Chapter 19: Guess

7.5K 428 117
                                    

#DS7Unbalanced #InoCent #SMCouple #DaggerSeries

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

#DS7Unbalanced #InoCent #SMCouple #DaggerSeries

CHAPTER NINETEEN: GUESS

TIARA'S POV

Domino's arm brushed mine, and our gaze met for a moment. A rush of giddy feelings enveloped me at the same time that I felt a flutter in my stomach. Parehas na pigil ang mga ngiti na nag-iwas kami ng tingin sa isa't isa.

Ibinaba niya ang tray na dala niya sa lamesa na nandito sa glass house bago siya lumapit sa akin para kunin ang anim na magkakapatong na seat cushions na hawak ko.

"Tulungan na kita," sabi niya.

My cheeks flushed. "Okay lang. Kaya ko naman."

"Okay lang. Baka mahirapan ka eh."

"It's okay—"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang may kumuha sa mga unan na pinag-aaagawan namin ni Domino. Sabay na napalingon kami at parehas din kaming napalayo sa gulat nang makita namin na sobrang lapit na sa amin ni Trace na siyang kumuha ng sit cushions at ni Lucienne na nakatayo sa tabi niya.

Trace divided the pillows. Ibinigay niya sa akin ang tatlo at ang iba pa ay kay Domino. "Sharing is..."

"So much fun," dugtong ni Lucienne.

Mabilis na lumayo ako sa lalaki at nilapitan ko ang iba pang mga babae na nagdududa na ring nakatingin sa direksyon namin. Ibinigay ko sa kanila ang mga unan na tinanggap naman nila.

I stepped back when Domino approached, but I couldn't stop glancing up at him when I felt his hand graze my back so lightly that I would have thought I imagined it if it didn't leave the familiar tingle of electricity that I always feel with his touch.

"Ako lang ba o parang may na-va-vibes ako sa dalawang 'to?" tanong ni Belaya habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Domino.

Kinuha ni Ember ang tray na dala kanina ng lalaki bago siya tumabi sa aktres. "I can sense something too."

Lia and Circe looked at each other, and they just shared a knowing smile without saying anything.

"Familiar sa akin ang vibes na 'to." Ngumisi Mireia sa direksyon namin. "Parang vibes ng mga malalaswa."

Pakiramdam ko ay nag-aapoy ang magkabila kong pisngi habang si Domino naman ay napaubo. Women really have a sixth sense. Especially these women. They are so highly perceptive that it isn't surprising that nothing can pass their notice. Unless...

Nilingon ko si Lucienne at nang mukhang maramdaman niya ang tingin ko ay matamis na nginitian niya ako. Iyong klase na sobrang peaceful. She looks nearly angelic, except she couldn't meet my eyes.

I let out a sigh, and guilt crossed Lucienne's face. "Wala talaga akong sinabihan sa kanila. Promise."

"It's okay," I laughed lightly. "I kind of expected it."

Dagger Series #7: UnbalancedWhere stories live. Discover now