CHAPTER 20

747 9 0
                                    

Mula sa nasaksihan ng dalawa kong mata kanina, walang tigil na ang pagpatak ng mga luha ko. Ang akala ko ay wala na akong iluluha pa pero mayroon parin pala. Alam ko nakita ako ni Calle kanina ngunit hindi maunawaan ang sarili ko dahil sa sobrang sakit ng nakita ko kanina nagawan ko pa siyang nginitan. Ang sakit…sobrang sakit. 



"Nay…" Iyak kong tawag kay nanay, hindi ko alam pero biglang nanakit ang dibdib ko at biglang dumilim ang paningin ko.


"Baby…" rinig kong tawag sa akin.


"Baby wake up…" dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko at nakita ko si Calle. 


"Ethan," tawag ko at lumayo ako sa kanya ng kaunti. 


"It's me," sabi niya at kunot noo habang tinitignan ako. 



"Nandito ka," sabi ko at umupo. 



"How are you? Nakita kitang nakahiga sa sala mo at tulog," sabi niya. 



Tumayo na ako at hinawakan ang dibdib ko. Napano ako? Umiiyak lang ako kanina pero biglaang sakit ng dibdib ko. Sobrang sakit na parang pinipiga. Alam niya kayang nawalan ako ng malay? Teka, nawalan ba talaga ako ng malay?


"A-ayos lang," Sabi ko at dahan dahang hinihimas ang dibdib ko katapat ng puso ko. Ang sakit.


"Are you sure?" Tanong niyang muli. 


"Oo, maghilamos lang ako." Sabi ko at iniwan na siya. 




Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong sakit sa dibdib ko. Siguro sa pagod? Teka, bakit ngaba nandito si Ethan? Anong ginagawa niyo dito?Isinantabi ko lang ang nararamdaman ko at pinagpatuloy ang ginagawa. Pagkalabas ko ay nakita ko siyang nasa kusina inaayos ang dala niya. May dala pala siya.


"Kain na tayo," sabi niya at inayos ang upuan tinitigan ko siya. 


Ang mga abo niyang mata ay pagod, awa, ang pinapahiwatig sa akin.Ethan, what are you doing? Please stop acting like you don't want me to let you go. 


"Hindi ka ba nagugutom?" Tanong niyang muli kaya doon ako napatingin sa dala niyang pagkain. Pizza, donuts, ice cream, may steak, rice at shakes.


"Kain na tayo," sabi ko.



"Upo ka na," sabi niya at inalalayan ajong umupo. 


Siya ang nag asikaso sa akin. Naglagay siya ng maraming pagkain sa plato ko. Nginingitian niya ako. 


"Kain na po, baby.." Sabi niya at hinalikan ako sa pisngi. Hinahalikan rin ba niya si Chantal? Napailing ako dahilan ng pagtingin niya.


"Salamat, kain kana rin," sabi ko at nginitian siya. 



Tahimik lang kaming kumain. I hope I can stop the time right now. Kasama ko siyang kumain. Nginingitian niya ako. Inaalagaan niya ako. Nag aalala siya sakin. Ako lang ang mahal niya. Yung kami lang dalawa, masaya na. Mamimiss ko si Ethan. 

"Ayos ka lang?" Tanong niya sa akin.


"Ayos lang," sagot ko at umiwas ng tingin. 


"Baby, I forgot to ask you…" sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.


"Ano yon?" 


"Umalis ka ba ng apartment mo kanina? Parang kasing, I saw you earlier…" Tanong niya. 


Ang tungkol sa restaurant  and tinutukoy niya. Base sa tanong niya nakita niya nga ako pero hindi siya sigurado. Hindi naman siguro kung magsisinungaling ako, ayoko kasing sirain ang moment namin ngayon. Ang saya ni Ethan at masaya ako dahil nandito siya ngayon.

The warmth in his arms  Where stories live. Discover now