24th Chapter

83 2 1
                                    

Mabigat ang aking paghinga dahil sa panyong nakatakip sa aking mukha. Halos gusto ko nang ilabas ang aking buong lakas para sa ganitong bangungot.

Napahawak ako sa noo nang makaramdam ng sakit ng ulo. Hindi ko nalang namalayang nakahiga ako sa sahig. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid. Doon umarko sa aking mata ang kabuoan kung nasan ako.

Nandito parin ako sa banyo. Kaagad naman akong tumayo at tiningnan. Halos gusto ko nang tumakbo at gusto ko nang pukpukin ang sarili dahil hindi ko maalala ang kung ano nga ba talaga ang nangyari saakin.

Hinawakan ko ang aking mukha nilibot ko ang paningin kung may tao. At kung may panyo ba. Pero halos lumuwa na aking dila sa bibig bakit ako nakatulog sa banyo? panaginip lang ba 'yon? O, hindi?

Tiningnan ko naman kaagad ang oras sa aking cellphone. Mas mabilis pa sa alas kuwatro akong napatungo sa aking silid ng nakita ang oras. Isang oras akong nakatulog sa banyo? Ni wala lang nakapansin sa akin doon?

Ni hindi ko na alam ang mga nangyayari. Napangiti nalang ako habang nakikipagtitigan sa aking nga estudyante. Kitang-kita sakanilang mukha ang pagtataka pero hindi ko nalang iyon pinansin.

Umabot hanaggang maghapon pupunta na sana ako kay coach Aeron. Pero Bago ko pa man hinakbang ang aking mga paa. Sumagi saakin isipan ang mapang-asar niyang  ngisi at nakakainis niyang ginawa saakin. Ganoon pala kasama ang ugali niya. Ganoon nalang ba katindi ang galit niya saakin at nagagawa niyang makipag plastic-an saakin katapos ipapahamak niya pa ako.

Napabuga nalang ako nang mas malalim na hangin ng makarating sa swimming pool. Napaatras ako nang dumapo ang aking mga mata sa tubig ng pool. Nanginginig na napaatras ako at tumakbo pabalik. Parang hindi ko kayang makita ang tubig doon.

Mula sa araw na iyon tinitiis ko nalang ang pakikitungo ko sa Coach Aeron na iyon. Kahit tingin niya saakin ay masama at tingin ko sakanya masama rin.

Umiiwas nalang ako pag lumalapit siya. Sinasakyan ko nalang ang trip niya pagkaharap ang iba pang mga guro. Pasalamat siyang hindi ko siya sinumbong. Dahil alam ko kung ano ang mangyayari pag malaman ng principal yun baka hindi matuloy ang event na 'to. Kaya mas pinili ko nalang maging tahimik.

Last day na itong pag e-ensayo ng mga  lalahok. Bali ngayong araw na mismo aalis ang principal. Napapaisip pa rin ako kung saan pupunta ang principal. Gaano siya katagal mawawala?

Napapailing nalang ako sa iniisip. Bakit ako may pake?

Napabuntong hininga nalang ako habang naglalakad papuntang opisina ng principal. Last day ko naring maghahatid ng kape para sakaniya.

Napalunok ako bago pihitin ang pinto papasok. Nasanay naman ang principal sa pagpunta ko sakaniya ng maaga. Kaya hindi ko na kailangang kumatok pa.

"Ito na ang kape mo" Kaagad-agad na sabi ko dito. Tumango naman ito. At hindi na nag atubiling mag-angat ng tingin saakin. Habang abala ito sa sinusulat.

Napangiti nalang ako kahit paano ilang araw na ring wala kaming pag-uusap ng principal. Ay sigurong busy lang talaga. Mas mabuti nga 'yon para walang iniisip na kung anong inis para sakanya.

"Ms. Morelos" Napaangat naman agad ako ng tingin nang tawagin ako nito.

"B-bakit?" Ngunot noong tanong ko dito.

"Still remembering my rules? Seryosong nakatingin ito saakin.

"R-rules? Again? palagi mo ngayan sinasabi saakin diba? Ni hindi ko pa nga alam yung iba mo pang rules. Ang alam ko lang bawal malate" Natatawang aniya ko dito. Sa mga araw na nagkakasama kami ng principal ay kahit papano unti-unti ko na siyang nababasa.

Go to Hell Mr. PrincipalWhere stories live. Discover now