CHAPTER 82

894 34 0
                                    

𝗪𝗔𝗞𝗘 𝗨𝗣

YUIJI MOIRA VERDIN POV

Nagising ako ng maranig ko ang tahol ni kniji, ang asong ibinigay ni knight sa'kin.

Nakita ko itong nasa tabi ng pinto at nakatingin kay Cass na nasa loob pala ng kwarto ko at katatapos palang akong kumutan.

“Nagising ba kita?” ngumiti naman ako sa kan'ya at umiling.

Naupo ako sa kama at tumabi naman siya sa akin.

“Hindi naman” nilibot ko ang paningin ko ng mapansing wala na si knight sa tabi ko “Umalis na ba sila?”

“Oo kanikanina lang, hindi kana ginising ni knight dahil ayaw nitong maisturbo ang tulog mo”

Bigla naman akong kinabahan, sana hindi na lang ako natulog.

Paano kong hindi ko na ulit sila makita? Paano kong ito na 'yong huling pagkakataon na nakasama ko si knight paano kong mapahamak sila doon?

Naramdaman ko ang paghawak ni Cass sa kamay.

“Don't overthink to much, okay? Makakauwi sila ng buhay yuiji, mga mafia kaya ang mga 'yon” usal nito na para bang alam na nito ang mga tumatakbo sa isip ko.

“I can't help it” mas humigpit ang hawak nito sa kamay ko at pinatayo ako.

“Tara!” napaangat ako ng tingin sa kan'ya “Mag movie marathon tayo tapos kumain tayo ng ice cream! Sweet foods can help you to calm, trust me!” ngumiti ito at mahina akong hinila patayo.

Wala akong nagawa kong hindi ang mapangiti nalamang at sumama sa kan'ya.

Naabutan namin sa sala si Clark na nanonood ng movie.

Bakit siya nandito? Hindi ba siya sumama kila knight?

“Pinaiwan siya ni knight para may makasama tayo” bulong ni Cass sa'kin ng makitang titig na titig ako sa kapatid niya.

Tumango na lang ako at lumapit kay clark at tumabi sa pag upo sa kan'ya.

Umalis naman si cass at pumuntang kusina.

Napatingin naman sa'kin si Clark tsaka ngumiti kaya nginitian ko rin ito.

Maya maya pa ay bumalik si cass na may dala dala ng ice cream.

“Hati na lang tayo” binigyan ako nito ng kutsara at tumabi sa akin.

Nakita ko pa sa gilid ng mata ko kong paano kumuha ng ice cream si Clark kaya agad s'yang binatukan ni Cass ng makita n'ya ito.

Natawa ako ng mahina, kulit ng mag kapatid na 'to.

“Kapal ng mukha mo! Kutsura ko pa talaga ginamit mo, eww! Kadiri ka!” nandidiring saad sa kuya n'ya.

“So? What's wrong with that? I'm your brother tsk!” usal nito at mag tatangka pa sanang kumuha ng pinalo ni Cass ang kamay niya.

“Brother my face! Ice cream namin 'to ni yuiji, bumili ka ng sa'yo!”

Natawa ako sa bangayan nilang dalawa na halos hindi ko na nga napansin ang oras kong hindi lang nag salita si Clark.

“3 am na, matulog na kayo” tumayo ito at nag inat inat “Ako na lang mag hihintay sa kanila, madaling araw na matulog na kayong dalawa” seryosong saad nito.

Tumango naman si cass at tumayo na.

“Tara yuiji, sa kwarto mo tayo matulog tabi nalang tayo hehe”

Tumango ako at tatayo na sana ng makaramdam ako ng pagkahilo, napahawak ako sa ulo ko.

Subrang sakit.

Kidnapped By A Mafia BossWhere stories live. Discover now