26th Chapter

66 1 0
                                    

Kasalukuyang nakasakay ako sa kotse ni Kharlex. Napapahimas nalang ako sa ulo sa mga nangyari. Nahihiyang tinapunan ko ito ng tingin.

Tahimik lang ako nakamasid sa bintana ng sasakyan. Ni hindi ko nga kayang tingnan siya ng matagalan. Lalo na yung mga panahong iniiwasan ko siyang makita. At ngayon utang ko pa ang buhay ko sakaniya.

"Kayne are you really okay?" Napalunok ako at tumingin sakaniya. Ni hindi ko magawang magsalita. Tumango nalang ako bilang tugon.

"Diyaan nalang ako" Mahinang sabi ko dito habang tinuturo ang bahay na aking nirerentahan.

Huminto naman ang kotse nito. Naunang lumabas ito sa kotse at lumapit ito sa pintuan kung nasan ako at binuksan iyon.

Ngumiti nalang ako bilang tugon. At pinagpatuloy ang pagtungo sa bahay.

"Kayne" Mahinahong sambit nito. Nilingon ko naman ito ng may pangungusap na mga mata.

"Nice to meet you again"  Nakangiting sabi nito. Ngumiti na rin lang ako kahit may pag-aalinlangan.

Pumasok ako sa pinto na hindi lumilingon sa aking likuran. Baka pag magawa ko iyon. Hindi pwede..

Napapailing nalang ako sa iniisip ng makarating ako sa loob ng bahay. Nanghihina pa rin ang mga tuhod ko sa mga nangyari kanina.

Napabuntong hininga nalang ako ng lumapit saakin si Yvaine.

"Kayne okay ka lang?" Nag-aalalang tanong nito. Tumango lang ako at tinapik siya sa braso.

"Umupo ka nga dito" Tinuro nito sa couch kung saan naka-upo siya. Hindi naman ako nag-alangang lumapit sa kaniya.

"Anong nangyari ba't umuwi kang mag-isa nasaan si Alyssa?" Nag-aalalang usal nito. Napatayo naman ako sa kinauupuan at nagmadaling lumabas ng bahay.

"Uy, Kayne saan ka pupunta ha?" Sigaw na sabi nito.

"Pupuntahan ko si Alyssa" Sabi ko kaagad dito at dali-daling naglakad.

Pero bago ko pa man iyon nagawa may humawak sa kamay ko. "Pwede ba Yvaine hayaan muna akong puntahan si Alyssa" Mangiyak-ngiyak na sabi ko dito.

Hindi ko na mapigilan ang mga luha kong hindi nag paawat na lumabas.  "Kayne naman" Napalunok nalang ako ng lumapit saakin si Yvaine at niyakap ako.

"Kayne pupuntahan natin si Alyssa ng tayong dalawa. Kaya kung maari sabihin mo saakin kung ano ang nangyari please" Nangungusap na sabi nito.

Tumango nalang ako at pumasok ulit sa loob ng bahay. Umupo ako sa couch at nakipagsabayang makipagtitigan kay Yvaine.

"Kukuha lang ako ng tubig" Sabi nito 'tsakang tumayo at nagpunta sa kusina.

Huminga ako ng malalim at tiningnan siya. Mga ilang minuto bumalik ito na may dalang tubig. Kinuha ko naman iyon at ininom.

"Ngayon Kayne sabihin mo saakin ano nga ba talaga ang nangyari?"

Napalunok ako at tiningnan siya ng masinsinan." E, kasi Yvaine umuwi ako dahil hindi ko kayang makipag plastic-an sa Aeron na 'yon. T-tapos habang naglalakad ako pauwi hindi ko nalang namalayang may tatlong tambay na humahabol saakin. T-tapos b-buti nalang dumating si K-kharlex tinulongan niya ako. Hindi ko alam nawala sa isip ko si Alyssa k-kaya naiwan ko siya doon" Mangiyak-ngiyak na sabi ko dito.

Hinagod naman niya kaagad ang likod ko upang huminahon ako."Mga walang hiya sila. Halika pupuntahan natin si Alyssa baka napahamak rin iyon" Sabi nito at naunang naglakad palabas. Hinabol ko naman ito nang lakad.

Je hebt het einde van de gepubliceerde delen bereikt.

⏰ Laatst bijgewerkt: May 06 ⏰

Voeg dit verhaal toe aan je bibliotheek om op de hoogte gebracht te worden van nieuwe delen!

Go to Hell Mr. PrincipalWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu