Chapter 02

921 38 2
                                    

Chapter 02

Napahawak ako sa mukha ko at napakurap.

Ayon sa ginawa kong nobela ay wala akong nabanggit na kahit anong specific na itsura ni Kaideia kaya't ganun na lang ang gulat ko ng makitang istura ko pa rin ang nakikita ko.

Ngunit may pinagkaiba rin.

Ang balat ko ay mas lalong pumuti at kuminis na para bang perlas at ang mga mata ko!

Mula sa itim na itim kong mata ay naging berde ito.Katulad ng mga mata ng ama ni Kaideia.Ang itim ko ring buhok ay nag-iba.

Ito yung tinatawag na ginger hair.

Mahaba at tuwid.Hanggang bewang ko ito at kumikintab sa ganda.Para akong nag-glow up shala!

Maganda naman talaga ako dati pa pero teh,laking pinagbago rin nito.Parang completely different person ang atake.

Pang-model rin ang katawan ni Kaideia.Malayo sa katawan kong slim nga pero may kunting bilbil dahil sa tinamad nang mag-excercise dulot ng sinipag naman sa pag-susulat.

wag gagayahin.

-

M

akaraan ng ilang araw na pamamalagi sa kwarto ni Kaideia ay marami na rin akong napansin.Mula sa kwartong ito na puno ng iba't-ibang libro at ang cabinet nitong puno ng iba't-ibang makukulay at mamahalin na damit.Ito ba ang kwarto ni Kaideia?

Pero sa pagkaka—hindi.Iba ang kwarto ni Kaideia sapagkat tulad ng sa kwento ay naroon siya sa madilim na kwarto.Eh ang vibrant rito eh.Dami pa ilaw.

Natigil ako sa pagmumuni-muni ng makarinig ng katok.

Pasok!”sigaw ko at agad umayos ng upo sa kama.

Ganto lang ang sitwasyon ko sa ilang araw na nakalipas.Nandito lang ako sa kwarto nakamukmok at nag-iisip-isip.

Pumasok ang isang babaeng hindi ko kilala.Pero ayun sa suot niya marahil ay isa rin siyang katulong rito.

Yumuko ito saka ako nginitian.

Nais kayong imbitahan ng Gobernador sa hapag-kainan,Señorita.”magalang na sabi ng babae.

Napahikab naman ako.

Ayokong kumain ng dinner.Pasabi na lang kay Gob—kay ama.”pagtatama ko at napatango naman ito.

Nais sana kayong makita ng mga kapatid ninyo.Ngunit mukhang nais niyong magpahinga ng mab—”

Ng marinig ang sabi nito ay di ko na pinatapos at agad pinuntol ito.Agad akong tumayo saka ngumiti ng malapad.

Pupunta ako at susunod na lamang.”sabi ko at lihim na napangisi.

Tumango muli ang babae saka nakayukong umalis.

Wala akong inaksayang oras at nag-ayos na ng sarili.

Pakikielamanan ko muna ang mga damit mo Dear Kaideia.

Ilang sandali ng matapos ay tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin at agad napangiti.

Mukha na akong anghel na may invisible horn sa ulo.Suot ang simpleng corset type na puting dress at flat sandal ay namayagpag agad akong tinatagong karisma ni Kaide—namin pala.Itsura ko rin to noh!

Nakalugay lamang ang buhok ko at sumasabay sa bawat lakad ko.Kasabay nito ang ngising nakapaskil sa labi ko.

"It's going to be an exciting war,baby."




Abangan ang susunod>

Governor's DaughterWhere stories live. Discover now