CHAPTER 46

1K 32 0
                                    

𝗠𝗘𝗦𝗦𝗔𝗚𝗘𝗦

YUIJI MOIRA VERDIN POV

Mga ilang araw na ang nag daan simula nong marinig ko ang sinabi ni kuya xio at nagkausap kami ni Tessy.

Si knight?

Wala siya dito, nong bumalik kasi siya nong araw na iyon ay nag paalam din siyang pupunta daw siya sa U.S (𝑼𝒏𝒊𝒕𝒆𝒅 𝑺𝒕𝒂𝒕𝒆𝒔) Iwan, ang sabi niya lang sa'kin tungkol daw sa negosyo.

Nag stay ako dito dahil ayaw ko pang umuwi dahil sa nalaman ko at gusto ko pa talaga siyang makasama pero anong nangyari? Iniwan niya lang ako at hindi manlang tumawag o nag t-text?!

Actually, pang tatlong araw na itong hindi siya tumatawag o nag t-text sa'kin.

Baka kasi siya umalis binigyan niya ako ng phone kasi kahit malayo siya makakapag usap daw niya ako pero ano 'to?! Bakit ilang araw na siyang walang NI HA? NI HO?

“Baka matunaw na 'yang phone katitig mo” nasa kusina ako ngayon kasama ko si Betty.

Nagluluto siya at ako ito nakaupo lang hinihintay tumawag ang magaling na si knight, bw*sit!

Pag 'yon tumawag sa'kin! Kikitamo!

“Arghh! Bakit Hindi parin siya tumawag? Ha! Betty? Bakit!?!” Inis kong tanong.

“Abay malay ko” Irap nitong sabi sa'kin.

Tumingin ako kay betty na busy kahahalo ng pagkain.

“Pag 'yon tumawag sa'kin! Hindi ko agad sasagutin! Tapos pag sinagot ko na, sisigawan ko siya! Iapaparamdam ko kong gaano ako naiinis sa kany—” napatol ang sasabihin ko ng mag ring ang telepono sinilip naman ito ni Betty at agad na tumingin sa'kin.

“Si knight mo tumatawag” Usal nito

Tinignan ko naman kong si knight 'yong caller at siya nga! Hindi na ako nag sayang ng oras at agad ko itong sinagot.

“Hello knight kamusta?” bungad ko.

“Hindi niya daw agad sasagutin” Pang iinis ni Betty sa'kin kaya agad ko itong sinamaan ng tingin.

Heh!

“I'm ok..” sandali itong natigilang bago ulit nag salita “How are you?”

Napangiti naman ako.

“Ok lang din, alam mo bang hinihintay ko 'yong tawag mo” Mahinhin kong usal.

Narinig ko naman ang ang malakas na ubo ni betty sa tabi ko.

“Sisisgawan niya daw” Bulong nito na alam kong ako 'yong pinapatamaan.

Sinibukan ko itong sipain dahil sa Inis pero agad din naman siyang nakaiwas.

“Knight teka lang, lalabas lang ako nasa kusina kasi ako may asong ulol kasi dito baka kagatin ako” Pag paparinig ko kay betty bago mabalis na umalis.

Pumasok ako sa kwarto at naupo sa kama.

Pero laking gulat ko ng makitang end na 'yong call.

Gusto kong maglupasay sa Inis, sabing teka lang! Pero pinatay agad yong tawag?!

Maiiyak na sana ako ng tumunog ulit yong phone ko at si knight ulit yong tumatawag pero hindi na ordinaryong tawag lang kasi video call na!

Oh my gosh!

Mabilis akong lumapit sa salamin at chineck kong maganda na ba ako, mabuti na lang at kakaligo ko lang kanina! Ng matapos suklayin ang buhok ay agad kong sinagot ang tawag.

Kidnapped By A Mafia BossWhere stories live. Discover now