Chapter 20

591 23 0
                                    

Chapter 20

Narito ako ngayon sa kwarto ko habang nakatulala sa salamin.Ang putla ko at ang pungay ng mga mata ko.

Ilang gabi na rin akong di makatulog dahil sa panaginip na yun.

Tungkol sa babaeng pilit akong binabangon ngunit hindi ko makilala dahil sa malabo ito at ganun rin ang boses.

Hindi rin ako lumalabas ng kwarto dahil naiimbyerna lamang ako sa dalawang ampon.

Nabalitaan ko na rin ang tungkol kay Eula.Nakaalis na ito sa hospital at hindi pa rin nagpapakita sakin si Koa.

Hindi ko mawari pero may kakaiba sa nangyari kay Eula.Iba.

-

Third Person Pov:

Naroon sa malaking kwarto si Eula habang nakatingin sa mukha niyang namumutla.

Hinahaplos niya iyun bago ang kaniyang leeg na may kaaibang marka roon.

Ilang sandali ay bigla na lamang itong ngumisi.

Hindi nito alam na may nagmamanman na pala rito.Ang lalaking may pulang buhok,wala itong ekspresyon habang nakatingin lang sa babaeng may katulad na marka sakaniyang leeg.

-

KAI POV:


“Lady Deia,mayroon po kayong bisita sa salas.”saad ng katulong ng buksan ko ang pinto.

Hindi pa rin maganda ang pakiramdam ko pero naiintriga ako kung sino.

Tumango ako sa babae at nagbihis na.

Ng makarating sa sala ay nagulat ako ng makita si Koa habang nakayuko.

Maayos ang postura nito ngunit halatang hindi rin nakakatulog ng maayos ng tumingin sa akin.

Nilapitan ko ito at umupo.

“Is this about the deal?”i ask him.

Dahan-dahang umiling ito.

“Si Lady Eula...”mahinang saad nito na kinahawak ko sa braso niya.

Sumunod ka sakin.”





DINALA ko siya sa study room ni Deia at pinaupo.

“Anong tungkol sa kaniya?”

Bumuntong-hininga ito at tumingin sa akin.

“I didn't save her.”diretsong sabi nito.

Bagama't bata pa nga ito at wala pa sa tamang edad ay mature narin itong mag-isip.

“But she wasn't killed.”sabi ko na kinatango niya.

Ibig-sabihin may tumulong sa kaniyang iba?”nalilito kong tanong.

Tumingin ito diretso sa mga mata ko.

Hinawakan rin niya ang braso ko.

“No one save her.Iba...may iba sa kaniya.”

“That day huli na ako ng dumating para sana pigilan ang nangyari pero huli na.Pinalibutan na siya ng mga lalaki at binaril sa dibdib.”

“Akala ko patay na siya ng iwan na siya nung mga lalaki pero hindi.Tumayo siya...tumayo siya na parang walang masakit sa kaniya kahit halos mapuno na ng dugo ang damit niya.Ang nakakakilabot pa ay nung ngumisi siya at tumawa ng mag-isa.”puno ng takot na sabi nito.

Para naman akong natuod at nanghina.

Anong nangyayari?

Si Eula?




Abangan ang susunod>>>

Governor's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon