Chapter 11

677 29 2
                                    

Chapter 11


“WE'RE HERE.”

Nakangiting saad ko saka lumingon kay Waquim Dimitri.Tumingin lang naman ito sa akin.

Ng tuluyan ng huminto ang Limousine ay saka na ako bumaba.

Bumaba rin si Secretary Vino—Vino Abel Hermosa pala ang ngalan nito.Saka ko lang naalala.

Binuksan nito ang pinto ang amo niya at maingat na pinaupo sa wheelchair nito.

Hindi pa nga talaga siya makakalakad ngayon.Kapag nagkita na sila ng Doctor na galing sa ibang lugar ay dun pa lamang siya maooperahan nito.Pagkat ang mangggamot lamang na iyun ang may kaalaman at kakayahang magpagaling sa lalaki.

Pero di ko pa ngayon sasabihin kung sino!

Dahan-dahang pumarito ang dalawa saka sabay-sabay kaming pumasok sa loob ng mansyon.

Masaya ako ngayon habang tinatahak ang daan papasok ng mansyon ngunit agad iyong nabura ng matanaw ang galit na ekspresyon ng ama ni Deia habang nasa veranda.

Napatampal ako sa noo.

Malamang wala itong alam kung ba't di nakauwi ang nag iisa nitong anak.

Nagmamadali akong naglakad palapit rito at naiwan na sina Waquim Dimitri at si Secretary Vino.

Bumulong ang kanang kamay ng Gobernador sa kanya at agad sumalubong sa akin ang malamig nitong tingin.

Kinilabutan ako.

Nakangiwi akong lumapit rito saka hinarap ito.

“Da—”

“Sa'n ka ba galing,Kaideia?”madiin nitong saad na animong nagtitimpi.

Napakamot ako sa batok ko sa konsumisyon.Paano ko nga ba sasabihin ito sa Gobernador.Na naglasing ako kaya't nandoon ako sa bahay nina Waquim Dimitri?Shuta naman.

“I was—”

“She's in my house the whole time,Governor.”

Napatingin ako sa pumutol sa sasabihin ko at agad napakurap ng makitang si Waquim Dimitri pala ito.Muntik ko ng makalimutan!

Napatingin ang Gobernador rito at napakunot ang noo saka papalit-palit ang tingin sa amin ni Waquim.

“What do you mean,Mr.Zacreus?And... Deia?”nalilitong tanong nito.

Nakangiwi naman akong napapailing na lang.Patay.

_

“I AM VERY THANKFUL THAT YOU HELP MY DAUGHTER,MR.ZACREUS.”

Nakatanga lang akong nakatingin sa dalawang makikisig na lalaki sa harapan ko.

Ang Gobernador na ama ni Deia at ang lalaking tumulong raw kuno sakin?

“It was nothing,Governor.I just did my part,btw I'll go now.”saad ng lalaki at tumango naman ang Gobernador saka tumingin sa kin.

“Deia,come with Mr.Zacreus to the gate.”saad ng Ama ni deia at wala akong nagawa kundi sundin ito.

_

“BA'T KA NAGSINUNGALING?”

Curious kong tanong kay Waquim Dimitri.

Blanko ang tingin nito sa akin habang nakasunod lang naman samin si Vino.

Ako ngayon ang may hawak ng wheelchair ng lalaki.

At mukhang wala naman itong pakealam.

Matagal ito bago sumagot.

“To save your...”

Natagalan ito kaya't nawalan na ako ng pasensya.

“butt?”

Naubo naman ito sa siningit ko kaya natawa na rin ako at mahina itong hinampas na kinaubo naman ni vino sa likuran.Wala namang imik ang isa.

“Eto naman di mabiro,chill ka lang.”saad ko.

“It was meant to save yourself from disgrace.”sagot nito na kinatanga ko.

Anu raw?

“A lady is a lady.You are one of that.A woman that has a high rank in the society had a big reputation to take care.A woman shouldn't drink specially that it is one of the rules in Henrietta.”

Paliwanag nito na halos ikinatanga ko na lang.

Shet!Oo nga pala,may rules din pala sa lintik na nobelang to!

PUTCHA!





Abangan ang susunod>>

Governor's DaughterWhere stories live. Discover now