17th Chapter

112 1 0
                                    

Napasabunot ako sa buhok ng nagising ako ng alas-otso na ng umaga. Patay late na 'ko! Kaagad-agad naman akong nag punta sa banyo para maligo.

Napahikab ako ng bumaba ako sa jeep na aming sinakyan ni Alyssa.

"Kayne, okay ka lang? Mukhang naparami ah!" Natatawang aniya ni Alyssa saakin.

Sumimangotan ko naman ito "Kasalanan niyo ito! Kung hindi niyo lang ako niyaya sana okay pa ako"

"Pinilit kaba na'min na uminom?Diba kumusa ka? O, sino ang may kasalanan? Walang iba kung 'di ikaw pa din haha" Natatawang sabi nito.

"Sana kasi hindi nalang tayo nanood eh"

Pinitikan naman ako nito sa noo " Kayne, wala na tayong magagawa natapos na e. Pumasok na tayo, patay late na!"

Nangunot ang noo ko ng makitang alas-nuebe na ng umaga. Nagkatinginan naman kami ni Alyssa at tumango at dali-dali kaming tumakbo papunta sa gate ng Univ.

Hingal na hingal kaming nakapunta sa harapan ng gate. Napatampal nalang ako sa noo ng makitang nakikipag-usap itong si Alyssa sa bodyguard. Napapailing nalang akong lumayo sa kanila at pumunta sa aking classroom. Habang dinadaanan ko ang bawat pasilyo patungo sa aking silid.

Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa ganda ng Univ na'to. Isang linggo na din akong nagtuturo dito pero ngayon lang akong nakapansing maganda nga talaga ang univ ng Principal.

Napabuntong hininga ako ng makapansing may mga kakarapot na mga estudyante ang nag ku-kumpolan sa daanan.

Nangunot naman ang noo ko at pinuntahan sila. Napakagat labi ako ng makitang si Mr.Principal ang kanilang tinitingnan na kasalukuyang nakikipag-usap sa isang bisita.

Inayos ko ang aking sarili at binulongan ang isang estudyante na naroon. Umayos naman ito at tinuro ang kaniyang mga kasama para tumabi sa daanan.

Kaagad naman silang tumakbo pa palayo ng makita ako. Napapailing na naglakad ako patungo sa aking silid. Bago ko pa man pihitin ang pinto nakarinig ako ng tunog ng sapatos papunta sa aking gawi.

"Ms. Morelos" Nanigas ako sa aking pwesto ng marinig ang tinig na 'yon. Napapalunok na humarap ako dito. Napakapit ako sa suot kung skirt ng yumuko ito at tiningnan ako ng masinsinan.

Iniwas ko naman aking ulo para hindi ko ito matitigan."M-mr. Principal ano pong ginagawa niyo?" Nanghihina na usal ko dito.

Nilingon ko ulit ito ng makarinig ng tunog ng sapatos. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang matuwid na itong nakatayo. Tiningnan ko ang paligid, nasan na kaya ang bisita ng principal?

"He left, what took you so long? And why are you late?" Ma-awtoridad na usal nito habang nakapamulsa. Nababasa na niya ba ang mga iniisip ko?Ba't na sagot niya? Napapailing nalang ako sa iniisip.

Napalunok naman ako ng dumapo ang mga mata ko sakanya.

"Hwahhh" Napatakip agad ako sa bibig ng mapahikab ako sa harapan ng Principal. Nanglaki ang mga mata kong tumingin sakanya. Mariin lang itong nakatitig saakin.

"What did you do last night? you look sleepy as hell" Napatulon laway ako ng ma-awtoridad itong nagsalita.

"Ahhh! tsk, Ahhh! ano--" Mas lalong nanglaki ang mga mata ko ng kusang dumapo ito sa adams apple ng Principal at nakitang gumagalaw iyon.

Go to Hell Mr. PrincipalWhere stories live. Discover now