13th Chapter

87 4 0
                                    

Napapakagat labi nalang ako habang sumasagi sa isip ko ang mga nangyari kanina kasama si Mr. Principal.

Tulala ako ngayon habang itong mga kasama ko ay abala sa kani-kanilang mga ginagawa sa iniihaw na marshmallows 'tsaka chicken wings sa ginawa naming bonfire.

Habang ako ay tulalang nagsusulat sa buhangin ng kung ano-ano. Napahawak ako sa leeg ko. Nangunot ang noo ko ng hindi makapa ang kwintas na nasa leeg ko. Nasan na iyon? Patay! Bigay pa naman iyon ni Nanay. Kailangan mahanap ko iyon. Baka na sa bag ko lang mamaya ko nalang hahanapin.

Napabuntong hininga ako ng may tumabi saakin. Nilingon ko 'yon si Alyssa pala.

"Kayne, anong ginagawa mo diyan ha?" Napapailing na tanong nito.

"H-huh? Ahmm wala naman" Sabi ko dito at binitawan ang stick at humarap sakanya.

"Oh, mag-ihaw kana do'n ng ito oh" Sabi nito at binigay saakin ang marsmallow at 'tsaka isang chicken wing.

Pumunta naman ako at inihaw ang mga binigay nitong si Alyssa. Napapangiwi nalang ako habang nakatingin sa mga kasama kong may kaniya-kaniyang boyfriends.

"Uy Kayne, hindi pa pala sila nagpapakilala sa'yo" Tawag saakin ni Queren.

Tumango lang ako at tinuon ang mata sa kanila. "Hi Kayne, I'm Kobe" Pakilala nitong boyfriend ni Queren. Tipid lang akong ngumiti.

"Hi Kayne, Owen" Sabi nito habang ang isang kamay nilagay niya sa kaniyang sintido at inangat iyon. Katabi nito si Keirra at ito ang kaniyang boyfriend.

Napapatango nalang ako habang nagpapakilala sila isa-isa.

"I'm Ken, Hi Kayne" Pagpapakilala naman ng boyfriend nitong si Yvaine.

"Ahm Kayne ito naman ang sinasabi ko sa'yo si Sandrie" Pabulong na sabi ni Xeline saakin. "Hi" Ngiting sabi naman nito.

"Hi sainyo" Masayang bati ko sakanila. Tumango naman sila at tinuon ang atensyon sakanilang girlfriend.

Napabuga ako ng malalim na hininga ng dumapo ang mga mata ko sa kubo. Nangunot ang noo ko ng makitang si Mr. Principal ay nakatingin sa amin.

Napakagat labi ako ng dumapo ang mga tingin nito sa mga mata ko. Kaagad naman ako tumaliwa at nilibot ang mga mata sa dagat.

"Kayne, Okay ka kang?" Tipid akong ngumiti ng magtanong itong si Alyssa.

Napapailing nalang ako sa mga nangyayari. Sobrang iingay ng mga kasama ko. Sumasakay nalang ako sa mga trip nila.

"Guy's maglaro tayo hehe" Hagikhik na usal ni Xeline.

"Ano namang laro 'yan ha?' Takang tanong ni Queren.

"Ano habol-habolan. Kasama boyfriends natin" Hagikhik na sabi nito. Dumapo naman ang tingin ko kay Alyssa. Sabay naman kaming napangiwi.

Go to Hell Mr. PrincipalWhere stories live. Discover now