Chapter 22

532 22 0
                                    

Chapter 22

Lysander Pov:

“LADY EULA?”

Taka kong tanong ng makita ang babaeng anak ng Gobernador sa loob ng mansiyon namin.

Sleeveless dress na red ang suot nito at naka-stilletos.Kakaiba rin na pula rin ang kulay ng labi nito at kakaibang-kakaiba sa usual nitong ayos.

Tumapang ang itsura ng dalaga.

Agad ko itong nilapitan at umupo sa harapan.

Nginitian ako nito at uminom ng tsaa.

“I have a deal,Mr.Ferrer.”sabi nito.


Nalilito ko itong tiningnan.

-

“W-Waquim Dimitri?”

Napahawak ako sa ulo ko ng makita ang lalaking ito na nakaupo sa upuan.Komportable itong nakaupo roon habang may hawak na alak sa kamay.

Tinaasan ako nito ng kilay at uminom.

Shet.

Galing pala akong bar kagabi at nakausap ko pa nga si Saiko pero bakit ako narito sa bahay netong lalaking to?

Bumangon ako sa kama at agad napabalik ng makitang robe lang ang suot ko.

Niyakap ko ang sarili ko at nagpasalamat na may undergarments pa naman ako.

Bwisit nasan ang mga damit ko?!”sigaw ko rito at matalim na tiningnan ito.

Tumaas ang sulok ng labi nito at binaba ang hawak na alak saka ako nilapitan.Napaatras naman ako hanggang sa maramdaman ang kanto ng kama.

“A-Ano ba lumayo ka nga!”naiilang kong sabi na kinailing lang nito at may kinuha sa gilid ko.

Nanlaki ang mata ko at napakagat labi ng makitang damit pala ito.

“Wear that.Your clothes yesterday was full of vomit and we're not in my house.We're in my condo.”sabi nito at lumabas ng kwarto.

Napasigaw na lang ako at napaupo habang matalim na tiningnan ang damit na iniwan ng lalaki.

-

Tapos na akong magbihis at lumabas na rin ng kwarto.Nilibot ko ang paningin at napansing malaki pala ang condo ng hinayupak.

May narinig akong ingay sa may bandang gilid kaya pumunta ako roon at nakita ang lalaki.

Nakatalikod ito kaya ang malawak at well-built lang nitong katawan sa likod ang nakikita ko.

Maugat rin ang maputi nitong kamay at magulo pa ang itim na buhok.Ba't ba ang sexy ni bro?

Napailing na lang ako.

Tumikhim ako at sinilip ang niluluto ang lalaki. Sinundot ko pa ang bewang nito na kinatigil nito.Napakunot-noo na lang ako at kinuha sa lalaki ang sandok.

“Ako na dito.”sabi ko na hindi tumitingin rito pero ilang sandali pa bago ito umalis.

Napakibit-balikat na lang ako.

Ilang minuto pa ay natapos ko na ito at handa na sanang tawagin ang lalaki ng makita itong nakatayo sa may kalayuan sakin.

Magsasalita na sana ako ng makita ang hawak nito.

Napakurap ako.

No way.

Bakit hawak niya ang libro ng Reminiscence of us?










Abangan ang susunod>>>

Governor's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon