CHAPTER 18

856 23 0
                                    

𝗬𝗨𝗜𝗝𝗜'𝗦 𝗖𝗨𝗥𝗜𝗢𝗦𝗜𝗧𝗬 PART 2

SABRINA FERRER POV

“OMG ngayon ko lang nalaman na nawawala pala si yuiji!” Sigaw ni danna ng sabihin ko sa kanila na ilang araw ng nawawala si yuiji.

“Me too! You know naman that I've been busy in this past few days so I didn't even know that our best friend is messing na!” Maarteng sabat ni akesha.

Nasa restaurant kami ngayon dahil napag desisyonan namin na magkita kita.

“Akala ko alam niyo” Napapailing kong turan.

“I'm sorry naman no! But don't worry sabrina makikita din natin si yuiji, malay mo nasa ilog lang pala siya na palutang lutang at wala ng buhay, right akesha? HAHA”

“Trueee!! HAHA!”

Bigla namang uminit ang buong katawan ko dahil sa narinig.

Mabilis kong kinuha ang isang basong juice na nasa harapan ko at ibinuhos ko iyon sa kanya.

“Sh*t?!?” Tumayo ito at masama akong tinignan.

“Alam mo bang ang mahal ng damit na to?!” Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang damit.

“Opss, sorry! Sayang naman” Linapitan ko ito at kumuha din ako ng tissue at tinulungan siyang punasan ang damit niya “Sayang naman nong juice, na sayang sayo..”dugtong ko pa

Gulat naman napatingin sakin si akesha at ang mga taong kumakain.

Mahina akong tinulak ni danna at tinuro ako.

“What the hell is your problem sabrina?!!”

“My problem?” I laughed sarcastically “My problem is that ugly mouth of yours! Paano muna sasabi ang mga bagay na yun?!”

“Goshh! I was just joking!!”

Napa roll eyes naman ako.

“Then your joke is not funny!” Sigaw ko “Ngayon ko lang napatunayan na tama ang hinala namin ni yuiji noon na ikaw at si akesha ay parehong mga plastic!”

“W-what?! Seriously sabrina? We're not plastic kaya!” Pagsabat ni akesha.

Pinag titinginan na kami ng mga tao.

“We're not plastic kaya” pang gagaya ko kay akesha.

Sinamaan niya naman ako ng tingin.

May lumapit namang dalawang staff ng restaurant saamin.

“Hi ma'am, kong may problema po kayo pwede niyo po bang sa labas niyo na lang pag usapan. Nakaka istorbo po kayo sa ibang mga customer na kumakain”

“Huh? Eh kakain pa kami dito yong babaing yan ang palisin niyo!” Inis na usal ni akesha.

Babaing to!

Tumingin naman ako sa mga staff at nginitian sila.

“Wait lang may sasabihin lang ako sa dalawang to tapos aalis na ako” Usal ko at lumapit na sa dalawa.

“Mga peke na nga yang mga ilong niyo pati ba naman ugali? tss!” Usal ko at iniwan silang nakanganga.

Totoo naman talagang mga peke ilong ng dalawang yon!

Lumabas ako ng restaurant at naglakad ng mabilis.

Naiinis kasi ako!

Sa subrang bilis ng paglalakad ko may nabunggo tuloy akong tao.

“Sorry” Usal ko.

“Sabrina?”

Kunot noo ko naman itong binalingan ng tingin, kilala niya ako?

Kusang nanlaki ang mga mata ko ng makita kong sino yong taong na bunggo ko.

“R-roger?”

Si ex!?!

{YUIJI MOIRA VERDIN POV}

Dahan dahan lang ang ginagawa kong pag hakbang.

Ayukong gumawa ng kahit ano mang ingay.

Nilibot ko ang paningin ko, may nakikita akong tatlong kwarto pero mukhang walang taong nandoon.

Pero para mas maka sigurado ako isa isa ko itong linapitan at binuksan.

Puro naka lock!

Mukhang wala namang tao dito sa itaas, kailangan ko ng umalis.

Baka may makita sakin tapos patayin ako?!

Pumuhit ako patalikod at ng ihahakbang ko na sana ang isa kong paa ng..

Makarinig ako ng ingay sa may pinakadulo.

Sinundan ko naman iyon at dinala ako ng aking mga paa sa pinakadulo.

Natigil ako sa paglalakad at hinarap ang nag iisang kwarto dito sa pinakadulong parte.

Humakbang ako papalapit sa kwarto at inilapit ang tenga ko sa pintuan.

Pinakinggan kong mabuti ang ingay na nanggagaling sa loob.

*SPLASHHH!!*

Napalayo ako ng kunti dahil sa gulat ng marinig ko na naman yong ingay na parang may nababasag.

Huminga muna ako ng malalim bago dahang dahang pinihit ang pinto.

Napakagat pa ako sa ibabang labi dahil sa subrang kaba.

“Fuck this curiosity of mine” Mahinang bulong ko.

END OF CHAPTER 18

Kidnapped By A Mafia BossWhere stories live. Discover now