22nd Chapter

35 1 0
                                    

Napahawak ako sa dibdib sa gulat nang may estudyanteng tumakbo at tinawag ako.

"Excuse me ma'am, teachers allowed to go the office of our Mr. Principal. He will announce about the meeting"

Tumango nalang ako at napaisip tungkol sa aanunsyuhin ng principal. Tinapik ko ang braso ng isang guro para puntahan namin ang building na kung saan gaganapin ang meeting.

"Ms. Morelos I have a one question for you?" Napatigil ako sa paglalakad nang nagsalita si Ms. Cavalcante sa likuran ko.

"Question?" Nagtataka kong tanong dito.

"H-hmm HAHA, Ms. Morelos anong meron sainyo ng principal?" Natatawang bulong ni Ms. Cavalcante saakin.

Napakamot naman ako sa batok ng marinig ang tanong nito saakin "Meron? ay naku po ma'am wala po  kaming ginagawa?" Nahihiyang sambit ko dito.

"Don't be practical Ms. Morelos. I notices that you and Mr. Xavalde. May something fishy e. Meron ba?" Kinikilig na usal nito.

"Ay naku ma'am mali ang iniisip mo" Natatawang aniya ko dito.

"Kayne!" Napatigil ako sa pagsasalita ng marinig ang boses na iyon.

"Kayne, teka lang hintayin mo ako. Sabay na tayo" Hinihingal na sabi ni Alyssa habang tumatakbo papunta saaking gawi.

Hinintay ko naman ito at nag sabay na kaming nagpunta sa building na kung saan magaganap ang pagtitipon.

Nakahinga ako ng maluwag nang makitang hindi pa nagsisimula at wala pa ang principal. Ito ang una na
aking ginawa na hindi nahuhuli sa mga nagyayari. Hindi ko nalang namalayang tipid akong ngumiti.

Inayos ko ang suot kong damit at tiningnan ang pintong pinasukan ng principal. Napakapit ako sa suot kong skirt nang dumapo ang mata nito saakin.

"Morning everyone, I sent you all here because I have something important to announce. This is about the event that will be held here at the Univ. This event is about the activities for our students. The activity is about sports. It's either basketball swimming or etc. Remember these! Before I leave, the rules I made, don't try to break that. Is it okay?"

"Leave? Where you gonna go?"  Nagtataka kong tanong dito.

"Some important matter Ms. Morelos. That's why I sent you here so that you can take care of the university when I leave" Kalmadong sambit nito.

Tumango nalang ako at naiintindihan ko naman ang gusto niyang iparating.
Natahimik kaming lahat at seryosong nakinig sa anunsyo ng principal.

Napabuntong hininga ako ng matapos ang meeting. Sa susunod na linggo na ang event na mangyayari. Kaya ngayong linggo magiging abala na ako sa paghahanda tungkol dito.

"Kayne, tara sabay na tayong umuwi" Sambit ni Alyssa saakin.

Tumango nalang ako dito at sinundan ito. Mukhang nawalan ako nang gana o, baka nagugutom lang ako. "Alyssa kumain kaya muna tayo sa labas?" Sabi ko dito.

"Talaga?Sige basta libre" Natatawang bulyaw nito. Tumango nalang ako dito at nagsimula nang maglakad papunta sa isang kainan.

"O, Kayne pagkatapos nito samahan mo ako sa bookstore ha, may bibilhin lang ako" Sambit ni Alyssa habang may sinusubo.

"O, sige ba basta ilibre muna din ako ng libro" Natatawang bulyaw ko dito. Nangunot naman ang noo nito at tiningnan ako ng masama.

Tinaasan ko ito ng kilay. Wala na itong nagawa kung 'di sumang-ayon. Natatawang binalingan ko ito habang naglalakad kami pauwi.

Go to Hell Mr. PrincipalWhere stories live. Discover now