14th Chapter

126 2 4
                                    

Hinawakan ko ang mga bulaklak at inamoy-amoy iyon. Sobrang nakakagaan talaga sa pakiramdam ang mabangong amoy nila. Kung pumitas kaya ako?

Wala naman makakakita tutal umalis naman ang Principal na iyon. Pumitas ako ng isang rosas at inipit ko iyon sa aking tainga. Nakangiti akong naglakad-lakad sa paligid. Hindi naman madilim sa buong paligid kahit alas dos palang ng umaga. Dahil madaming rin mga ilaw na nakapalibot sa mga tanim. Sobrang ganda!

Habang nakatingin ako sa paligid. Bigla nalang ako napatid at nabunggo sa kung saang matigas. Dahan-dahan akong napaangat ng tingin.

"Mr. P-principal!" Napahiyaw na bulyaw ko at lumayo sakaniya pero bago ako makalayo ay muntik na akong matumba. Napapikit naman ako sa kaba. Dahan-dahan kong dinilat ang talukap ng mga mata ko at tiningnan iyon. Nanigas ako sa pwesto nang may dumadaloy na kuryente sa katawan ko. Naningkit ang mga mata kong tumingin kay Mr. Principal.

Taimtim lang iyon nanakangisi. Nanglaki ang mga mata ko ng malamang bakit ito nakangisi. Ang isa niya palang kamay ay nakahawak sa pang-upo ko.

Kaagad ko namang hinampas ang kamay niyang iyon. Napasinghap ako ng mawalan ng balanse natumba kami sa sahig. Nanglaki ang mga mata ko habang nakatingin sa mukha niya.

Kaagad ko naman siyang tinulak. "Bastos!" Hindi ko napigilan ang sariling hindi magreact. Oo sinampal ko siya noon pero ngayon sumusobra na talaga siya. Nakakainis!

"What?"

"A-anong what ha Mr. Principal? Bastos!" Pasigaw na bulyaw ko dito at dali-daling umalis. Bago ako maka-alis ay may humawak sa kamay ko. Nilingon ko iyon.

"B-bitawan mo ko" Nauutal na aniya ko dito. Hindi ko na mapigil ang inis ko.

"O-okay relax I'm sorry I didn't mean to do that"

Hindi ako nagsalita at tinitigan siya. Bumitaw naman ito sa paghawak sa kamay ko at pamulsang lumayo.

Pumasok ito sa bahay bago ito tuluyang makapasok lumingon ito saakin. "Come inside" Kalmadong usal nito at pumasok.

Napapailing na naglakad ako papunta palabas ng gate. Ayoko pumasok aalis nalang ako.

"Come inside or come inside Ms. Morelos?" Nanigas ako sa paglalakad ng ma-awtoridad itong nagsalita.

Napalingon naman ako dito at tumingin sa mga mata niya. Napakagat labi ako ng makitang parang galit iyon. Parang natatakot akong magalit ito saakin.

Naglakad nalang ako papunta sa gawi niya. Ngumisi naman iyon. Naningkit ang mga mata ko sa inasal niya. Ba't siya ngumiti?

"Ano namang gagawin ko naman dito ha Mr. Principal?" Napakagat labi ako ng walang prenong sinabi ko iyon sakanya. Parang wala na akong pakealam sasabihin ko sakanya. Pero nakakatakot siya magalit.

"I have something to give you"

"Huh? ano 'yon? Hmm---Mr. Principal"

Nanigas ako sa kinatatayuan ng lumapit ito saakin. Kaagad naman akong umatras. Pero hindi pa din itong tumitigil.

"M-mr. Xavalde" Nauutal na tawag ko dito.

Napailing ako ng pumunta ito sa likuran ko. Napakagat labi ako ng may nilagay siya sa leeg ko.

"Is this yours?" Kalmadong tanong nito.

Go to Hell Mr. PrincipalWhere stories live. Discover now