CHAPTER 30

1.2K 35 0
                                    

𝗠.𝗕?

YUIJI MOIRA VERDIN POV

“Dahil ba ginamit ko 'yong kwarto niya? O baka dahil pinabili ko siya ng napkin? HAYSS KAINIS NAMAN WALA AKONG MAISIP NA DAHILAN PARA GAWIN NIYA SA'KIN YON!” Nandito ako ngayon sa kwarto ko at inisip kong ano nga ba ang dahilan ni knight para pag laruan ako ng ganon.

Mabuti nga at nakaalis ako dun! Hindi ko kakayanin na magtagal ba doon dahil sa kahihiyan na inabot ko!

At kasalanan yon ni knight!

Mga ilang oras na rin akong nandito kaya hindi ko alam kong na saan na ngayon si knight at ang mga kaibigan nito.

Pero kailangan kong makausap si knight, hindi mapapalagay ang loob ko kapag hindi ko siya makakausap.

Tumayo ako at binuksan ang pinto dahan dahan akong lumabas at..

“Hey?”

“Ayy butiki!” Tinignan ko ito at pinanlakihan Ng mata “Lexon naman! Papatayin mo ba ako? Ha?!” Sigaw ko at napahawak pa sa dibdib ko sa subrang gulat.

“Hey lang naman sinabi ko, pwede kang mamatay dun?” Takang tanong nito.

Inirapan ko na lang ito.

“Ano ba kailangan mo?”

“Nagugutom na kami ni lexi” Sabi nito.

“Sige magluluto ako, umalis ka na” Pagtataboy ko at marahan itong tinulak.

Umalis naman din ito at hindi na nag tanong.

Nagsimula na akong maglakad at umakyat na sa itaas para puntahan si knight.

Pagnatapos ko na itong kausapin at pagnalaman ko na ying rason Kong bakit niya yon ginawa magluluto na ako! Madali lang naman to eh.

Atsaka na g-guilty lang talaga ako dahil sa ginawa ko kay ivan.

Si Ivan na walang ginawa kong hindi ay bantayan ako!

Nang makaakyat na ako sinubukang kong buksan ang kwarto kaso nga lang nakalock.

“Knight” Tawag ko at kumatok.

Pero walang sumasagot, mukhang walang tao.

Sunod ko naman pinuntahan ang opisina nito at mabuti nalang ito hindi ito nakalock!

Sumilip ako sa loob pero hindi ko nakita si knight, nasaan kaya iyon?

Pumasok ako sa loob ng opisina at nilibot ng tingin ang buong paligid.

Malinis, maayos na nakalagay ang mga gamit nito.

Lumapit ako sa lamesa at tinitigan ang mga importanteng bagay na nakapatong doon.

“MAFIAS ORGANIZATION” Basa ko sa isang folder

Ano to?

Kukunin ko na sana ito ng mahagip ng isang mata ko ang nakabuklat na makapal na libro.

Kinuha ko ito at binasa ang laman doon.

"𝗡𝗔𝗠𝗘: 𝗝𝗛𝗢𝗡 𝗖𝗥𝗜𝗭
𝗖𝗢𝗨𝗡𝗧𝗥𝗬: 𝗙𝗥𝗔𝗡𝗖𝗘
𝗥𝗔𝗡𝗞: 1 (𝗠.𝗕)"

May picture pang nakalagay sa itaas.

Siya siguro si jhon, naka black suit ito sa picture.

Binuklat ko ito sa ibang pahina.

"𝗡𝗔𝗠𝗘: 𝗟𝗘𝗢 𝗘𝗭𝗥𝗔𝗜𝗟
𝗖𝗢𝗨𝗡𝗧𝗥𝗬: 𝗟.𝗔
𝗥𝗔𝗡𝗞: 1 (𝗠.𝗕)"

Naka black suit din ito katulad ni jhon.

"𝗡𝗔𝗠𝗘: 𝗠𝗔𝗧𝗧𝗛𝗘𝗪 𝗝𝗢𝗛𝗡 𝗭𝗔𝗦𝗔𝗠
𝗖𝗢𝗨𝗡𝗧𝗥𝗬: 𝗖𝗔𝗟𝗜𝗙𝗢𝗥𝗡𝗜𝗔
𝗥𝗔𝗡𝗞: 2 (𝗠.𝗕)"

Basa ko sa Isang pahina at ang gwapo!

Bakit ang gwagwapo ng mga lalaking nandito?

Binuklat ko na naman sa ibang pahina ang libro.

"𝗡𝗔𝗠𝗘: 𝗞𝗡𝗜𝗚𝗛𝗧 𝗤𝗨𝗔𝗡𝗧𝗨𝗠
𝗖𝗢𝗨𝗡𝗧𝗥𝗬: 𝗣𝗛𝗜𝗟𝗜𝗣𝗣𝗜𝗡𝗘𝗦
𝗥𝗔𝗡𝗞: 1 (𝗠.𝗕)"

Ahh si knight! Agad kong nilipat ang pahina.

"𝗡𝗔𝗠𝗘: 𝗝𝗢𝗛𝗡𝗦𝗢𝗡—"

Wait lang...

Ibanalik ko ulit, s-si knight nga?!

Ano ba ang mga ito? Rank 1? M.B?

Nagugulohan na ako!

“Yuiji?” Muntik ko Ng mabitawan ang libro dahil sa gulat.

Nilingon ko ito at ganon nalamang ang panlalaki ng mata ko ng makita si Knight.

Patay..

“What are you doing he—FUCK!” Mabilis itong lumapit sa'kin at inagaw ang librong hawak ko.

“Knight..anong ibig s-sabihin ng mga 'yan?” Namutla naman ito dahil sa tanong.

“You should l—”

“Anong ibig sabihin ng rank 1? Tapos M.B?” Pagpuputol ko.

M.B?

P-parang alam ko na...

“Oh my gosh..” Napatakip pa ako sa bibig ko.

“H-hey” Kinakabahan ang Mukha nito.

“Yong ibig sabihin ba ng M.B ay..” Napalunok ako “MaBaho? Tama ba ako?”

“What?”

“Rank 1 ka diba? So Ikaw yong pinakamabaho dito sa pilipinas?!?”

“W-what the freaking hell!” Sigaw nito.

M.B means MaBaho.

“My god knight hindi ko ini-expect yon”

END OF CHAPTER 30

Kidnapped By A Mafia BossWhere stories live. Discover now