CHAPTER 66

951 32 0
                                    

𝗖𝗨𝗣𝗖𝗔𝗞𝗘𝗦

YUIJI MOIRA VERDIN POV

Pagkatapos naming mag usap ni knight sa kwarto ay bumaba na kami para kumain at ngayon ay nakupo na kami sa harapan ng mesang punong puno ng ibat ibang pagkain. Nasa kanan ko si knight at nasa kaliwa ko si kuya.

And guess what? Ang sama ng tingin nila sa isat isat hayss.

“T-tara kain na tayo!” nakahinga naman ako ng maluwag ng mag salita si Clark.

Umayos na ako ng upo at mag sisimula na sana akong kumain ng biglang mag salita si kuya.

“Eat this” pinalitan n'ya 'yong pagkain sa harapan ko. “Ako ang nag luto n'yan” tipid itong ngumiti.

Weh? Hindi nga? Minsan lang mag luto si kuya para sa'kin, may himala!

“Thank you” ngumiti naman ako at balak na sanang tikman ang pagkaing na saharapan ko ng pigilan ako ni knight.

“Drink this first” Inabot nito sa'kin ang gatas “Ako ang nag timpla n'yan” tumingin muna ito kay kuya at ibanalik ulit sa'kin ang tingin at malawak na ngumiti.

Gusto kong matawa, alam kong iniinis niya lang si kuya.

“Ah ok” iinomin kona sana ng kunin ni kuya ang baso ng gatas sa kamay ko.

“She needs to eat my food first quantum”

“Nahh, she needs to drink my milk first verdin”

“I'm her brother!”

“And I'm her boyfriend”

Nag palipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa at napatampal na lang ng noo.

Kilan ko pa naging boyfriend 'to? Eh hindi ko pa nga siya sinasagot!

At tsaka pati ba naman pagkain ko pag aawayan pa nilang dalawa?

Napatingin ako sa mga kaibigan ni kuya at sa mga kaibigan ni knight pati sila mukhang Hindi na alam ang gagawin para patigilin ang dalawang 'to.

Pero sino nga ba ang may malakas na loob para patigilin ang dalawang 'to? Syempre wala! Katakot kasi huhu.

Nakita ko ang pag sama ng mukha ni kuya ng marinig niya ang sinabi ni knight kaya agad na akong nag salita.

“Ehem” kinuha ko ang gatas sa kamay ni kuya at inilagay sa tabi ng pagkain ko. “Pwede naman po akong kumain habang umiinom ng gatas so pwede po bang mag simula na tayong kumain? Mm?” mahinahon kong saad. Sabay naman silang napatingin sa'kin.

Ngumiti ako sa kanila bago sumubo ng pagkain na luto ni kuya at pagkatapos non ay uminom ng tinimplang gatas ni knight.

“See? So let's eat na po ok?” Hindi na sila nag salita pa at nag simula ng kumain.

Napabuntong hininga naman ako, parang mga bata.

~

Nang matapos akong kumain na isipan kong maligo, pagkatapos nun pumunta ako sa kusina at naisipan kong bake ng cupcakes.

Mahilig talaga kasi akong mag bake hindi lang halata pero oo, nakikita ko kasi nun lagi si mommy na nag b-bake ng mga cookies or cupcakes.

Gusto ko din ipatikim 'to kay knight habang nandito pa s'ya narinig ko kasing aalis na sila ng mga kaibigan nito mamaya.

Maya maya pa ay isinalang ko na sa oven 'yong mga cupcakes, marami rami din 'to para naman matikman din 'to ni kuya siya xio at ang mga kaibigan nito.

Gusto ko din ipatikim sa mga kaibigan ni knight.

Kidnapped By A Mafia BossWhere stories live. Discover now