CHAPTER 59

1K 32 0
                                    

𝗧𝗔𝗧𝗧𝗢𝗢

YUIJI MOIRA VERDIN POV

Matapos naming kumain lumabas kami ng mansion at naglakad lakad sa tabing dagat.

Napapapikit paa ako kapag umiihip ang sariwang hangin.

Ramdam na ramdam ko ang lamig ng tubig dagat sa aking mga paa at napakatahimik ng paligid.

Ang sarap siguro ditong pumunta lalo na kong may problema ka,  nakarelax kasi lalo nakapag nakikita mo ang reflection ng maliwanag na buwan sa dagat.

Mabuti na lang tumila na Ang ulan at baka mamaya babalik na ako sa mansion namin.

Umupo ako sa buhangin at inangat ang aking paningin kay knight na nakatayo lamang sa tabi ko at nakatingin lamang sa dagat.

“Knight sino 'yong babaing kasama mo kanina sa party?” pagkuwang tanong ko.

Curious kasi ako, kong hindi sila eh sino 'yon?

Napatingin siya sa akin kaya nag tama ang aming mga mata.

“That was cassandra, clark sister” tipid na sagot nito.

Napatango naman ako.

Kapatid na babae ni Clark? May kapatid pala s'ya.

“Isinama ko s'ya sa party para hindi magtaka si xio kapag nakita niya akong nandoon. Iisipin n'yang Cassandra is my girlfriend” umupo ito sa tabi ko “And in that case pwede kitang makita”

Napabuntong hininga ako, nakakapagod din pala itong setwasyon namin.

“Kong ganon naman pala eh bakit hindi mo ako pinansin dun sa coffee shop? Huh?” Pagdududa ko.

Nilingon naman ako nito at napangaso na hindi ko inaasahan na gagawin niya sa harapan ko, alam pala nito kong paano mag pa cute?!!!

“Someone watching you that time so I need to act that I didn't know you, kahit na gustong gusto kitang yakapin sa mga oras na 'yon even the twins wants to hug you but we can't” pag papaliwag nito “Are you still mad at me? Mm? Baby?” Niyakap ako nito at isiniksik ang ulo nito sa liig ko.

“O-oo na hindi n-na ako galit” Usal ko.

“Really?” Iniangat nito ang mukha.

Tumango naman ako.

“Then can I kiss you?”

Napalunok naman ako.

Enebeeee knight nemen!

“Saan mo ba gusto sa noo, pisngi, or sa lip—?” Hindi ko na  ituloy ang sasabihin ko ng bigla ako nitong sunggaban ng halik.

Ipinulupot nito ang braso sa aking bewang at ang Isang kamay naman nito ay pumalibot sa batok ko upang mas idiin ang mukha ko sa kan'ya.

~

Hawak hawak ang labi ko ng umakyat ako sa kwarto ko.

Nakauwi na pala ako sa mansion namin, inihatid ako ng isa sa mga taohan ni knight.

Gusto niyang s'ya 'yong maghatid sa'kin kaso hindi ako pumayag baka makita s'ya ni kuya.

Baka kong ano pa 'yong mangyari.

Nahiga ako sa kama at binitawan ang labi ko na kanina ko pinipisil pisil.

Hindi kasi ako maka move on sa ginawang halik ni knight kanina.

Ackkkkk! Nag pagulong gulong ako sa kama.

Ang saya ko ngayon!!!!

Pero napatigil agad ako ng may maalala, eh hindi ko pa nga pala siya sinsagot pero bakit pumayag agad akong halikan n'ya ako? Wait! Hindi ako pumayag! S'ya 'yong mismong humalik sa'kin kanina! Tama!

Natigil ako sa pag iisip ng marinig kong may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

Bumaba naman ako sa kama at nilapitan ang pinto at binuksan ito bumungad sa'kin ang seryosong Mukha ni kuya.

“Tama nga si Mr. Lee umuwi kana”

“Kuya hehe” Galit ito alam ko huhu.

“Saan ka galing? Look at you—”

“Sir xio may naghahanap po sa inyo sa labas” pag puputol ni Mr. Lee nakadarating lang.

Thank you Mr. Lee! Good timing ka!!

Tumingin muna sa'kin kuya at napabuntong hininga.

“Mag uusap tayo mamaya” Seryosong sabi nito bago ako iwan.

Tumango naman ako bago isarado ang pinto.

“Matutulog agad ako para pag balik mo hindi muna ako masesermonan kuya” Inis na bulong ko.

Nagbihis muna ako at nahiga ulit sa kama matutulog na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone.

Sinagot ko naman agad ito at hindi na nag abalang tignan kong sino yong tumawag.

“Hello yuiji?” napaupo ako sa kama ng marinig ko ang boses nito.

“Oh my God! Betty?!”

“Oo ako nga 'to hindi muna kailangan sumigaw, kamusta kana?” naiinis na Sabi nito.

“Sorry na hehe” napakamot ako sa ulo “I'm good how about you? And the twins?” exited kong tanong bago pumunta sa terrace ng kwarto ko.

Paano kaya nalaman ng bruhang to 'yong number ko? Aishh nevermind.

Napatingin ako sa baba at nakitang may kausap si kuya.

“Ok lang naman kami, siyangapala gusto ko lang ituloy 'yong kwento ko sa'yo kaya tumawag ako” Sabi nito.

Napakunot naman ako ng noo.

“Kwento?”

Namukhaan ko kong sino ang isa sa mga kausap ni kuya, siya yong secretary nito si Roger.

Tapos yong Isa naman? Sino nga ba 'to? Parang na kita ko na siya?

Naningkit ang mata ko habang nakitingin sa familiar na lalake.

“Oo 'yong kwento ko kong sino 'yong pumatay sa ama ni sir knight, Ewan pero parang may kutob ako na kailangan mo itong malaman” natahimik naman ako at hiniyaan itong mag salita.

Titig na titig ako sa lalaking kausap ni kuya, parang siya 'yong nag bigay ng envelope kanina sa mansion nila knight..

T-tama siya ngayon!!

“Gaya ng sabi ko sa'yo noon nakita ko kong sino ang pumatay sa ama niya, hindi ko matandaan ang mukha nito pero may isang bagay akong natandaan sa kan'ya, 'yon ay ang tattoo nitong bungo sa braso. May tattong bungo ito na may kulay dugong rosas na nakapalibot dito yuiji”

Hindi ako nakapagsalita, titig na titig ako sa lalake na ngayon ay nakangiting nakatingin sa'kin.

Nabitawan ko ang hawak kong cellphone ng may maaninag ako sa braso nito.

Kahit madilim kahit medyo malayo ito sa'kin, kitang kita ko ang tattoo nitong 𝒃𝒖𝒏𝒈𝒐 sa braso.

END OF CHAPTER 57

Kidnapped By A Mafia BossWhere stories live. Discover now