CHAPTER 33

768 20 0
                                    

𝗚𝗔𝗠𝗘?

THIRD PERSON POV

Nakatingin sa labas ng bintana ang Isang lalaking bakas ang takot at galit sa mga mata nito.

Takot dahil hindi parin niya nakikita ang nawawalang kapatid.

At galit dahil sa taong may pakana ng pag kidnapped sa kapatid niya.

Kitang kita niya mula sa bintana ang pag bagsak ng ulan at tunog ng pinag samang kulog at kidlat.

Napaisip siya ano kaya ang nararamdaman ngayon ng kapatid niya? Umiiyak na siguro ito.

Alam niya kasing takot ito sa kulog at kidlat.

Napabuntong hininga ito.

“Mahahanap kadin ni kuya, yuiji maghintay kalang..”

ISANG MANSION ang pinapalibutan ng mga bantay.

Sa mga nagtatangkang pumasok d'yan siguro isang apak mo palang siguradong may bala na ng nakabaon sa katawan mo.

Mas pinag igting nila ang siguridad ng mansion simula ng malusob ito ng mga kalaban.

Sa loob naman ng mansion ay natutulog sa isang kwarto ang isang dalaga.

Mahimbing na natutulog tila hindi niya naririnig ang malalakas na tunog ng kulog at kidlat mula sa labas.

Nakaupo sa tabi niya ang Isang lalaking titig na titig sa kan'ya.

Hinaplos nito ang malambot na buhok ni yuiji bago mahiga sa kama sakto lang ang distansya sa isat isat.

Nakatitig lamang ito sa maamong mukha ng nasa harapan niya.

Dinig na dinig din niya ang malalakas na tibok ng puso nito.

Napangiti pa ito ng marinig ang mahinang hilik ng dalaga.

“Good night miss fairy” Ipinikit nito ang mga mata at hiniyaang lamunin ng dilim.

~

Pero agad din itong napamulat ng mga mata ng maramdaman nito ang mabigat na kong ano sa tiyan niya.

Kunot noo nitong tinanggal ang hita ni yuiji bago ipikit ulit ang mga mata.

Maya maya lang ay isang kamao ang bumagsak sa mukha nito.

Hindi kasi nito alam na pagnalalasing si yuiji ay malikot ito kong matulog.

As in subrang likot!

Inis na lamang itong tumalikod sa dalaga at pinilit ulit matulog.

Unti unti na ito nilalamon ng dilim hanggang sa...

Mahulog ito sa higaan na gumawa ng malakas na tunog.

Nahulog siya dahil sa subrang likot nitong katabi niya!

“Damn this fucking life!” Sigaw nito bago tumayo at tinitigan ang dalaga.

At alam mo 'yong nakakakgulat?

HINDI MAN LANG ITO NAGISING SA SIGAW NG DEMONYO!!

YUIJI MOIRA VERDIN POV

Naidilat ko ang aking mga mata ng maramdaman na may dalawang pares ng mata ang nakatitig sa'kin.

Naupo ako at nahagip pa ng aking mga mata ang oras sa wall clock.

4:33 PM.

Napainat inat naman ako dahil sa arap ng tulog ko.

Hayy..

Napatingin naman ako sa harapan ko at..

“GODS!!” Nanlaki naman ang mga mata ko ng makilala kong sino ang nakaupo ngayon sa harapan ko.

“Knight?!”

Hala?

“W-what happened to y-your face?” Gulat kong tanong.

Magulo kasi ang buhok nito at maitim ang ilalim ng magaganda nitong mga mata mukha siyang puyat! Hindi ba siya natulog ka gabi?

A-at may pasa din siya sa mukha!

Nakipag away ba ito kagabi?

Tsaka bakit ang gwapo niya parin?!

“This?” Itinuro nito ang pasa na nasa pisngi nito “This is your fault.”

K-kasalanan ko? Gago ba siya?

Pinilit kong alalahanin ang nangyari kagabi pero ang naalala ko lamang ay ang pag gising ko dahil sa lakas ng kulog at kidlat tapos hinayaan niya akong matulog sa kwarto niya, yon lang!

Napatanong tuloy ulit ako sa kan'ya.

“P-paanong kasalanan ko?” Nagugulohan na tuloy ako.

Narinig ko naman ang mahinang tawa nito.

Hindi dahil natutuwa siya kundi dahil naiinis.

Naiinis? Bakit siya maiinis akin?!

“Hindi mo maalala?” tumayo ito sa pag kakaupo “Mm.. You deserve a punishment Ms. Verdin”

A-ano daw? punishment?

“Lets play a game?” Humakbang ito papalapit sa'kin ako naman ay paatras sa pagkakaupo.

“Shall we?” May inilabis itong Isang bagay na siyang ipinag taka at ikinagulat ko.

At ng makita niya ang reaksyon ko ngayon ay napataas ang gilid ng labi nito.

“WHAT IS THAT?!” Sigaw kong tanong.

Bakit siya may posas?!!

END OF CHAPTER 33

Kidnapped By A Mafia BossWhere stories live. Discover now