12th Chapter

127 6 0
                                    

Nagising ako sa isang ingay kaagad naman akong bumangon. Nangunot ang noo ko ng makita sila Alyssa na nakasuot na ng damit na panlakad.

"Kayne, buti nagising kana ikaw nalang hinihintay namin. Oh kita mo naman ready na kami. Dali maligo kana, mag a-outing na tayo" Hagikhik na usal ni Alyssa. Napakamot ako sa buhok at tumayo. Pumunta ako sa banyo at pinaliguan ang sarili.

"Oh tapos na, saan naman tayo mag a-outing ha?" Nagtatakang usal ko dito. Ngumiti lang ito at hinatak ako sa sala.

"Girls tara na" Nakakalokang sabi ni Alyssa at hinatak ako sa loob ng silid. "Kayne, magdala ka ng mga damit kasi pupunta tayo sa dagat. Sabado't linggo tayo do'n" Napapailing na sabi nito. Napabuntong hininga naman ako.

"Alyssa naman, ba't ngayon mo lang sinabi na sa dagat tayo pupunta?" Napapailing na tanong ko dito.

Napatampal ito sa noo at umiling. "Basta,mamaya ko nalang sasabihin. Dali na gawin muna" Naiiritang sabi nito. Padabog akong nagtungo sa mga gamit ko at kumuha ng ilang damit.

Lumabas na kami sa may bahay. Nangunot ang noo ko nang makitang may sasakyan na nakaparada sa harap ng nirerentahan namin.

"Ba't may sasakyan dito?" Nagtatakang tanong ko dito kay Queren.

"Ah 'yang sasakyan na 'yan, ang sasakyan natin papunta sa dagat" Hagikhik na usal ni Queren. Nangunot naman ang noo ko.

"Kaninong sasakyan naman niyan?" Pahabol na tanong ko dito. Napasinghap naman ito at tinuro ang nasalikuran ko.

Napatango ako ng makita ang kasama ni Xeline. Siguro ito yung sinasabi niyang jowa niya. Mukhang mayaman naman pala.

"Teka lang guys, may hinihintay pa tayo." Sabi naman ni Yvaine. Sumang-ayon naman ang iba.

Ngunot-noong tumingin ako sakanila."Sino pang hinihintay niyo? Mukhang kumpleto naman tayo" Nagtatakang sabi ko. Napailing naman si Keirra.

"Hinihintay pa namin ang mga jowa namin" Kinikilig na sabi ni Keirra. Napabuntong hininga naman ako.

Napapangiwi nalang ako habang nakatingin sakanila. May kaniya-kaniya silang partner. Maliban nga lang kami ni Alyssa.

Nakasakay na kami sa van at kaniya-kaniya rin silang magkakatabi ng upuan. Napapailing nalang ako sa mga nangyayari. Mas mabuti nalang itong ganito pareho kaming single ni Alyssa. Hindi lang ako nag-iisa.

Napahawak ako sa sintido habang nakatuon ang mga mata sa labas ng bintana. Buong byahe ay tahimik lang ako itong mga kasama ko ay hindi maawat-awat mag-ingay.

Go to Hell Mr. PrincipalWhere stories live. Discover now