6th Chapter

101 6 0
                                    

Napapailing nalang ako sa mga iniisip. Tinuon ko na lang ang sarili sa pag inom ng juice na nabinili namin sa canteen. Nakakabutas talaga ng bulsa ang presyo ng mga bilihin dito. Juice palang ay 20 pesos na isang baso. Mas mabuti nalang kung tubig nalang inumin.

Pero okay na 'to kung ang sweldo naman na aking matatanggap ay malaki. Masasabi ko talaga sa kasama kong si Alyssa ay mas nadaig niya ang kaepalan ni Adhara sakanyang mga da moves.

Kasama pa rin namin si Mr. Quervo. Si Alyssa lang ay abala sa pakikipag kwentuhan dito. Ako naman ay wala sa mood. Ewan ko ba parang nakakawalang gana hindi ako makabili ng madaming pagkain dito. Mangangayayat ata ako dito dahil sa gutom. Napaawang ang bibig ko ng tumunog ang tiyan ko.

"I think Ms. Alyssa, your friend, needs to eat lunch, right? Tara kain tayo" Natatawang anya ni Mr. Quervo.

"Oo nga mukhang kailangan na nating mananghalian" Napapailing na sabi ni Alyssa dito.

Buti nalang ang eskwelahan na ito ay libre ang lunch para sa lahat pero yung mga snacks hindi..

Tulala lang akong kumakain tinitingnan ko lang ang sahig. Wala ako sa mood makipag-usap."Kayneee! Okay kalang? kanina ka pang walang mood. Ano okay kalang ba talaga?" Nag-aalalang anya ni Alyssa.

Ngumiti naman ako tinuloy ang pagkain. Kahit gutom ako at may pagkain sa harapan ay wala pa rin ako sa mood. Dinukot ko nalang ang cellphone ko sa bag at tinawagan si Nanay.

Nakatatlong ring iyon bago may sumagot."Hello?hello Nay" Bati ko agad sa kabilang linya.

"Anak? Kumusta ka diyan?" Bungad agad natanong ni Nanay. Humilig ako ng upo at sinagot siya."Okay naman ako Nay, eh kayo ba ni Tatay? " pabalik na tanong ko.

"Ayos na ayos naman kami ng Tatay mo. Si Adhara pala ay umalis na rin dito sa bahay. Uuwi na raw siya sa Batangas anak" aniya nito sakabilang linya.

Napabuntong hininga ako"A-ahh ganun ba Nay, kung ganun mapayapa na diyan wala ng magulo" Natatawang anya ko dito.

Ilang minuto rin kaming nag-usap ni Nanay tungkol sa mga bagay. Hindi ko namalayan tumunog na ang bell ring ng buong campus hudyat ng magsisimula na ang klase. Kaagad ko namang inubos ang pagkain sa plato.

Pumunta ako sa cr at inayos ang sarili sa salamin.

"Bagong teacher kalang dito diba?Nakita kita kanina sa meeting. Ako nga pala si Ezel matagal na akong teacher dito. Nice to meet you M-ms. Morelos" Pautal na sabi ng tingnan niya ang uniporme kong kasusuot ko palang kanina sa Cr. bigay ito saakin ni Alyssa.

Napangiti naman ako at tinanggap ang inilahad nitong kamay saakin. "Nice to meet you too Ma'am Ezel" Malumanay na sabi ko at nginitian siya.

Go to Hell Mr. PrincipalWhere stories live. Discover now