CHAPTER 78

857 27 0
                                    

𝗣𝗜𝗖𝗧𝗨𝗥𝗘𝗦

YUIJI MOIRA VERDIN POV

Napatitig ako sa salamin, na mumutla ang aking mukha at labi makikita mo din sa aking mga mata ang panghihina.

Ilang araw na din masama ang pakiramdam ko at lumalala ng lumalala ito sa bawat araw na lumilipas.

Hindi ko alam kong anong nangyayari sa'kin siguro dahil sa subrang pag iisip ko sa darating na laban na mangyayari sa pagitan ni aginno, kuya at knight.

Kinuha ko ang lipstick na nakapatong at inilagay ito sa namumutlat kong labi, ngumiti ako ng makitang na takpan nito ang tunay na kulay ng labi ko.

Pero maya maya ay na wala din ang ngiti ko kasabay nito ang mabigat kong pag buntong hininga hindi ko alam pero na natatakot ako na baka mapansin na nils ang pag babago ng itsura ko.

Lalo na si knight, alam kong may napapansin na ito sa'kin dahil lagi ko itong nakikitang nakatingin sa'kin.

Napatitig ako sa cellphone ko ng makitang tumunog ito at natawa ako ng makita ang message sa'kin ni tita felisha.

Tita felisha:

“May tips ako kong anong mga magandang posisyon para makagawa kayo ng kambal ng anak ko, ginamit na namin ito ng daddy ni knight at nag bunga nga dahil pinanganak ko ang mag kambal na sina lexi at Lexi. kaya mag usap tayo iha, fighting!”

ito talagang si tita, simula ng mag punta it dito ay lagi na n'ya akong kinukulit sa pag gawa ng apo n'ya.

Nong makita nga ni knight na nandito ang mama n'ya ay nagulat ito at agad akong nilayo kay tita pero mas ikinagulat n'ya ng makitang mag kaayos na kami.

“Tapos kana? Aalis na kasi tayo” Hindi ko na nagawang mag reply kay tita ng makitang sumilip sa pinto si cass.

Ngumiti ako sa kan'ya.

“Tara!”

~

“Siguro naman tama itong mga binili natin?” tanong ni cass.

Napatingin naman ako sa mga bitbt kong groceries at sa mga butbit din ni cass.

Naisipan naming mag groceries pero hindi namin sinabi kina kuya at knight, hindi naman mahalaga ’yon.

“Tama na ito” ngumiti ako sa kan'ya pero agad din natigilan ng makitang ang isang susi na nahulog ng isang lalaking dumaan sa gilid ko.

Kinuha ko ito gamit ng libreng kamay ko at hinabol ang lalake.

“Umm! Sir sandali lang!” mukha nalaman naman ng lalake na s'ya ang tinatawag ko, para ngang inasahan n'ya na nga ’yon.

Hindi ko na lang ’yon pinansin at lumapit sa kan'ya.

“Is this your key?” nakangiting tanong ko.

Para naman itong nabigla at agad na kinuha sa kamay ko ang susi.

“Yes, it's my car key” nagulat ako ng yakapin ako nito “thank you”

“You're w-welcome” mas lalo akong nagulat ng maramdaman ko ang malambot nitong labi sa pisnge ko.

Lumayo s'ya sa'kin at mas lumawak ang ngiti mas napansin tuloy ang dalawang tuldok sa gilid ng labi nito. Dimples.

Kumaway pa ito bago nakangising umalis, the f*ck?

“Sino ’yon? Hinalikan kaba ng lalaking ’yon sa pisnge?!” Hindi makapaniwalang tanong ni cass ng makalapit ito sa'kin.

Napailing ako bago sumagot.

“Ewan ko may sira ata, ibinigay ko lang naman ’yong susi” nakangusong saad ko.

“Nakita ko nga” natatawang sagot nito.

Mabilis din kaming umalis at hindi na pinansin ang lalaking ’yon.

~

Kasalukuyan kami ngayong nasa kusina at inaayos ang pinamili naminng groceries kanina sa supermarket.

“May progress na ba?” tanong ko kay cass

“Progress saan?” nagtatakang tanong nito pero hindi ko na gawang tignan ito dahil sa aking kinagawa.

“Si kuya ang tinutukoy ko, kong may progress na ba sa inyong dalawa” Nakita ko naman sa sulok ng mata ko ang pagkatigil ni cass sa ginagawa nito.

Na c-curious kasi ako sa nangyayari sa kanilang dalawa ngayon.

“Y-yeah” nakangiting ko itong sinulyapan “Kapag nag tatanong ako sumasagot na s'ya, kapag nag h-hi ako nag he-hello na s'ya pabalik!”

Napaismid ako.

“yon na ’yon?”

Progress na ba 'yon para sa kan'ya? Kasi for me it's not! Parang normal naman talaga ’yon sa dalawang tao lalo na kong nag tatanong s'ya kailangan talagang sagutin mo or when someone greeted you should greet back, right?

“Oo!” kita ko ang saya sa mukha nito pero kalaunay na wala din agad at napalitan ng isang malungkot na ngiti.

“I know it's sounds weird for you yuiji but not for me, kasi alam mo ba?” tuluyan na itong tumingin sa'kin “When I'm trying to start a conversation with him, agad n'ya ako pinuputol” napatitig ako sa kan'ya.

“I'm busy” Sabi nito na para bang ginagaya ang laging sagot ni kuya sa kan'ya.

Maslumawak ang ngiti n'ya bago mag salita ulit.

“Kaya ang saya ko kapag sinasagot n'ya na ako kapag nag tatanong ako”

I was so shocked and I couldn't speak.

Kuya xio! Arghh! Ang bait bait ng babaing ’to paano mo s'ya nagagawang tratohin ng ganon?!

“Don't worry” lumapit ako sa kan'ya “I'm going talk to him—right now” napatulala ito sa sinabi ko pero agad din itong sumigaw.

“No way!”

“Yes way!” Hindi ko na ito pinansin pa at iniwan ito sa kusina.

Patay ka sa'kin kuya! Pagkalabas ng pag kalabas ko ng kusina ay isang palad ang sumalubong sa'kin.

Ramdam na ramdam ko ang pamamanhid ng kanan kong pisnge dahil sa ginawa kong sampal sa'kin ni tita felisha.

“PAANO MO NA GAGAWA SA ANAK KO ’TO?!” Galit na sigaw nito.

B-bakit s'ya nandito?

“Anong pong ibig n'yong sabihin?” Napatingin ako sa katabi ni tita felisha at nakita ko ang nakangising mukha ni tessy.

“Tell me, what is this?!” nagulat ako ng may itapon itong bagay sa mukha ko.

Nagugulohan ko itong pinulot sa sahig at nanlamig ang buo kong katawan sa nakita.

Gamit ang nanginginig kong kamay ay pinulot ko ito at pinakatitigan.

“Kaya ba ayaw mong magkaanak sa anak ko dahil may iba kang lalake ka?!”

It's a picture of me and that guy earlier, ’yong lalake sa supermarket.

Nakahalik s'ya sa pinge ko.

“Mom?” nanuyo ang lalamunan ko ng marinig ko ang boses ni knight kasama nito sina kuya at ang mga kaibigan nila “What are you doing he—” Hindi na nito natapos ang sasabihin ng malipat ang tingin nito sa isa pang picture na nasa sahig kong saan nakayakap sa'kin ang isang lalake.

N-no..

END OF CHAPTER 78

Kidnapped By A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon