19th Chapter

75 2 0
                                    

Nakakuyom ang kamao kong lumapit dito. "Mr. Principal, papatayin mo ba ako ha?"

Hindi ito nagsalita bagkus tumalikod ito at bumalik sa kaniyang sasakyan.

Kaagad ko naman itong pinigilan pero bago ko iyon na gawa. Nakapasok na siya sa loob ng sasakyan niya.

"Principal! Lumabas ka diyan!" Pagalit na sigaw ko dito habang pinupokpok ang bintana ng kotse niya. Nang-usok ang ilong ko sa galit ng dahan-dahan niyang pinatakbo ang sasakyan.

Kaagad naman akong pumunta sa harapan ng kotse nito para mapigilan siya.

"Damn, Ms. Morelos what the hell are you doing?" Pasigaw na sabi nito.

"Hindi ako aalis dito hanggat hindi ka lumalabas diyan!"

Dahan-dahan akong lumapit sa pintuan ng sasakyan niya ng makitang papalabas na ito. Bago ko pa man makalapit dito mabilis na niyang pinaharurot ang sasakyan kaya nagulat ako at natumba.

"Aray!"

Napasinghap ako ng makaramdam ng hapdi sa paa. Napabuntong hininga ako ng makitang may galos doon.

Napaangat ang tingin ko ng makitang nakatayo na ang principal sa harapan ko. Kaagad naman akong umiling at dahan-dahang tinatayo ang sarili. Bago ko pa man magawa iyon napasinghap ako sa gulat ng binuhat ako nito.

"B-bitawan mo 'ko Mr. Zero Xavalde!" Napakagat labi ako ng isigaw ko ang buong pangalan nito.

"What again? Ms. Kayne Morelos?"
Napalunok ako ng marinig ang malamig na boses nito.

"Sabing bitawan mo 'ko hindi kaba nakakaintindi ha?" Naiinis na bulyaw ko dito.

Pero hindi lang ito nakinig bagkus dinala ako nito sa loob ng sasakyan niya. Napapailing na tiningnan ko ito ng isambit niya saakin ang seat belt.

Napatulon laway ako habang pinagmamasdan ang malapitan niyang mukha saakin.

"You are so pretty" Nagsitayuan ang buhok ko sa katawan ng marinig ang sinabi niya.

Kaagad naman akong lumingon sa ibang direksyon. Napabuntong hininga ako ng makaramdam ng lumayo ito sa'kin. Nanglaki ang mga mata ko ng lumingon ako dito. Halos maduling ako sa sobrang lapit ng mukha niya saakin.

Nakaramdam ako ng tuyo sa lalamunan. Nang makita ang kulay berde niyang mga mata sa malapitan.

Kaya kaagad ako pumikit. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata ng makaramdam ng walang galaw mula dito. Bago ko pa man tuloyang mabuksan ang mga ito napasinghap ako sa upuan ng dumapo ang mga labi niya sa mga labi ko.

Nanghina ang mga kamay ko parang nawala ang lakas nito para itulak siya. Napapikit nalang ako at ninamnam ang malambot na labi nito sa labi ko.

Nagsitayuan ang buhok ko sa katawan ng marinig ang tibok ng puso ko.

togodogtogodogtogodogtogodog....

Nagkaroon ako ng lakas para itulak siya. Pero ng itinulak ko na siya napatumba siya saakin habang paring  nakalapat ang mga labi nito saakin.

"Aray!" Kaagad ko naman siyang itinulak ng makaramdam ng sakit sa paa.

Napakagat labi ako ng makita itong nakaibabaw saakin. Habang paring nakatitig saakin.

Napapatulon laway ako sa paraan ng pagtitig nito saakin. Napasinghap ako sa gulat ng lumapit ito saakin at hinalikan ang pisnge ko.

Hinampas ko naman ang dibdib nito." I like your dimple"

Go to Hell Mr. PrincipalWhere stories live. Discover now