3rd Chapter

130 8 0
                                    

Lumipas ang tatlong araw na hindi ko nakikita si Kharlex. Hindi sa ayaw ko siyang makita kundi hindi pa ako handang makipagkita sakanya. Dahil sa ginawa kong iyon. Nakahiga lang ako sa kwarto ng tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko naman iyon at sinagot.

"Hello?" Anya ko sa kabilang linya. Nakarinig ako ng dalawang beses na buntong hininga. Tiningnan ko ang pangalan ng caller si Alyssa pala.

"Oh Alyssa, kumusta?" Pangangamusta ko kay Alyssa sa kabilang linya.

"Ano ka ba Kayne katulad pa rin ng dati okay na okay. Pero sa ngayon mas okay dahil pareho tayong nakapasa" Hagikhik nito at kinikilig pa.

"Pero alam mo ba Kayne, tutal new teacher tayo sa Vallejo Vilde Univ tayo magtuturo" Seryosong anya nito. Kinabahan ako sa tono ng pananalita nito.

"Uyy Alyssa eh ano naman kung diyaan tayo magtuturo?Anong problema ha?" Kunot noong tanong ko sa kabilang linya.

"Wala namang problema kasi mas maganda nga dun eh goshhh beh maganda dun malaki sweldo" Napangiti naman ako tumikhim.

"Talaga ba Alyssa? Eh kung ganun ayos na ayos. Kailan tayo niyan magsisimula?" tanong ko dito. Napangiti naman ako dahil sa susunod na linggo na daw kaagad magsisimula. Ang bilis dahil kailangan na daw nila.

Binaba ko na ang cellphone ko at pumikit. Nakatulog ako nagising naman ako sa kalagitnaan ng gabi.

May narinig ako ng parang may bumubulong bulong nagsitayuan naman kaagad ang buhok ko sa katawan. Baka may kawatan sa bahay namin kumuha naman kaagad ako ng pares ng tsinelas. Panghampas sana kung sakali.

Mas nangunot ang noo ko ng marinig ang mga halinghing at mga tawa. Bubuksan ko sana ang ilaw ng mapagtangto kong sila Nanay at Tatay pala ay naglalambingan sa kusina sa des oras ng gabi. Haysss akala ko pa naman kung ano na.

Dahan-dahan akong naglakad paatras para hindi nila malaman. Nakahinga ako ng maluwag ng makarating ako sa kwarto ng mabuti. Sila Nanay at Tatay talaga sa kusina pa gumagawa ng milagro. Hayssss.

Humiga nalang ulit ako sa kama at pumikit. Pero halos ilang minuto na ang lumilipas hindi pa rin ako makatulog. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog. Tumunog ang cellphone ko kinuha ko naman iyon at tiningnan ng laki ang aking mga mata ng makita ang mga mensaheng galing kay Kharlex.

Messages..

'Hey Kayne, I will never stop liking you'

'Kayne talk to me'

'I came back because of you'

'Talk to me Please...'

Napalunok nalang ako ng mabasa ang mga mensahe nito na nais iparating saakin. I'm sorry Kharlex hindi pa ako ready na makipagkita. Dahil hindi ko alam ang mga panggagalingan ng mga sasabihin ko sa'yo kung sakali.

Go to Hell Mr. PrincipalWhere stories live. Discover now