CHAPTER 77

908 35 0
                                    

𝗚𝗥𝗔𝗡𝗗𝗖𝗛𝗜𝗟𝗗

YUIJI MOIRA VERDIN POV

"Anong oras ba sila darating?"

"Mga 8 ata betty" sagot ko sa tanong nito habang busy sa pag hihiwa ng mga sangkap.

"6:30 pa lang naman ngayon ng hapon" singit ni cass

dalawang linggo na din ang nakalipas simula ang insidenteng iyon, ayos na din ang kalagayan ng kapatid ni Ivan.

"Ganon? Edi mabuti 'yon ng madami pa tayong maluto" Usal ni betty habang hindi naalis ang tingin sa hinalong pagkain.

Nasa kusina kami ngayong tatlo para mag luto para mamaya sa dinner, sabi kasi sa'kin ni knight dito kakain 'yong mga kaibigan n'ya pati na din ang mga kaibigan ni kuya.

Gusto nilang dalawang sama sama kaming kumain, kaya punayag kami. Marunong din namang kaming mag luto.

"Sa tingin n'yo bakit nilang naisipan mag dinner lahat? eh minsan ko lang silang makitang mag sama tapos ngayon? Lahat sila as in lahat! Mag kasama ang rank 1 at rank 2 ng mafia organization!" namamanghang usal ni cass.

Pati din ako ay na paisip dahil sa sinabi nito.

"Dahil sa nalalapit na laban" sabay kaming napatingin Kay betty "Siguro mamayang gabi kakalimutan muna nating lahat ang problema, mag enjoy tayo! kumain tayong sama sama bago mangyari ang laban sa pagitan ni Mr. Aginno at kila sir knight at xio" pag papatuloy nito.

Tumigil ako sa paghiwa at tinignan silang dalawa.

"Tama si Bett, dapat mag enjoy tayo mamaya!" itinaas ko pa ang kamay ko "Oh sige na mag patuloy na tayo dapat sarapan n'yo ang pag luluto" nakangiting usal ko

Alam kong makakaya namin 'to, kakayanin nila knight na taposin ang walang hiyang aginno na 'yon.

"Sasarapan ko talaga para sa minamahal kong si Ivan!" maririnig mo sa boses nito ang kilig.

"Kayo na ba?!" tuksong tanong sa kan'ya ni cass.

"Hindi pa, nag lalandian pa lang kami" tumingin ito sa'min tsaka kumindat "landi pa lang muna, wala pang label para kayo ni sir knight yuiji"

napataas naman ang kilay ko sa sinabi nito tsaka dinuro sa kan'ya ang kutsilyong hawak ko.

"Excuse me? Hindi kami bastang nag lalandian nun kasi nililigawan ako ni knight nong mga panahong 'yon! Pero hindi na ngayon, kasi nga sinagot ko na s'ya" binigyan ko ito ng matamis na ngiti na inirapan n'ya lang.

"Edi kayo na! Magkakalabel din naman kami mag hindi lang kayo!"

Hindi ko pinansin ang sinabi nito at tinatanong si cass.

"Cass, kayo ni kuya kamusta?" Natigilan s'ya sa ginagawa at napabuntong hininga.

"Ang hirap n'yang abutin" mahinang usal nito.

Nagkatinginan naman kami ni betty, nakaramdam ako bigla ng awa sa kan'ya.

"Sabagay lahat ng atensyon nun na kay yuiji" sinamaan ko ng tingin si betty bago ibinalik ang paningin kay cass.

"Mabait naman si kuya xio, mamahalin ka din nun cass" pag aalo ko.

Ngumiti lamang ito sa'kin tsaka tumango.

Mabait si cass tsaka maganda, kaya gusto ko s'ya para Kay kuya sana naman magustohan n'ya din si cass para sa sarili n'ya.

"Hi mga ate!" sabay sabay kaming napatingin sa dalawang taong kapapasok lang sa kusina.

"lexi? lexon?!" nanlaki ang mata ko tsaka sabay silang niyakap.

Nakita ko ding bitbit ni Lexi si kniji na iniwan ko lang kanina sa sala ng pumunta siguro sila dito ay kinuha n'ya ang aso at kinarga papunta dito.

Marahan kong hinaplos si kniji bago ko sila nakangiting tanongin.

"Sinong kasama n'yong pumunta dito? Hindi n'yo ba kasama si kuya knight n'yo? Ang sabi niya kasi isasabay niya kayo papunta dito mamaya"

"May kasama kami pero hindi si kuya and she's waiting for you in the sala" sagot ni lexon habang ang paningin ay nasa cellphone.

Napatingin ako Lexi na tinangoan ako sa'kin.

Sino naman kaya?

Nag paalam muna ako kila betty at cass bago puntahan ang taong naghihintay daw sa'kin sa sala.

Natigilan ako sa paglalakad at lumakas ang tibok ng puso ko ng makilala ko kong sino ito.

Gusto kong tumakbo ng magawi sa'kin ang tingin nito.

"Ija, we need to talk" lumapit ako sa kan'ya tsaka napayuko.

"Bakit po? Anong pag uusapan po natin? Wala po dito si knig-" pinutol nito ang sasabihin ko

"Hindi ang anak ko ang pakay ko kundi ikaw, so take a set and let's talk"

"Ano p-pong kailangan mo po sa'kin?" magalang kong tanong.

Kinakabahan ako, baka kasi pag dumating si knight at may sabihin na naman s'ya sa kan'ya mag iba ang trato ni knight sa'kin.

Oh baka gusto n'yang layuan ko anak n'ya? Hindi pwede 'yon!

"Gusto ko lang humingi ng tawad sa lahat ng ginawa namin sa'yo" hinawakan nito ang kamay ko "The twins explain to me everything, na wala kayong kasalanan sa pag kamatay ng asawa ko"

"M-ma'am.." pag tawag ko dito ng makitang umaiiyak ito.

"Call me tita felisha alam ko ding gusto ka ni knight at ok lang 'yon, sorry sa lahat yuiji pati sa kuya mo." napabuntong hininga muna ito bago mag patuloy "sa ngayon ang gusto ko na lang mangyari ay mapatay si aginno para mabigyan ng hustista ang asawa Ko"

Humigpit ang hawak ko sa kamay nito.

"Tita 'wag po kayong mag alala mananalo po tayo sa laban na 'to, tiwala lang" ngumiti ako.

Nakaramdam ako ng saya, ito na talaga! tanggap n'ya na ako para sa anak n'ya.

"Ija may Isa pa akong gustong hilingin"

"Sige po ano 'yon, baka kaya ko po 'yon gawin o ibigay para sa'yo" nagulat ako ng bigla ako nitong yakapin.

"Talagang kaya mo itong gawin para sa'kin!" humiwalay ito at hinawakan ang mag kabilang balikat ko.

"Gusto ko ng apo yuiji, bigyan n'yo naman ako ni knight" bumaba ang kamay nito sa kamay ko at mahigpit itong hinawakan "Kung maari sana ay kambal ija"

"Po?"

"Gusto ko ng mag kaapo ija, tumatanda na ako gusto ko manlang bago ako mamatay ay makita ang apo ko kay knight!" medyo napahiwalay ako sa kan'ya dahil sa tinuran n'ya.

𝘏𝘢𝘭𝘢𝘢?!

END OF CHAPTER 77

Kidnapped By A Mafia BossWhere stories live. Discover now