9th Chapter

107 5 0
                                    

Naninigas pa rin ako sa kinauupuan dahil sa halik na iyon. Napatingin nalang ako sa may bintana nahihiya akong tumingin sa gawi ng Principal.

Nakaramdam ako ng antok kaya dahan-dahan kong pinikit ang talukap ng mga mata ko. Napahikab ako atsaka tuluyang nilamon ng antok.

Nagising ako sa sikat ng araw na sumasagi sa buong mukha ko. Humikab ulit ako at umupo sa kinahihigaan habang nakapikit pa rin. Dahil pa din sa labis na antok.

Napakamot ako sa buhok at hinawakan ang mukha ko. Akmang tatayo na ako ng makaramdam ako ng hilo. Kaya napahiga ulit ako sa kinahihigaan. Napasubunot ako sa buhok at dahan-dahang kinusot ang mga mata ko at tuluyang bumukas iyon.

Napasinghap ako sa gulat ng makita kung nasaan ako. Saang bahay ito? Napapailing ako sa mga iniisip. Tumayo ako at umalis sa kama.

Napasabunot nanaman ako sa sariling buhok ng maalala ang mga nangyari kagabi. Haysss naman!

Eh kung ganun nga nasa bahay ako ng Principal?

Napatampal ako sa noo ng marealize na nasa bahay ako ng Principal. Nilibot ko ang paningin sa kabuuang kuwarto. Napapanganga nalang ako dahil sa itsura ng kuwarto na ito. Madilim sa paligid mismong sikat ng araw lang ang nagbibigay ng liwanag sa kabuuan ng silid.

Dahan-dahan akong naglakad papalayo sa kuwarto. Akmang lalabas na ako ng kuwarto ng may nagsalita sa likuran ko.

"Where are you going? Ms. Morelos" Napapitlag ako sa paglalakad ng marinig ang boses na iyon.

Dahan-dahan ko iyon nilingon. Napangiti nalang ako dahil sa hiya.
Napakamot ako sa pisngi at tiningnan siya uli. Wala pa rin siyang emosyon kahit anong makikita sa mukha nito.

Anong klaseng taong ito?

Napapailing nalang ako sa mga iniisip.

"Eat first and take a shower before you leave" Kalmadong sabi nito. At pumunta sa may upuan katabi ng lamesa. Siguro nandun siya kanina kaya hindi ko napansin kasi mas madilim ang pwesto do'n .

Napakagat labi nalang ako ng maalala ang ginawa ko sa kama niya kanina. Nakita niya kaya iyon? Haysss naman

"There are clothes in the cabinet. If you need anything, just call me" Sabi nito at pamulsang tumayo. Pumunta ito sa gawi ko at masinsinang tinitigan ako.

"Just fix your hair" Paos na boses ang narinig ko. Namula naman ang magkabilaang pisngi ko dahil sa hiya. Tiningnan ko nalamang siyang umalis at binuksan ang pinto. Napahawak ako sa buhok kong nagsasabong.

Napailing nalang ako at pumunta sa lagayan ng mga damit. Napapakagat labi nalang ako dahil panlalaki lahat ng mga damit. Kumuha nalang ako ng klaseng damit at pumunta sa may banyo. At tuluyang pinaliguan ang sarili.

Pumunta ako sa may salamin at inayos ang buhok. Hinawi ko ang buhok ko at pinapatuyo ito. Napapaisip pa rin ako bakit kaya ako dinala ng Principal dito sa bahay niya?

At bakit niya ako pinasakay sa kotse?At hinalikan?Afgg

Napapailing nalang ako sa mga iniisip. Pagkatapos ng pagpapatuyo sa buhok ko ay lumabas na ako sa kuwarto at nagtungo sa kusina.

Napakagat labi ako ng makitang nagluluto ng almusal si Mr. Principal.Nakasuot na ito ng pormal na damit. Siguro kaliligo lang niya.

"Eat this" Kalmadong sabi nito at nilapag ang niluto nitong bacon kasama na ang itlog at sausage.

Napaawang ang bibig ko ng makita ang sausage. Ang laki pala nito, natatawang kinuha ko iyon at hinawakan. Napakagat labi nalang ako ng makitang may parteng sunog doon.

Go to Hell Mr. PrincipalWhere stories live. Discover now