Chapter 03

943 42 4
                                    

Chapter 03

THIRD PERSON POV:

“WHERE'S DEIA?”

Tanong ni Adrasteia sa napakahinhing boses.

Agad namang napangiti ang mga taong nagsisilbi sa kanila dahil sa kaalamang napakabait na binibini raw nito.

Narito ngayon sila sa malaking hapagkainan ng mga Lavirro.Malawak at puno ng mamahaling mwebles sa paligid.

Kristal ang lamesa at kumikintab sa kinis ang paligid. Napakakinang rin ng chandelier sa itaas at komportableng nakaupo ang pamilya.

“Susunod na raw po si Lady Kaideia, Lady Adrasteia.”sagot ng inutusan nilang babae.

Tumango naman ito saka lumingon sa Gobernador na ngayon ay may binabasang dokumento habang maayos na nakaupo sa hapag-kainan.

Tumikhim ang dalaga saka pasimpleng tumingin sa kapatid na si Amara.

Pasimpleng kumibot ang labi ng dalagang si Amara sa narinig mula sa katulong.

“Father, What actually happened to Deia?Is she hurt?” kunyaring nag-aalalang saad nito.

Ibinaba naman ng Gobernador ang dokumento saka napabuntong-hininga.

“She's physically okay.Nauntog ang ulo niya sa gilid ng babasaging lamesa ng may isang tulisan ang balak siyang patayin but I'm actually worried to her emotionally.Mukhang na-trauma ito.”napapailing na sabi ng Gobernador.

Bakas ang matinding pag-aalala sa anak.

Napabulong naman si Amara na agad pinanlisikan ng mata ni Teia na baka marinig ng ama-amain nila.

“Bida-bida.”

Napairap na lamang si Amara at uminom ng tubig.

Nasa isip nila na napakatagal naman ni Deia at ito'y sadyang paespesyal.

Handa na sanang ayain ni Teia ang Gobernador kumain sapagkat baka hindi sumipot si Deia ng bumukas ang malaki nilang pintuan sa hapag-kainan.

Pare-parehas silang napatingin roon.

Doon ay pumasok si Deia na taas noong naglakad papalapit sa mesa.

Kumikintab ang balat nito sa kaputian at ang mahaba nitong buhok na halos kakulay na ng isang papalubog na araw.

Agad namangha ang mga tao ng makita nila ng harapan ang totoong anak ng Gobernador at isa lang ang nasa isip nila—na ito'y napakaganda.

Agad napakurap ang dalawang babae ng umupo na sa harapan nila si Kaideia.

“Good evening, Father and to my dearest sisters. ”kalmadong saad ni Kaideia at tumango sa kanila.

Lihim namang napairap ang dalawa saka pekeng ngumiti rito.

Ilang sandali ay nagsimula na silang kumain ng hapunan.Puno ng iba't-ibang uri ng pagkain ang nasa harapan nila.

Nabasag ang katahimikan ng magsalita si Amara.

“It's good sis that you already goes out now from your cave.”walang-pabalang na sabi nito at agad napatingin sila rito.

Maging si Teia ay halos mabulunan ng magawa nitong sabihin kay Deia iyun sa harapan ng Gobernador.

Alam nito na prangka ang kapatid ngunit nagpapadalos-dalos naman ito. Pasimpleng sinipa ni Teia si Amara para patigilin ngunit mukhang ayaw nitong tumigil.

“Saka it's your time para naman makapag-aral ka na, aking kapatid.”dagdag nito.

Kusa namang napatingin ang Gobernador rito at puno ng kalituhan na nakikinig.

Ngumiti si Deia.

Bagay na kinagulat ni Amara.

“Right. Masyado na kasing transparent ang cave ko.”may diin na saad ni Kaideia.

“Inaanay na ng nga taong gustong sumira nito. While, about sa education. I'm too sure that I'm well educated Amara. You don't need to care for me too much. Know that? It might cause you some wrinkles, see that?” nakangiti pa ring tinuro ni Deia ang mukha ni Amara.

Kusa na lamang napahawak si Amara sa mukha at napatigalgal naman si Teia.

“W-What?!”

Natawa si Deia sa ekspresyon ng babae kaya't hindi nito napigilang mapahalakhak na kinailingan lamang ng Gobernador sapagkat ngayon lang rin naman niya narinig nito ang mayuming tawa ng anak.

At sa isipan nito ay simpleng biruan lamang at kumustahan ng magkakapatid ang pinag-uusapan.

“Nagbibiro lamang ako, sis.”kunyaring painosenteng sabi ni Deia.

Nangitngit naman agad sa galit ang dalawang babae saka napapikit sa inis.






KAIDEIA POV:

Feeling wagi ako ng makaalis na sa dining room at naglakad-lakad sa labas ng mansiyon.

Mabuti at naungusan ko na rin sa wakas ang dalawang pangit na yun. Pero simula pa lamang ito kaya't chill ka lang kung nasan ka man Deia. Let me handle this.

I'll make sure to ruin that bitches na ako rin ang gumawa.




MARAMING ILAW.

Napakagandang pagmasdan ng paligid.

Kaunti na lamang ang dumaraan sapagkat abala ang lahat sa kusina upang gawin ang kanilang gawain kung kaya't kapansin-pansin ang katahimikan ng paligid.

Malaki ang mansyon ng Lavirro, dahil kabilang sila sa mga makapangyarihang pamilya sa buong Henrietta.

Halos buong buhay rin ng ama ni Deia ang katungkulan bilang Gobernador sa norte at hindi pa rin nito pinapakawalan ang malaking bahagi nito. Kung kaya't kahit hindi na nito paangatin pa ang pwesto sa gobyerno ay mas nangingibabaw pa rin ang kapangyarihan nito sa lahat.

Habang naglalakad si Kaideia ay napunta siya sa isang tulay na nag-dudugtong sa dalawa pang mansiyon ng mga Lavirro. Sa ibaba nito ay isang mahabang ilog na may iba't-ibang uri isda.

Kumikinang dulot ng liwanag ng bilog na buwan sa kalangitan ang tubig nito na kalmadong umaagos.

Nakangiti at nakapikit niyang dinama ang simoy ng hangin. Sa paraang ito ay nakakaramdam siya ng kapayapaan at walang problemang iniisip.

Habang abala sa pagdama ng hangin ay nagulat siya ng may maramdaman sa gilid niya.

Agad siyang napamulat at napatingin roon.

Nanlaki ang kaniyang mga mata sa natunghayan.

Doon ay nakita niya ang isang lalaking mala-fictional character!

Nakatingin ito sa kaniya.

Hanggang sa sumilip roon ang isang maliit na ngisi.

Ngunit agaran siyang kinabahan ng maramdamang pamilyar ito.

HINDI PWEDE!

IMPOSIBLENG ITO ANG SECOND MALE LEAD NG NOBELA!







Abangan ang susunod>>

Governor's DaughterWhere stories live. Discover now