7th Chapter

104 6 0
                                    

Nanonood ng TV ang mga naka roommate ko sa dorm. Sobrang iingay kasama na doon si Alyssa. Pero kahit ganun pa man ay mukhang masasaya sila.

"Kaynee! Halika dali upo ka dito" Pagtuturo ni Alyssa sa katabi niyang upuan. Tumango nalamang ako at dinala ang malaking unan sa pwesto.

"Guy's si Kayne pala, Kayne si Yvaine, Keirra, Queren at Xeline" Pagpapakilala saakin ni Alyssa sa mga kaibigan niya. Akala ko pa naman wala siyang kakilala dito.

Ngumiti ako at kinamayan sila. "Hi, Yvaine, Keirra, Queren at Xeline" Ngumiti rin naman sila. "Hi sayo Kayne, ang cute naman ng dimples mo" Pabirong sabi ng Queren at pinisil ako.

Napapailing nalang ako dahil sa hiya."Teacher ka rin? Katulad ni Alyssa?" Tanong saakin naman ni Yvaine. "Ah oo eh, pareho kami ng Univ na pag tuturuan eh. Kayo ba anong mga trabaho niyo?" Sabi ko naman sakanila.

Nakita kong nagtaas ng kamay ang Xeline sa tanong ko. "Hi Kayne, ang trabaho ko ay isang waiter sa may kainan doon. Nagpapart time job lang ako dito kasi nag-aaral palang ako. Taking law" Pabulong sinambit nito ang salitang law.

Napapatango nalang ako sa mga sinabi nito. "Alam niyo kahit mahirap ang law napapagsabay ko ang aking trabaho biruin niyo ah "Napapailing nalang nasambit nito. Ang sipag naman ni Xeline.

"Ako naman, nag-aaral rin ako nursing. Sa ngayon wala akong part time job maghahanap palang ako." Sabi naman ni Yvaine. .

"Ako naman Kayne, nag-aaral rin ako ng law kasama ko si Xeline. Sambit naman ni Queren

Napatingin naman ako kay Keirra na abala kakapindot sa cellphone. "Oy ikaw naman Keirra" Pagkukuha ng atensyon ni Queren kay Keirra.

Tumingin naman ito at ngumiti. "I'm sorry, ang job ko ay isang call center agent. Kaya medyo lutang ako puyat eh" Sabi naman ni Keirra.

Napapatango nalang ako sakanila. Karamihan sakanila ay estudyante din. Nakakatuwa naman na makakasama ko sila dito. Nanood lang kami ng telenovela sa TV.

At nang makaramdam ng antok ay pumunta na kami sa kanya-kanyang kuwarto namin. Nagising ako sa malakas na katok kaagad naman akong bumangon. "Oy, Alyssa gising" Pagyuyugyog ko sa braso ni Alyssa para magising. Pero wala lang ito pakealam, wala na akong magagawa kundi buksan ang pinto.

Nanigas ako sa kinatatayuan ng buksan ko ang pinto at ng makitang nandito si Mr. Principal sa harapan ko.

"M-mr. Principal, ano pong ginagawa niyo dito?" Nauutal na aniya ko dito. Wala lang itong emosyon habang nakatingin ng marahang saakin.

Go to Hell Mr. PrincipalWhere stories live. Discover now