang isa naman ay nasa bintana ng kotse niya. 


"Ang buong pangalan mo Ethan Calle Ford?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya. 


"Yes, why?" 


"Para kasing narinig ko na kung saan ang apelyido mo," 


Ayokong malaman niya na may kaya siya sa buhay. Ang gusto ko siya mismo ang umamin. 



"Mayaman ang pamilya ko kaya kahit saan narinig mo," seryoso niyang sambit. 



"Why?" Tanong niya.


"Wala lang," sagot ko mabuti na lang at hindi na siya nagtanong pa. 



"But its-" sabay kaming napatingin sa cellphone niyang umingay. 



Chanie ang pangalan ng caller…


Tinignan niya ako bago patayin ang tawag. Ilang segundo lang rin ay tumunog ulit yon.



"Sagutin mo na, baka importante yan" naka ngiti kong sambit. 



"What now?" Seryoso niyang banggit sa kausap niya.



"We need to face your parents later. Pumunta ka," rinig na rinig kong sambit ng kausap niya sa cellphone. 


Familiar ang boses na iyon..


"No," sambit ni Ethan.


"Calle naman eh! Your father wants to see us! Anong sasabihin ko, ha?!" Sigaw ng kausap niya.



"Siya naman may gusto niyan. Ikaw na bahala dyan, Chantal." Sambit niya sabay baba ng tawag. 




Chantal…


"Ang tahimik mo," sambit niya kaya binalingan ko siya ng tingin.




"Mukhang galit ang kausap mo ha," ani ko.



"She's brat as always," sambit niya lang at sabay kaming natahimik. 





Hindi masyado traffic kaya mabilis niya akong na hatid sa isa ko pang trabaho. Ngayon ko lang napansin nakasuot pala siya ng uniform. May pasok ata siya ngayon.


The warmth in his arms  Where stories live. Discover now