Chapter 20: Wish

12.8K 550 113
                                        

#DS7Unbalanced #InoCent #SMCouple #DaggerSeries

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

#DS7Unbalanced #InoCent #SMCouple #DaggerSeries

CHAPTER TWENTY: WISH

DOMINO'S POV

"Mag-iingat ka ha? Tumawag ka lang kapag may kailangan ka."

Pinagmasdan ko ang dalawang babae na parang parehas pa na maiiyak. They're acting as if they wouldn't see each other again for a long time. Aakalain mo na ang tagal nang magkakilala ni Lucienne at ni Tiara sa paraan nang pagkakayakap nila sa isa't isa.

Tiara said something in her mother tongue that I doubt anyone of us could understand. Pero kahit siguro Tagalog ang sabihin niya ay hindi na rin masyadong maiintindihan ni Lucienne. She's as drunk as the other women that are now crowding the open window of the van, even though she really didn't drink that much. Hindi pa nga ata niya nauubos ang panghuling baso niya. Hindi nakakapagtaka iyon dahil parang hindi naman ata siya madalas nabibigyan ng pagkakataon na uminom. Baka hingi pa nga.

Lucienne was a lightweight as well. Kung tama ako ng pagkakatanda ay sa tagal ko siyang nakilala ay ngayon lang siya umabot sa pang-apat na baso ng alak.

Inipit ni Lucienne ang mukha ni Tiara sa mga kamay niya. I couldn't help but grin at how cute Tiara looked with her cheeks mush together. "Bakit nabago ang audio? At bakit walang subtitle?"

I heard a few deep chuckles inside the van. Napagpasiyahan ng mga kapatid ko na hindi uminom nang magkaayayaan ang mga babae. Surprisingly, Luna, who arrived late but would have normally joined in didn't. Something that is making not just me but also our other brothers suspicious.

Nilingon ako ni Lucienne. "Anong nangyayari?"

"Hindi pa uploaded ang subtitle," pagsakay ko.

She "ahhed" before turning her attention back to Tiara. "Don't worry. I know you can feel my intention. Language barrier lang 'to. Even the sea can't stop us from being friends."

"See the line where the sky meets the sea?" pakantang tanong ni Tiara.

"IT CALLS ME!"

Ipinagpapasalamat ko na lang talaga na wala akong kapitbahay dahil kung hindi ay baka nabulabog na ang mga iyon hindi lang sa lakas ng boses ni Lucienne kundi pati na sa pasigaw na pagkanta mula sa mga babaeng lungayngay ang mga ulo sa bukas na bintana ng van.

They've been singing Disney songs since their spirits started to leave their body with how many alcohol they consumed. Especially songs from Moana which happened to be Tiara's favorite. Nanood pa nga sila ng movie habang nag-iinuman.

It turns out that my Millie Mouse loves Disney movies. I caught her a couple of times watching something on her phone, but I never got the chance to see what it was.

Napapabuntong-hininga na nilapitan na ni Kuya Thorn ang asawa niya para mailayo niya na ang babae kay Tiara. Hinapit ko si Tiara palapit sa akin nang makita ko na bahagyang bumuway ang tayo niya.

Dagger Series #7: UnbalancedWhere stories live. Discover now