CHAPTER 14

1.1K 37 2
                                    

YUIJI MOIRA VERDIN POV

“A-ano ulit yong pangalan mo?” Tanong ko sa lalaking nakasunod ngayon sa akin

“Ivan” sagot nito

Papunta ako ngayon sa kwarto ng mag kambal, para alam niyo na alagaan.

Yon naman kasi ang dapat kong gawin para hindi ako patayin ng knight na yon.

“Ahh” Tumango tango ako.

Pagkalabas ko kaninang umaga nasa labas na siya ng kwarto ko.

“Kailanga kitang bantayan yon yong utos sakin ni boss knight, baka daw magtangka kana namang tumakas” yan yong paliwanag niya sakin kanina ng tanongin ko ito kong bakit nasalabas siya ng kwarto ko.

Pumasok ako sa kwarto nong magkambal at hindi ko sila na datnan doon sa loob.

Bagkus nakakarinig ako ng mga ingay sa dalawang silid.

Mukhang nasa kanikanila silang kwarto.

Naupo nalang ako sa sofa at napabuntong hininga, natatakot ako yon yong totoo.

Natatakot ako sa ugali ng dalawang batang iyon.

Lumipas ang ilang oras, nag tago na lang ang araw hindi parin sila lumalabas.

At dahil nag stay ako dito at hinihintay silang lumabas sa kanilang kwarto hindi tuloy ako nakakain, kaya gutom na ako!

Sinubukan ko silang katukin pero hindi nila ako pinagbubuksan, kainis!

Napatingin ako sa orasan na nakapatong sa maliit na lamesa.

6:42 Pm na!

Nahiga na lang ako sa sofa at hinintay na lang ulit na lumabas sila sa kanikanilang kwarto.

Paano ko sila maaalagaan kong pinagtataguan nila ako?

Sa paghihinatay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

“Hey! Wake up!” Naramdaman kong niyuyogyog ako kaya na idilat ko ang aking mga mata at nakita sa harapan ko si lexi kaya agad akong napabangon sa pagkakahiga.

“G-gutom kana ba?” Tanong ko

Mabuti naman at may lumabas din na isa sa kanila!

“No I'm not, tapos na akong kumain kanina pa. It's already 9 in the evening so I need to drink
a milk before I sleep” Usall nito

Napakunot naman ang noo ko at napatingin sa orasan.

Ganon na lamang ang panlalaki ng mata ko ng makitang alas nuwebe na ng gabi!

“So..a-anong gusto mo?”

“Tutal nandito Karin naman get me some milk na lang”

”S-sige ko kuha ako pati b-ba yong kambal mo dalhan ko din ng gatas?”

Umiling ito at pinag taasan ako ng kilay.

“I said get ME some milk, ME nga lang diba? Hindi US! Duhh” Pagtataray nito bago pumasok sa loob ng kwarto

“Tks” Parang nag tatanong lang.

Lumabas naman agad ako sa kwarto at nadatnan sa labas si Ivan.

Gising parin pala to!

Akmang susunod na ito sakin ng pigilan ko ito.

“Hwag kang mag-alala kukuha lang ako ng gatas kaya hwag ka ng sumunod sakin dahil wala akong balak na tumakas” Usal ko bago mabilis na umalis

Pagkarating ko sa kusina agad akong nag timpla ng gatas.

“Kainis! Bwesit na mga batang yon, bakit hindi nila ako ginising? Damn! I'm so hungry because of them!”

Para akong tangang bulong ng bulong dito dahil sa subrang pagkainis.

Ng matapos akong mag timpla ay aalis na sana ng biglang pumasok sa kusina si knight na walang pang itaas na damit.

At mukhang bagong ligo dahil tumutulo pa ang tubig mula sa buhok nito papunta sa katawan nito.

Napalunok ako ng makita ang abs nito sa tiyan.

Bigla kong naalala ang ginawa nito sakin at ang kahihiyan ko kaninang umaga.

May kausap ito sa phone kaya hindi nito ako napansin.

“What?” kunot na kunot ang noo nito at salubong ang dalawang makakapal na kilay habang kausap ang isang tao sa kabilang linya.

Girlfriend kaya niya yong kausap niya dyan sa phone? Wait lang! Ano naman ang pakialam mo moira?!

Kumuha siya ng tubig mula sa ref tsaka ng salin sa baso at uminom

How can be this man in front of me so perfect?

Nang napansin ako ay lumingon siya saakin kaya nag tama ang aming paningin.

Shit? Nahuli niya akong titig na titig sa kanya!

Wala sa sariling ininom ko ang gatas na dala ko sa subrang panunuyo ng lalamunan ko.

Hindi ko na kinapaya ang pakikipag titigan sa kanya kaya mabilis akong nag iwas ng tingin at tuluyan ng lumabas ng kusina.

Tanging tibok lamang ng puso ko ang aking naririnig habang binabagtas ko ang daan papunta sa kwarto ni Lexi.

Nang makarating ako sa kwarto ng batang iyon agad kong inilagay sa mesa ang baso ng gatas at aalis na sana ng biglang magsalita ito.

“Wait! Did you drink my milk?”

“Hindi bakit?” Tanong ko at inaalala parin kanina ang itsura ni knight.

“Tks! Ininom mo kaya!” Sa pagkakataong ito ay nilingon ko na siya at pinag taasan ng kilay.

What?! Ako iinom ng gatas niya? Ano ako bata?!?

“Look it's empty!” Itinaas niya ang baskng wala na ngang lamang gatas “And..” Lumapit siya sakin at hinawakan ang gilid ng labi ko tsaka ipinakita niya sakin ang daliring may maliit na gatas “May gatas kapa sa labi”

Napasapo na lang ako ng noo ng maalala ang ginawa kong pag inom ng gatas dahil sa subrang panunuyo ng lalamunan ko kanina.

“My gosh! Kumuha ka ulit!” Utos nito.

Lumabas naman ulit ako ng kwarto dala dala ang basong walang laman.

Kainis! Hwg ako ang sisihin mo! Sisihin mo yong abs ng kuya mo!

Nag lakad ng lang ulit ako papuntang kusina at pinag darasal na sana wala ng knight ang naroon.

END OF CHAPTER 14

BY: PAN MANUNULAT

Kidnapped By A Mafia BossWhere stories live. Discover now