20th Chapter

95 2 3
                                    

Nagising ako ng makaramdam nang sakit ng ulo. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Naaninag ko kaagad ang liwanag.

Tinakpan ko kaagad ang aking mata at tiningan ang paligid. Doon ko nalang nalaman na nasa hospital pala ako.

Hinanap ko naman ang Principal kung nasa'n ito. Napahawak ako sa bibig ng makita ang katabi kong kama at doon nakahiga ang principal.

Nanghihinang tumayo ako sa kama at dahan-dahan lumapit dito. Nakabandana ang ulo nito mukha ito ang sugat na kaniyang natamo sa aksidente.

"M-mr. P-principal, so-sorry.." Naiiyak na sabi ko dito. Hindi ko na mapigilan ang luha kong gustong lumabas.

Kasalanan ko 'to e, kung hindi sana ako u-mano e.

Naiiyak na hinawakan ko ang kamay nito. Napahiyaw ako sa pwesto ng biglang gumalaw ang kamay nito.

Dali-dali naman akong naalarma at tumawag ng nurse. Ngunit bago pa man ako makatawag ay may humila sa kamay ko.

Napasubsob naman ako sa dibdib nito. 

"Don't go" Garalgal na sabi nito.

Laking gulat kong tumayo ng tuwid at tiningnan ng masama ang principal.

"Gising ka pala e" Naiinis na sabi ko dito.

Tiningnan naman ako nito ng masinsinan at tumikhim. "Y-yah kanina pa"

Napakagat labi ako at bumalik sa pwesto sa kama ko. "A-ahh, okay ka na ba?"  Seryosong usal ko dito.

"Y-yah but it's hurt a lot. My head and my back "

Napatulon laway ako ng makaramdam ng awa sakaniya. Siya ang nakaramdam ng sobrang sakit bukod saakin dahil sa aksidenteng iyon.

"Kasalanan ko"  Pag aamin ko dito. Kasalanan ko talaga kung hindi lang ako nag e-mote edi sana okay pa kami.

"Of course it's all your fault" direktang sabi nito saakin.

Nanghihinang yumuko ako dito at nahihiyang hindi tumingin sakaniya.

"So-sorry Mr. Xavalde kung hindi kita kaagad pinatawad. Oo kasalanan ko talaga 'to e kung hindi lang ako umalis edi sana hindi kana naaksidente. Sorry talaga" Naiiyak na bulyaw ko dito.

"H-hey don't cry, you just look stupid"

"Pero kahit na kasalanan ko talaga 'to!"   Napahawak ako sa mukha at pinunasan ang mga luhang lumabas doon.

Whaaaaa! hindi ko na talaga mapigilan ang emosyon ko. Hindi ko talaga kayang hindi mapigilan ang mga luha na hindi ilabas iyon. Acting strong lang ako pero pagdating sa ganitong sitwasyon na makakasakit ako ng tao. Hindi ko kaya..

Itinuro iyon nila Nanay at Tatay na wag tayong manakit ng kapwa natin. Kahit may gawin pa silang masama sa'yo wag lang gagawa ng ibang paraan para makaganti.

"E-ey come here"

Napalingon ako dito ng tinawag ako nito."H-huh b-bakit?"

Hindi ito nagsalita mariin lang itong nakatitig saakin animoy hinihintay talaga ako nito.

Dahan-dahan akong lumapit dito. "B-bakit nga?

"Here. Just use this" Napalingon ako ng may inabot itong panyo saakin.

"Warning ,don't put a cold on that handkerchief. Did you get?" Ma aw-toridad na sabi nito.

Napatango nalang ako habang pinupunasan ang luhang lumabas doon.

Go to Hell Mr. PrincipalWhere stories live. Discover now