CHAPTER 44

1.1K 30 0
                                    

𝗞𝗡𝗜𝗚𝗛𝗧 𝗤𝗨𝗔𝗡𝗧𝗨𝗠

YUIJI MOIRA VERDIN POV

“H-hoy knight anong g-ginagawa mo?” Kinakabahan kong tanong ng unti unti nitong ilapit ang mukha sa akin.

Napapikit na lang ako dahil sa subrang kaba.

Pumunta lang naman ako dito para pakalmahin siya tapos ito 'yong mangyayari?!

Aaminin kong gusto ko si knight, Hindi ko alam kong paanong nangyari nagising na lang akong mahal ko na siya..

Pero hindi pa ako handa para rito.

“Hindi pa ako handa...” Mahinang bulong ko.

Hinintay ko nalamang ang susunod na gagawin ni knight hanggang sa naramdaman ko nalamang ang malambot na labi nito sa noo ko.

“I know you're not ready for this and I respect that, baby”

Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko at nag tagpo ang aming paningin.

“Ibabalik na kita kay xio”

Natulala ako dahil sa sinabi nito.

“Knight..” Mahinang pag tawag ko sa pangalan nito

Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko, ano? Bakit niya ako ibabalik kay kuya?

D-dahil ba hindi ako pumuyag? Sabi niya nirerespeto niya ako pero bakit ganito?

“Ibabalik kita sa kuya mo at liligawan kita, gusto kong makausap si xio. Gusto kong linawin na ang lahat para ma angkin na kita moira”

Napanganga ako sa sinabi nito.

Liligawan niya ako?

Humiga ito sa tabi ko at isiniksik nito ang sarili sa'kin at mahigpit akong niyakap.

“I willing to forgive him just to have you”  inilapit nito ang ulo sa liig ko at binigyan ako ng mumunting halik.

“Matulog kana at bukas ihahatid na kita sa kan'ya, good night moira..”

Napangiti ako at naramdaman ko na lamang ang pagbigat ng talukap ko.

“Good night knight...”

~

“Magiingat ka dun hindi ko akalain na ngayon ka aalis sabi ko na nga bang may something kayo ni sir knight” Iyak na sabi nito sakin.

Gusto kong matawa sa itsura nito ngayon pero pinipigilan ko lang yong sarili ko.

Paano ba naman kasi kanina pa 'to iyak ng iyak sinasamaan na nga siya ng tingin ni lexi dahil naririndi na ito sa boses ni betty.

“Will you shut up yaya betty babalik din naman si ate yuiji dito, right ate?” Mabilis naman akong tumango sa tanong ni lexi sa'kin.

“Oo babalik ako may aayosin lang kami ni knight” ngumiti ako sa kanila.

At pagkatapos non, magiging maayos na ang lahat.

Ng matapos ko silang kausapin ay hinintay ko na lang sa sala si knight.

Sabi niya kasi may pupuntahan lang siya at pagkatapos non ay pupunta kami kay kuya, iuuwi niya na ako.

Hindi ko maipaliwanag yong nararamdaman ng puso ko ngayon, para bang sasabog na ito sa tuwa.

Sa dami ng pinagdaan ko hindi ko aakalain na mamahalin ko ang lalaking muntik ng magpahamak sa'kin.

Hindi ko din akalain na kaya niyang patawarin si kuya para lang malaya niya na akong mahalin.

“𝑰'𝒎 𝒘𝒊𝒍𝒍𝒊𝒏𝒈 𝒕𝒐 𝒇𝒐𝒓𝒈𝒊𝒗𝒆 𝒉𝒊𝒎 𝒋𝒖𝒔𝒕 𝒕𝒐 𝒉𝒂𝒗𝒆 𝒚𝒐𝒖”

Napangiti ako ng maalala ko ang sinabi nito sa akin kagabi.

Nakaahon lang ako sa malalim kong pag iisip ng biglang tumunog ang teleponong na sa sala.

Nagpalinga linga ako at ng mapansin kong ako lang ang taong nandito ay tumayo ako at nilapitan ang telepono at mabilis na sinagot.

Magsasalita na sana ako ng biglang magsalita ang taong nasa kabilang linya.

“Knight”

Nanlaki ang mata ko ng makilala ang boses nito.

Si kuya 𝒙𝒊𝒐!

Hindi ako nagsalita at pinakinggan ang sasabihin nito.

Na c-curious kasi ako, Wala namang masama kong pakikinggan ko diba?

“Alam kong Ikaw ang dahilan kaya nawawala ang kapatid, Hindi ko alam kong saan mo siya dinala but please knight ibalik mo na siya sa'kin. Wala siyang kinalaman sa nangyayari sating dalawa! And fuck you knight! Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na I didn't 𝒌𝒊𝒍𝒍𝒆𝒅 your father! I fucking swear! But your father...”

Ramdam ko ang galit sa boses ni kuya xio nag simula na din akong kabahan pero hindi ko alam kong bakit?

“But your father.. He fucking 𝒌𝒊𝒍𝒍𝒆𝒅 my mother and father, pinatay niya si papa at mama—”

Mabilis kong nabitawan ang telepono, subrang lakas ng tibok ng puso ko.

T-tama ba ang narinig ko?

H-hindi..hindi pwede!!!!

“Moira, are you ok?” Mabilis akong napalingon at nakita si knight na nakangiting nakatingin sa'kin may hawak din itong bouquet of roses.

Knight..

Nagsimula ng manlabo ang aking mata dahil sa nagbabadyang luha.

Bakas din ang pagaalala sa mukha nito ng makita niya ang itsura ko.

“𝑺𝒉*𝒕! What happened?!?”

Mabilis itong lumapit sa'kin ng makita niya akong napaluhod sa sahig.

“Hey baby, please tell me are you ok? Fuck!” pinakatitigan ko ang mukha nito “Please talk to me 𝒃𝒂𝒃𝒚”

Ang lalaking tinitibok ng puso ko ay ang anak ng lalaking pumatay sa magulang ko..

Si 𝗞𝗻𝗶𝗴𝗵𝘁 𝗤𝘂𝗮𝗻𝘁𝘂𝗺.

END OF CHAPTER 44

Kidnapped By A Mafia BossWhere stories live. Discover now