18th Chapter

107 3 0
                                    

Napapailing nalang ako sa mga nagyayari. Habang hila-hila ko ang kamay ni Alyssa ay dinala ko ito sa may puno na lagi kong tinatambayan.

"Kayne naman ba't ka kasi pumayag? baka kausapin nga ni Mr. Principal 'yung supervisor tapos ipatanggal na talaga tayo" Nadidismayang usal nitong si Alyssa.

"Hindi mo ba naisip Kayne ha? Kung ano ang mangyayari saatin kung matanggal tayo? na sayang ang sweldo natin dito kung aalis lang naman tayo. Kaya ngayon gumawa tayo ng paraan para magbago pa ang isip ng Principal Dali!" Hinatak naman ako nito papunta ulit sa opisina ng principal.

Pero bago kami nakapunta doon. Hinatak ko din ang isa niyang braso para hindi matuloy ang balak niya.

"Ano kaba naman Alyssa alam mo ba dati ko pa talaga gustong umalis dito. Pagkakataon ko na 'to wag nanatin sayangin" Determinado kong sabi dito.

"Kayne naman, isipin mo ha. Kung matanggal man tayo dito. Sige nga, isipin mo san tayo niyan pupulutin ha? Hindi mo ba naisip na anong kaya ang magiging reaksyon ng nanay mo kung malaman niyang natanggal ka lang dahil sa kadahilanang iyon? Anong sasabihin mo ha?Sige nga!" Nakapamewang na usal nito saakin.

Kaagad naman akong napaisip sa mga sinabi nitong ni Alyssa may point siya. Pero ayoko na talagang makita ang pagmumukha niyang 'yon. Pero ayoko rin namang makita nila Nanay na sinayang ko lang ang pagkakataon na makapag-turo ng unibersidad.

Tumango nalang ako dito. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nagpahatak nalang ako dito kay Alyssa papunta ulit sa opisina ng principal.

Napabuntong hininga ako ng makarating sa harapan ng opisina ng principal. Kailangan kong makapag-isip ng tamang tiempo na aking gagawin para makapag sorry sakanya. Lalo na kanina sa ginawa ko.

"Yes?"

Nakarinig kami ng sagot mula dito habang parin nakasarado ang kaniyang pinto nito.

"Sige na Kayne, kausapin mo na si Mr. Principal" Tinulak naman ako nitong si Alyssa. Buti nalang hindi ako na subsob sa pinto nito.

"E, ikaw? samahan mo ko dito" Pabulong na sabi ko dito. Umiling naman ito kaagad.

"Ikaw na! ikaw lang naman 'yong nagsabi no'n kanina. Kaya, mag-sorry ka kaya mo 'yan" Pagtutulak nito saakin.

Napabuntong hininga nalang ako at tiningnan siya ng masama. Kumatok nalang ulit ako. Nang hindi makarinig ng tunog dahan-dahan kong pinihit ang pinto para buksan.

Napalunok ako ng makita itong naka-upo sakaniyang swivel chair at nakapatong ang mahaba nitong bias sa kaniyang lamesa. Mariin nanaman itong nakatitig saakin.

"You comeback, you forget something?"

Napalunok na naman ako ng marinig ang malamig nitong boses. "A-ahh tsk ano, may sasabihin sana ako" Nakayukong usal ko dito.

"What is it?" Kalmadong sabi nito.

"About kanina...ah ss-so-sorry!" Napahawak ako sa suot kong skirt dahil sa kabang nararamdaman.

"What do you mean?"

Nangunot naman ang noo ko at inangat ko ang ulo ko para matingnan siya ng masinsinan kahit nanginginig ang mga kamay ko." So-sorry sa pag sabi ko agad kanina na...tanggalin mo ko dito sa Univ mo hindi ako nag-iisip ng tama. Pasensya na din na hindi kami sumunod sa rules ng Univ mo. At ano..lastly hindi kita na nirespeto" Napakagat labi ako ng matapos sabihin iyon.

Go to Hell Mr. PrincipalWhere stories live. Discover now