CHAPTER 3

1.6K 48 0
                                    

I'M HUNGRY

SABRINA FERRER POV

“What!? Nawawala si yuiji? Pero nagkakausap  palang kami nong nakaraang araw!” tumango si albert naikinatigil ko

“I'm sorry pero wala dito si yuiji, but please albert balitaan mo ako kong nahanap niyo na siya okay?”

“Yes po ma'am” yumuko ito “Kailangan ko na pong umalis pupuntahan ko pa yong ibang kaibigan ni ma'am yuiji baka nandoon siya”

Tumango ako kaya umalis na ito.

Na saan maman kaya yong babaitang yon? Okay lang kaya siya? Sana naman walang masamang nangyari sa kanya

{YUIJI MOIRA VERDIN POV}

“H-huh? Sinong 𝒉𝒆 ba yong tinutukoy mo?” Tanong ko sa lalaking puti ang buhok na kumakaladkad sakin ngayon.

Hindi nito ako sinagot kaya napairap nalang ako.

He wants to talk to you daw? Sino naman kaya yon? Yong boss ba nila?

Tumigil ito sa paglalakad ng tumunog yong cellphone nito.

Mukhang may tumatawag ata?

Sinagot niya naman agad ito. Kaya may panahon akong titigan ang mukha nitong gwapo.

Oo gwapo siya! Bagay sa kanya yong puting niyang buhok dahil sa maputi niyang balat, mayroon nga lang takip yong isa niyang mata.

Ano kaya ang nangyari dyan?

“Yes boss—okay” Ibinaba nito ang tawag at tumingin sa likuran namin.

“Betty ibalik mo ulit siya sa kwarto dahil may meeting kami nina boss, kaya hindi mo na siya makakausap” Pagkausap nito kay ateng katulong, yong na itulak ko kahapon.

Nakasunod lang kasi ito samin.

“Yes sir!” Tumango naman yong lalake kaya iniwan niya ako kay betty.

So tama yong hinala ko? Yong boss nila yong gustong kumausap sakin?

Hinawakan ni betty yong braso ko saka ako kinaladkad pabalik sa kwarto.

Grabe makakaladkad te?!

“Hoy betty hinahanap ka ni ivan kanina pa” Sabi nong isang katulong na nakasalubong namin.

Lumiwanag naman ang mukha ni betty at tsaka mas binilisan pa ang paglalakad.

“Wait lang dahan dahan lang naman!” inis kong usal.

Tumigil kami ng nasa harapan na kami ng kwarto at tsaka binuksa niya ang pito at itinulak ako papasok sa loob.

“Dyan kana!” Usal nito at mabilis na isinara ang pinto.

What the fuck? Sino ba yong ivan na yon bakit ganon siya maka react? Boyfriend niya ba? Tks!

Napahiga ako sa kama at napaisip.

Bakit kaya gusto akong makausap nong boss nila? May sasabihim ba siya sakin o...

May balak siyang patayin ako?!

Kong totoo man itong iniisip ko mabuti at hindi na tuloy yong pagkikita namin!

Naipikit ko na lang ang mga mata ko, itutulog ko na lang itong gutom ko.

“Arghhh! Kainis hindi ako makatulog!” Napabangon ako at aksidenteng na dapadapo ang paningin ko sa paa ko.

“Oh my goshh!” Napatakip ako sa bibig.

H-hindi nakakadena yong paa ko!?

Napatayo ako at lumapit sa may pinto at binuksan ito, nag babakasakaling bukas ito..At tama nga ako!

Bukas ito!

Suguro nakalimutan itong isara ni betty! At nakalimutan niya ding kadenahin yong paa ko dahil sa pag mamadali niya kanina!

Napangisi na lang ako, may chance pa akong tumakas. Ang swerte ko naman!

Nag simula na ako mag lakad palabas ng kwarto.

Pinipilit kong hindi makagawa ng ingay.

Napapatago ako sa madilim na parte ng bahay kapag may dumaraan.

“Saan ba yong daan palabas?” Mahina kong tanong ko sa sarili.

Hindi ko na matandaan kong saan yong daan palabas nong una akong tumakas.

Napailing na lang ako at pumasok sa isang kwarto ng makitang may paparating na tatlong lalake.

Muntik na!

Inilibot ko naman ang paningin sa buong kwarto. Mukha itong opisina.

Kaninong opisina namang kaya 'to?

Mmm, maganda siya huh, malawak tapos malinis!

Naglakad lakad ako at natigil lang ng makita ang maraming pagkaing nakapatong sa isang lamesa.

Kuminang ang mga mata ko dahil sa nakita.

Agad ko itong nilapitan at nilantakan.

“Heaven!” napapikit ako sa sarap ng kinakain ko.

Grabeeee gutom na gutom na talaga ako!

Para akong asong hindi pinakain ng amo dahil sa itsura ko ngayon.

Naidilat ko ang mga mata ng makarinig ako ng mga yapak.

At papalapit ito sa opisinang kinaruruonan ko.

Shit! Napatayo ako at Napatingin sa paligid nag hahanap ng pwedeng pag taguan.

“What? Are you kidding me dude?! Haha” Rinig ko pang usal ng nasa labas.

Nakita kong unti unting pinihit ang doorknob ng kong sino kaya mas lalo akong nataranta.

Ohh shit, I'm dead! Kuya xio help meee!

END OF CHAPTER 3

Kidnapped By A Mafia BossWhere stories live. Discover now