8th Chapter

91 7 0
                                    

Hindi pa rin ako maka alis sa kinatatayuan ko. Mas lalong nanigas ako sa pwesto ng lumapit saakin si Mr. Principal.

"Damn you, young lady shut your mouth and never let me down" Kalmadong usal nito at binulsa ang baril.

Napapakapit nalang ako sa laylayan ng aking damit. Napaatras ako ng hawakan niya ang panga ko.

"Or else I'll kill you too" Napahawak ako sa kamay nito at pinipilit ko itong tanggalin.

Pero ang lakas nito kahit anong pilit ko hindi ito matanggal tanggal. Marahang parin itong nakikipagtitigan saakin.

"Just say yes" Naniningkit na usal nito. Napatango nalang ako. Pero mas hinigpitan niya ang paghawak sa panga ko.

"Y-yes M-mr. P-principal" Nauutal na aniya ko. At marahas niya itong binitawan. Napahawak ako sa panga ko at hinimas himas iyon. Parang nagbigay iyon ng lapat sa kamay niyang malaki. Papalakas ng papalakas pa rin ang tibok ng puso ko.
Tama nga ang sinabi ni Ms. Ezel saakin noon na killer nga si Mr. Principal.

Umalis ito sa harapan ko 'tsakang tumalikod. Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. Nanginginig ang mga tuhod ko sa takot. Halos dalawampung minuto akong nakatayo sa pwesto ko. Bago umalis sa lugar na iyon.

Wala ako sa mood magturo sa mga estudiyante ko. Napapaisip pa rin ako sa mga nangyari kanina.

"Ms.! Ms Morelos sila Rhenier ay patay na wala na silang buhay nakita sila sa likod ng eskwelahan" 'Di mapakaling sabi ng isang estudiyante ko. Napakagat labi ako ng maalala ang sinapit ng mga estudiyante ko sa kamay ng Principal na 'yon.

Kaagad naman nilang dinala ang bangkay sa mga magulang nila. Napapasapo nalang ako sa noo pagnakikita ko ang mga magulang nilang umiiyak sa mga bangkay nila.

Pa'no pa kaya pag nalaman nilang si Mr. Principal ang gumawa no'n sa mga anak nila. Natatakot akong magsalita baka pag gumawa ako ng aksyon patayin din ako ng Principal.

"Who did this to you my son!" Isa sa mga magulang ang namatayan ng anak na naghihinagpis sa iyak.

Hindi ata uso dito pumunta ang mga pulis upang mag imbestiga sabagay baka pagnalaman ng mga pulis iyon si Mr. Xavalde ay mapapatalsik.

Napapailing nalang ako sa mga nangyayari. Nabuntong hininga ako ng makauwi sa tinutuloyan ko kasama si Alyssa. Kanina pa itong hindi umiimik.

"Alyssa, okay kalang? " Nagtatakang tanong ko dito. Kaagad naman ako nitong tiningnan.

"H-huh?" Nakakunot noong tanong nito. Pinitik ko naman ang noo nito at gamit ang bibig ay tinuro ko ang mukha nito.

"Hmm---Ba't 'yan na nakasimangot ha? May problema ba?" Pagtuturo ko sa mukha nito.

"Wala naman Kayne nalulungkot lang ako sa mga nangyari kanina" Malungkot na sabi nito at napakamot sa batok.

"Hmm tsk, ako nga rin eh hindi ko alam ang magiging reaksyon ko" Nalulungkot na usal ko. Kahit naman ganun ang mga batang 'yon na hindi nakikinig sa mga lesson ko ay estudiyante ko pa rin sila. Kahit gumagamit sila ng pinagbabawal na droga ay hindi dapat nagpadalusdalos si Mr. Principal para patayin sila.

Go to Hell Mr. PrincipalWhere stories live. Discover now