Chapter 01

1.1K 42 0
                                    

Chapter 01

"HOW'S DEIA,DOC?"

Tahimik lamang ako habang ini-eksamin ng doctor ang kalagayan ko. Tulala lamang ako at nasa malayo ang tingin.

Baka nabaliw na ko?

Sa pagkakatanda ko ay naaksidente kami pero ba't narito ako? Mali namang langit ito.

Pati ba sa langit may nagtsi-tsismisan pa rin?

Mahina kong tinapik ang pisngi ko.Napailing na lang ako at napahawak sa ulo ko.

Gulong-gulo na ang isip ko ngayon.

Naririnig ko rin ang sari-saring bulungan tungkol sakin ng mga ta hio rito. Masyado talagang judgemental ang mga tao ngayon.

Ganitong-ganito talaga ang trato sa anak ng Gobernador sa kwento ko.

Kawawang Kaideia.

Masamang manunulat-present err.

Umiikot rin sa isip ko na baka nasa libro talaga ako.

Mula sa Kaideia Avila Lavirro na siyang isa sa mga side character ko sa nobelang ipa-publish sana.

Malamang sa malamang na ang lalaking kaharap ko ngayon ay ama nito.Si Governor Evander Enoch Lavirro.Isang magiting na gobernador sa buong Henrietta.

Isa rin sa makapangyarihang negosyante at politiko.

Nasa'n kaya ang mga ampon nito?

Siguradong magugulat iyon na buhay pa si Kaideia Avila na siyang dapat patay na sa unang bahagi ng nobela.

Ang tanong ay kung paanong nakapasok ako sa nobela ko? Malaking palaisipan.

Sumasakit na rin lalo ang ulo ko.

Ngayon ay halos nasa simula pa lamang ng nobela.Kung saan mamamatay dapat ang nag-iisang tunay na anak ng Gobernador na si Kaideia.Isang dalagang lumaking walang ina at walang mga kaibigan kaya't nagpasya itong magkulong sa loob ng madilim nitong silid sa halos sampung taon.

Walang may alam sa mukha niya maliban sa pamilya nito.Ngunit kahit gaano kaamo ang iyung pagmumukha ay di nito matatakpan ang maling akala.

Sa parteng ito ay dapat patay na nga ang babaeng nasidlan ko at siyang pagkapanalo ng dalawang ampon ng Gobernador—sina Adrasteia at Amara.

Sila ay siyang tunay na anak ng isang sakim na Gobernador rin. Ngunit hindi iyon alam ng Gobernador dahil sa kahabagan ng puso niya ay nagawa niyang umampon ng traydor sa pamamahay nito.Katulad ni Kaideia ay nasa sampung taon rin ang dalawang bata.

Misyon ng dalawang tulungan ang kanilang totoong ama na pabagsakin ang ama ni Kaideia.Pero mukhang mag-iiba ang daloy ng istorya.Sumasakit na agad ang ulo ko.

Dapat umayon ang lahat kundi ay tuluyan ng masisira ang sinimulan ko.

Bakit ba kasi sa dinami-daming pwedeng masidlang katawan ay sa katawan pa ng babaeng dapat una pa lamang ay dapat nasawi na.

Saksak sa dibdib ang dapat ikinamatay nito at ang may sala ang dalawang babaeng ampon.

"Do you feel better now,Deia?"ang malalim na tinig ng ama ni Kaideia ang umagaw sa pansin ko.

Masyado akong lutang dahil di ko namalayan na nakaalis na rin pala ang doctor.

Napatingin ako sa Gobernador.Para itong hari habang nakaupo sa isang malambot na sofa.

"M-Maayos na ako."sagot ko rito.

Nakarinig naman ako ng mahinang bulungan na kesyo raw ay wala akong galang sa sarili kong ama.

Lihim na lang akong napairap sa narinig. Isa pa ay sa totoong buhay naman ay ako ang may akda ng lahat. Sariling sikap ko sa pagpupuyat at sipag sa pagtatype ang pundasyon ko kaya't humihinga at nabubuhay sila. Halos wala na nga akong tamang tulog.

“If that so...then get some rest.”ani ng ama ni Deia.

"Opo, I'm also quite tired. I really need some sleep. "sabi ko at pekeng humikab.

Tumango ito saka ako dinampian ng halik sa noo.

Naglakad na ito kasunod ang mga katulong na likas na tsismosa.

Ng makaalis ay tumayo ako sa kama saka nag-inat-inat. Kailangan ko ng mga sagot sa tanong kong patuloy na gumugulo sa isipan ko.

I roamed my eyes around when i saw a full body mirror.

Naglakad ako paroon at tumigil sa mismong harapan ng salamin.

That's when I got shocked.

I cupped my face and step backwards.

Is this me?!


Governor's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon