CHAPTER 79

874 28 0
                                    

𝗠𝗔𝗙𝗜𝗔 𝗕𝗢𝗦𝗦

YUIJI MOIRA VERDIN POV

Parang sasabog ang puso ko sa subrang kaba ng pulotin ni knight sa sahig ang isa pang picture kong saan nakayakap sa'kin ang lalakeng nakilala ko lamang sa supermarket.

Nagulat pa ako ng kunin ni kuya sa nanginginig kong kamay ang picture na hawak hawak ko.

“I'm so disappointed” narinig kong bulong ni kuya kaya nalipat ko ang mga mata ko sa kan'ya.

malinaw na malinaw sa'kin ang sinabi niya na siyang nag padurog sa puso.

his so disappointed on m-me?

“Knight nakikita mo naman diba, kahit ako hindi ko gustong paniwalaan pero may proweba na!” Usal ni tita felisha kay knight.

N-no tita please!

Napatitig ako kay knight at nakita ko ang pagdilim ng ekspresyon nito.

Galit siya, alam kong galit siya.

“Please let m-me explain!” nagawa ko pang mag salita kahit nakaramdam na ako ng hilo.

Medyo kumikorot din sa sakit ang ulo ko, 'wag mo na ngayon.

Hindi manlang nagawang sumulyap sa'kin si knight kaya medyo nasaktan ako.

Naniniwala agad siya? hindi niya ba gustong marinig ang paliwanag ko?

“Hindi mo pa talaga siya kilala knight” ngising ani ni tessy.

“Shut up” malamig na usal ni kuya sa kan'ya

Napahawak ako sa ulo ko ng mas tumindi na ang sakit nito.

“Knight p-please makinig ka sa'kin hindi ko kilala ang lalaking 'yan” nanghihinang usal ko.

Hinintay kong tumingin ito sa'kin pero sa pangalawag pagkakataon hindi niya ulit ako magawang tinignan bagkus nasa picture parin ang tingin nit, nakita ko pa nga kong paano unti unting malukot ang picture dahil sa madiing pagkakahawak nito.

Galit na siya sa'kin, anong gagawin ko?!

Napalibot ako ng tingin at nakaramdam ng hiya ng makita ko ang mariin na pagtitig ng mga kaibigan ni kuya at knight sa'kin.

Si cass, kailangan ko siya! Siya lang ang mag papatunay na hindi ko kilala ang lalakeng 'yon!

agad ko din namang ibinalik ang mga mata ko kay knight sinubukan kong humakbang papalapit sa kan'ya pero natigil agad ako ng mas tumindi ang sakit ng ulo ko.

Mas tumindi din ang panginginig ng katawan ko.

Napaluhod ako bigla dahil sa panghihina.

“Arghhhhh!!!” sigaw ko at napasabunot na ng buhok dahil hindi ko na kaya ang sakit.

Naramdaman ko namang may lumapit sa'kin at hinawakan ang mag kabilang braso ko.

Iniangat ko ang paningin ko sa taong nasa harapan ko ngayon at nakita ang nag aalala mukha ni knight.

Sa wakas nagawa niya din akong tignan!

Pansin ko din ang pag gulo ng paligid dahil sa nangyayari sa'kin, lahat sila ay hindi alam ang gagawin.

Sinubukan kong hawakan ang mukha ni knight pero bigla nalamang akong nawalan ng malay.

~

“Yes betty, nasa hospital kami ngayon na pag mamay-ari  ng pamilya quantum—Hindi ko din alam kong ano ang nangyari bigla na lang siyang nawalan ng malay—Okay, don't forget the fruits ha? Bumili ka—okay bye”

Kidnapped By A Mafia BossWhere stories live. Discover now