CHAPTER 16

854 33 0
                                    

𝗦𝗜𝗖𝗞

YUIJI MOIRA VERDIN POV

“Kuya ang ganda naman ng lugar nato!” Masayang sabi ko at nilibot ng tingin ang buong paligid.

“Yup! Kaya nga dinala kita dito”

Maraming bulaklak, ibat ibang klasing nagliliparang paruparo tapos ang sarap ng simoy ng hangin!

Perfect!

Nilingon ko ulit si kuya xio pero laking gulat ko ng nakahiga na ito sa sahig at naliligo na sa sariling dugo.

“Kuya!” Lalapitan ko na sana ito kaso natigilan ako ng makita ang isang lalaking nakatayo sa tabi ni kuya at may hawak hawak itong baril.

“K-knight? H-hindi, kuyaaa!!”

“HOY GISING!!” Habol habol ang hininga kong bumangon galing sa pagkakahiga sa kama.

“Ayos kalang? Oh ito tubig, uminom ka muna” Kinuha ko ang tubig na ibinibigay sakin ni betty.

Panaginjp lang pala! Kay samang panaginip.

“Salamat betty pero bakit ka nandito? A-no bang nangyari?”

“Hindi mo ba naaalala? Nahimatay ka kanina!” tinulungan ako nito sa pagkakaupo sa kama “Sabi nong doctor mike kailangan mong pahinga dahil masyado daw na bigla ang iyong katawan”

“Doctor mike?” Tumungo ito.

“Oo, Ipanatingin ka ni sir knight kay doctor mike matapos kang mahimatay kanina”

Napatango tango.

Lumapit naman ng kunti sakin si betty at hinawakan ang noo ko.

“Ang taas parin ng lagnat mo teka lang may kukunin lang ako, huh?” Inayos nito ang kumot sa katawan ko “Magpahinga ka lang muna”

Tumayo ito pero agad kong hinawakan ang kamay nito para pigilan.

“T-thank you betty” Tumango lang siya sakin bago umalis ng kwarto.

Ang bait bait pala ni betty, ang swerte ko at may kasama akong tulad niya.

Bigla ko namang naalala ang nangyari kanina bago ako mawalan ng malay.

Nasaan kaya si knight?

Sana pala tinatong ko kanina si betty kong na saan ito.

Paano kong pinuntahan niya si kuya ngayon at p-pinatay ito? Jusko! Hwag naman sana.

Laking gulat ko ng biglang dumilim ang kwarto.

“WAHHH!!” Buong lakas kong sigaw.

Bakit ang dilim!?! Ayuko sa dilim! Natatakot ako.

“B-betty! Nasaan kana?!” Gusto kong tumayo Kaso masyadong masakit ang buo kong katawan na para akong binogbog.

Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto.

“B-betty ikaw ba yan?” Tanong ko pero wala akong nakuhang sagot.

Naalarama ako ng naramdaman kong may papalapit sakin.

At bigla na lamang may humawak sa braso ko kaya pinagsisipa ko ito at pinagsusuntok.

Oo, alam kong hindi masyadong malakas ang ginagawa kong pagsuntok at pag sipa sa taong ito dahil hindi mabuti ang pakiramdam ko.

Pero ok lang at least nasasaktan ko siya ng kunti.

“Sino kaba!?” Patuloy parin ang ginagawakong pag suntok.

“Damn woman! Stop punching and kicking me!”

“Knight?!” Natigilan ako.

Binuksan nito ang flashlight ng cellphone niya at inilagay sa table na malapit sa kama ko.

Kidnapped By A Mafia BossWhere stories live. Discover now