CHAPTER 70

956 34 0
                                    

𝗜'𝗠 𝗛𝗘𝗥 𝗕𝗢𝗬𝗙𝗥𝗜𝗘𝗡𝗗

YUIJI MOIRA VERDIN POV

“Wala ng stocks?” tanong ko kay Cass .

Tumango naman ito at napanguso

“Kahapon pa tayo na ubusan ng stocks ng groceries nakalimutan kong sabihin sa'yo” napakamot ito ng ulo.

“Ganom ba sige ako na lang mag g-groceries” ngumiti naman ito sa'kin.

Mga ilang araw na kaming nandito at gumaling na din si kuya sa ilang araw na pag s-stay namin dito sa bahay ni knight malapit sa dagat.

“Gusto mo bang samahan kita?”

“ 'wag na mag papasama na lang ako kay knight” Sabi ko “Sige na magbibihis lang ako tapos aalis na kami”

“Wait—S-sandali lang” napatigil naman ako sa pag lalakad at nilingon si cassandra “ano umm— Ano 'yong mga breakfast na gusto ng kuya mo?”

“Bakit ipagluluto mo ulit s'ya?” binigyan ko ito ng mapaglarong ngiti.

“Sana” napakamot ito sa ulo.

“Kahit ano naman kinakain ni kuya basta 'wag mo lang kakalimutang mag luto ng hotdog para sa breakfast n'ya favorite n'ya 'yon” usal ko

“Ah sige t-thank you!” ngumiti naman ako dito at iniwan ito.

Ilang araw ko ding na papansing panay ang tanong ni cass about kay kuya xio, Hindi kaya gusto n'ya na ito? Wahhh pwede din!

~

Nang matapos akong mag bihis ay bumaba na ako sinabihan ko na din si knight na mag g-groceries kami.

Sa pag lalakad ko ay nakasalubong ko si kuya.

“Saan ka pupunta?” tanong nito at hinagod ako ng tingin.

“Mag g-groceries kuya”

“Samahan na kita, teka lang mag bihisang ak—” agad kong pinutol ang sasabihin nito.

“Kuya 'wag na” kinaway kaway ko pa ang kamay ko para ipakita sa kan'ya ang pagtutol ko “Isasama ko naman si knight tsaka dito ka lang kagagaling mo lang eh”

Napakunot ang noo nito ng marinig ang pangalan ni knight.

“Kasama mo 'yong gag*ng 'yon? Mas gusto ko tuloy sumama!” 

Napailing na lang ako.

“Kuya naman!” binigyan ko ito ng masamang tingin “Dito ka na lang muna kagagaling mo lang diba? kaya..” hinawakan ko ang kamay nito at kinaladkad pa puntang kusina.

Nagulat naman si cass at napatigil sa paghihiwa ng mga sangkap ng makita ako at si kuya

“O hindi kaya tulungan mo na lang si cass sa pag p-prefer ng breakfast, babalik din agad kami” binitawan ko ang kamay nito at ibinaling ang tingin kay cass.

“Paki bantayan mo muna itong si kuya” dahan dahan naman itong tumango kaya napangiti ako

Nilingon ko naman si kuya at sinamaan ko ulit ito ng tingin.

“Behave ok! Aalis na ako!” Sabi ko.

“Abat! I am your brother yu—Mmmm!” bago pa ito makapag sermon sa'kin ay agad kong isinubo sa bunganga nito ang buo at bagong lutong hatdog at tumakbo paalis.

Muntik na! Ang tigas naman kasi ng ulo, alam n'ya namang kagagaling n'ya lang eh!

Pagkalabas ko ng bahay nakita ko agad si knight na naka sandal sa sasakyan.

Kidnapped By A Mafia BossWhere stories live. Discover now