Chapter 13

688 32 1
                                    

Chapter 13

“ISA KA PO BANG MANGKUKULAM?”

Napahawak ako sa dibdib ko at umarteng nasasaktan sa binanggit ng batang lalaki.

“Grabe ka naman!”sigaw ko rito at agad napatakip ng bibig na baka may makarinig sa labas.

Nandito kami ngayon sa study area ni Deia kung saan narito ang mga libro ng babae.

Pinakawalan ko na rin ang bata pero di pa rin umalis dahil sa kuryuso kung ba't ko nga ba alam ang ngalan niya.

Pero delikado nang sabihin na character sila at ako ang sumulat ng kwento at bala hindi lang mangkukulam ang sabihin niya sakin kundi baliw na rin.

Delikado na.

“Hindi ako mangkukulam.Sadyang marami lang akong alam kung kaya't dapat ako lang ang bossing mo.”saad ko rito at napatango naman ito.

Bakit po pala di niyo ako sinumbong?”curious nitong tanong at napangisi naman ako.

Napapitik ako at tumayo.

Naglakad abante at paatras.

Naksunod lang naman sakin ang mata ni Koa.

“You''re here to kill me at ang nag-utos sayo ay walang iba kundi ang magkapatid na anak ng Gobernador sa Sila.”saad ko at namilog naman ang mata nito at akmang magsasalita na agad ko namang inunahan.

“Sina Amara at Adrasteia.Sila ang gustong pumatay kay Deia—sa akin.”muling saad ko.

Napatayo naman si Koa.

Paano niyo nalaman ang lahat ng ito?”nagtatakang sabi nito at malikot ang mga mata.

Dahil sa mundong ito ako ang nakakataas.”walang pasubali kong sabi at napanganga naman ang lalaki.

Dinuro pa ako nito.

Babae ka ng makapangyarihang Zacreus?”puno ng panunumbat nito na kinairap ko nalang.

Lowgets shuta.

Napailing na lang ako at naupo muli.

“Hoy,bibig neto!Basta gusto ko dito ka sakin magtatrabaho.”sabi ko at nalukot naman ang mukha nito.

“Nguni—”

“Ikaw si Koa Gael Sarmiento.Isang ulila na galing sa ampunan sa Sila.Pinatapon sa silbihan ng Gobernador at nakitaan ng kakaibang kakayahan sa pakikipaglaban.Isa ka ring magnanakaw at kilala sa maliksing galawan.Ang Gobernador ang pumilit sayong pumatay at pumaslang ng mga tao sasagabal rito.Tama ba?”mahabang alintanya ko.

Nakanganga ito habang tumango.

May luha naring dumadausdos sa mgamata niya.

“Kung gayon...ano ang iyong pasya?”seryoso kong tanong.

Napalunok naman ito.

-

TEIA,NAPATAY NIYA KAYA SI KAIDEIA?”

Tanong ng dalagang si Amara sa kapatid na nakatingin lamang sa salamin habang sinusuklay ang mahabang buhok.

Nagkibit-balikat ito na kinainis ni Amara.

“Ate!What if mahuli siya?May kakaiba pa naman sa Kaideia na yun!”

Irit ni Amara.

Napairap naman si Teia.

He send the best assassin to kill that bitch.So,easy peasy.”saad ni Teia at muling sinuklay ang buhok.

Napahugot na lamang ng hininga si Amara at labag man sa loob ay umalis na ng silid ng kapatid at naglakad papuntang panuluyan nito.

Ngunit agad namang napatigil ng makita ang isang lalaking nakaupo sa wheelchair habang nakatalikod sa kaniya.Naroon sa bridge kung saan ang pond.

Inayos niya ang kaniyang buhok at nakangito nang lumapit sa lalaki.

Lalapit na sana siya ng biglang sumulpot ang secretary nito.Agad siyang napasimangot.

“What do you need,Lady Amara?”pormal nitong tanong.

Sumilip naman siya sa amo nito ngunit hanggang ngayon ay nakatalikod pa rin ito.

“I just want to greet,Mr.Zacreus!”nilakasan niya pa ang kaniyang boses para maagaw ang pansin ni Waquim ngunit wala pa rin.

Ngunit ng may magsalita sa likuran niya ay kasabay ng paglingon niya ang paglingon rin ni Waquim Dimitri Zacreus na siyang kinagulat niya.

“Why do you want to see me,Waquim Dimitri?”

Pero mas lalo pa siyang nagulat ng makita ang lalaki sa likuran ng dalaga.Na walag iba kundi ang inutusan nilang patayin ito!

Aga siyang namutla lalo na ng sumulyap sa kaniya si Deia habang may maliit na ngisi sa labi.








Abangan ang susunod>>

Governor's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon