Chapter 08

915 36 3
                                    

Chapter 08

“I SEE.”

Hestia said when i told her na naghahanap lang ako ng banyo at nalito lang kung saan.

“Yup.Anlaki kasi ng venue, hesitant pa akong tanungin yung nga staff rito lalo na at busy sila.”i replied.

Tumango naman ito saka ako sinamahan papuntang banyo.I just pee when i get there,umihi rin siya at ng matapos ay sabay kaming pumunta sa birthday party.

Nagsisimula na pala at naroon na si Eulalia suot ang gold na gown habang nakapaskil ang inosenteng ngiti sa mga labi nito.Nakakabighani nga siya.

Iiba na sana ako ng direksyon ng higitin ako ni Hestia na pinagtaka ko.FC ah!

“W-Wait san tayo pupun—”

“Luh,balik na ko dun!”pigil ko sa babae ng dinala ako sa table nila.Naroon rin ang kuya niyang parang estatwang nakaupo sa wheelchair nito suot ang black suit kasama ang secretary nito.

“Dito ka na lang,Deia.”saad ni Hestia at napatango na lang ako dahil wala naman akong magagawa.

Umupo na lang ako sa katabi nito at di pinansin ang tingin ng lalaking kaharap ko.

Tinuon ko na lamang ang pansin ko kay Eula at muling napasulyap kay Waquim.

Walang ekspresyon at as usual ay pormal itong nakaupo lang.

Blanko rin ang abo nitong mga mata.

Para itong mysterious na gwapong well-built na lalaki habang nakasandal lang sa wheelchair nito.

Daya talaga!

Iniwas ko na lang ang mata ko at hinagilap si Lysander sa paligid at gulat ko ng makitang nakatingin pala ito sa akin.Naroon rin siya sa kabilang table habang malamlam ang mga matang nakatingin sa akin.

Napakurap na lang ako.

Ilang oras na ang lumipas at sumasayaw na rin ang ibang bisita kasama ang kanilang mga partner pero heto ako ngayon parang bulaklak sa pader.Achecheche!

May pinuntahan rin si Hestia na di ko alam kaya't narito ako ngayon kaharap ang kuya nito.

May dumating rin na wine sa amin kaya't kinuha ko na ito at tinikman.

Napangiti ako dahil masarap.

Hanggang sa maubos ko ito kaya't naglagay naman ako sa wineglass ko.

Nakatingin naman sa akin si Waquim na isinawalang-bahala ko na lang saka ito nginitian.

“Shot puno!”

Magiliw kong sabi saka tinaas ang baso.

Napatikhim naman ang secretary ng lalaki pero patuloy lang ako sa pagsalita.

“Nu ba naman!Cheers ka naman diyan,Bro.”yan ang nasabi ko at parang nahilo ako ng slight pero natawa na lamang.

Napakunot naman ng noo ang lalaki saka ininom ang alak sa wineglass nito at matigas ang ekspresyong tiningnan ako.

badmood yan!

Si bro ay galeettt!

Napahagikhik ako at naiiling.

“Yan naman pala eh.Sige pa.”parang tanga kong sabi saka pinagpatuloy ang pag-inom.

Nasisinok na rin ako at di ko alam kong ba't naiiyak na lang ako.

Nahihilo na rin,malala.

“Shet namang buhay to oh,miss ko na mama ko ih.Bakit ba kasi napunta pa ako rito?Ba't ako pa!”naiiyak kong sabi at pormal lang namang nakatingin sa akin ang di ko na makilalang lalaki sa harap ko dahil sa luhang patuloy na kumakawala sa mata ko.

Napahilamos ako sa mukha at halos mapapikit na sa hilo at antok.

Ngunit bago pa ako mawalan ng malay ay may narinig akong salita na kinalakas ng kabog ng dibdib ko pero di ko na alam kung totoo ba yun o guni guni na lang.

“Sleep well...Kai.”

At tuluyan na akong nakatulog.







Abangan ang susunod>>

Sana makatulog rin kayo ng matiwasay mamaya HAHAHA.

Governor's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon