1st Chapter

305 12 0
                                    

Kayne


"Nay! Nay! Nay! Omygash!" Napahagikhik ako sa kinauupuan nang makita ang pangalan ko sa resulta ng board exam.

"Ano ba naman niyan anak ha? Ba't ka ba sigaw ng sigaw diyaan?" Natatarantang bulyaw ni Nanay at dali-daling tumabi sa akin at tiningnan ang laptop ko.

Natawa ako sa naging reaksyon ni Nanay ng makita niya ang pangalan ko sa mga nakapasa. Mas lalong natawa ako ng makita si Tatay na tumatakbo na rin papunta sa direksyon ko.

"A-anong nangyayari ha...anak?" Hingal na hingal na sabi ni Tatay. Hindi kami umimik ni Nanay tinuro ko lang ang laptop ko na nakalagay sa lamesa.

Kumunot naman ang noo ni Tatay halatang halata na wala siyang kaalam-alam sa mga nangyayari. Mas lalong natawa ako sa naging reaksyon ni Tatay ng lumaki ang mga butas ng ilong niya at mga mata ng mabasa niya ang nakalagay at nakasulat sa laptop.

"N-nakapasa ka? T-totoo ba 'to Kayne?Anak?" Hindi makapaniwalang tanong ni Tatay. Lumapad ang mga ngiti ko sa labi parang napunit iyon ng yakapin ako ni Tatay at Nanay. Napakagaan sa pakiramdam.

Napasampal nalang ako sa noo ng makita si Tatay na todo kwento sa mga kakumpari niya. Dinala pa niya sa bahay at nang-yaya pang uminom.

Haysss..Si Tatay talaga walang pinagbago mula noong bata pa ako.

Flashback...

"Wow! Very good naman ng anak ko with highest honor, ang galing galing mo talaga" proud na proud na sabi ni Tatay.

"Gusto mo bilhin kita ng ice-cream?" Turo niya sa nagtitinda ng ice-cream. Lumapad naman ang ngiti ko sa mga labi ng binuhat niya ako at dinala sa nagtintinda ng Ice-cream. Binilhan niya ako at ang saya-saya ko.

"Nak, gusto mo non?" Turo ulit ni Tatay sa bandang kanan ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang sandamakmak na iba't ibang kulay na mga bulaklak. Gustong-gusto ko talaga ang mga bulaklak at ang mga amoy nila. Lalong-lalo na ang paborito ko sa lahat ang sampaguita.

Binilhan din ako ni Tatay ng sandamakmak na mga bulaklak.

[End of Flashback]

Napangiti ako ng maalala ko ang mga ginawa ni Tatay para saakin. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga 'yon. Nakabaon iyon sa puso't isip ko.

Go to Hell Mr. PrincipalWhere stories live. Discover now