15th Chapter

104 2 2
                                    

Nananaginip ba ako? Kinusot-kusot ko nalang ang mga mata ko at umupo ng tuwid. Nilingon ko naman ang taong nagbigay ng panyo.

Napalunok ako ng malamang isa 'to sa mga kaibigan ng Principal na 'yon. Si Uno.

Nakaharap parin siya sa'kin habang binibigay ang panyo. Ngumiti nalang ako at nahihiyang tinanggap iyon.

"Ikaw yung isa sa babae na lumapit sa'min kanina right?"

Pinunasan ko ang mukha ko at tiningnan siya. Tumango naman ako dito.

"Bakit mag-isa kalang dito?Why are you so lonely? Someone's hurt you? It's either a guy right? HAHA." Natatawang sabi nito. Nangunot naman ang noo ko sa tinuran nito. Hindi niya alam na 'yang kaibigan niya ang dahilan ng ito.

"Sounds sarcastic Uno" Nanigas ako kinauupuan ng marinig ang boses na iyon.

Dahan-dahan ko iyon nilingon. Napapailing na tumingin ako sa mga mata niya pero hindi ko masyado malaman kung ano ang gusto niyang iparating dahil malamig lang itong nakatitig kay Uno.

"O-dudes kanina pa kita hinahanap. Nakita kasi kita kanina. Where's Xcrena? Diba kasama mo lang siya dito?Tumakbo nga kayo eh"

Napakagat labi ako ng maintindihan ang mga sinabi ng lalaking ito. Akala niya kasama ng principal kanina si Xcrena pero ang totoo. Ako talaga iyon.

"Don't mind me Uno and why are you still here?"

Ma-awtoridad na sabi nito habang nakatingin saakin na walang emosyon.

Napakagat labi ako at yumuko. "Babalik na 'ko" Nanghihinang sabi ko at naglakad papalayo.

Halos mapunit ko na ang kumot na nakabalot saakin nang makabalik ako sa kinahihigaan ko sa tent. Hindi pa rin mawala saakin ang mga nangyari.Napahawak ako sa leeg at kinapa ang kwintas nabinigay saakin ni Nanay.

Napangiti ako ng maibalik iyon. Pero naiinis pa rin ako kay Mr. Principal sa ginawa niyang 'yon. Kung tutuusin ang dami na niyang kasalanan.

Ayoko na, masiyadong nakakapagod magturo dito sa Univ na 'to. Lalo na kung mismong principal mahirap pakisamahan.

Napapailing nalang ako sa mga nangyari. Hinawakan ko ang mga mata ko at pinunasan ang mga luhang inilabas doon. Pinakinggan ko ang tunog sa paligid. Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ang malakas na hangin na sumasampang sa tubig-dagat.

Pinikit ko ang aking mga mata at nagpalamon sa antok. Nagising ako sa ingay sa paligid.

"Woohh! Ipasa mo ang bola Queren, Yeh"

Napakamot nalang ako sa buhok ng makitang naglalaro ang mga kasama ko ng volleyball. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan kung among oras na. Napatampal nalang ako sa noo ng makitang alas-siete na ng umaga.

Lumabas na ako sa tent at pinagmasdan sila habang masayang naglalaro.

"Uy, Kayne! Sali ka sa'min" Napalingon ako sa boses na 'yon. Napangiti ako ng makitang si Alyssa 'yon.

Kumaway lang ako na sila nalang. Masiyadong napagod ako kagabi sa mga ginawa ko. Nakakapeste!

Napailing nalang ako sa mga iniisip. Pumunta nalang ako sa pwesto ng mga pagkain at nilantakan iyon. Sobrang nagutom ako parang ilang taon akong hindi kumain.

Go to Hell Mr. PrincipalWhere stories live. Discover now